webnovel

4. The Elementalist

(Shantell POV)

Okay hingang malalim! Masasanay ka rin Shanty!! Well Shanty ang tawag ko sa sarili ko. Wala naman akong bestfriend para tawagin ako niyan. Madami akong friends pero casual lang. Alam mo yun? Yung hindi mo sila nasasabihan ng mga problema at secrets mo, that's friends for me.

Kung bakit naman ako nakahingang malalim dahil isang unicorn lang naman ang lumapag sa harap ko, I mean sa harap namin kasama ang iba pang kabataan na mag-eenroll sa academy. Madami dami din kami at hindi ko alam kung lahat matatanggap, kahit ako walang pang kasiguraduhan. Wala din akong ideya kung ano ang entrance exam dito!

Mula sa likod ng unicorn ay bumaba ang isang babaeng may witch hat, yung patulis ang dulo tapos nakasalamin din siya at may hawak na wand. Geezz gayang gaya niyang ang mga witch na napapanood ko sa mga movie.

"Ikinagagalak kong makita ang mga kabataan na mamamayan ng kaharian ng Manta" malamig ang kanyang boses at napakamalumanay nito. "Ngayong araw ang itinakda upang malaman kung kayo ay magiging bahagi ng akademya o hindi. " dugtong pa nito.

"Nananabik na ako Shantell!! Para sa angkan ng manggagamot! " kapansin pansin ang determinasyon sa boses ni Marie, maging si Aklas na tahimik lang ay makikita sa kanyang mga mata ang pakiramdam katulad ng kanyang kambal.

Oo nga pala, nais nilang mag-aral at makapagtapos upang makakuha ng mga misyon upqng kumitang pera para sa kanilang angkan upang maiahon ito sa kahirapan. Hmmm katulad lang din sa Pilipinas, ang mga estudyante doon ay may ganitong pananaw din kaya napangiti na lamang ako.

"Ikaw Shantell? Anong dahilan mo upang magkaroon ng lakas na loob na pumasok sa akademya? " tanong ni Marie. Napa-isip ako saglit at tinitignan ang mga kabataan na pumipila na para sa pagsusulit.

Ano nga ba ang dahilan ko? Bakit ako narito? Para kanino ba itong ginagawa ko? Peroo naisip ko ang sinabi ni Miss Gabriella, ang kakulangan sa pagkatao ko ay dito ko malalaman.

Bakit kailangan ng lakas ng loob upang pumasok sa akademya? Nasabi ni Marie, na sa pagpasok sa akademya ay kaalibat nito ang malaking responsibilidad, protektahan ang akademya, protektahan ang kaharian ng Manta hanggang sa iyong huling hininga, ibig sabihin ang akademya ay nagsasanay ng mga kabataan na maging protektor nito. Kung bakit kailangang protektahan? Hindi ko din alam. May sasakop ba dito?

"Ahhh.. Ano.. Hindi ko naman pinipilit kung sasabihin mo o hindi" tila nahihiyang sabi ni Marie, napansin siguro nito ang biglang pagtahimik ko kaya nginitian ko na lamang ito.

Napansin ko ang pagliwanag sa tabi ng Witch na nagngangalang Mathilda, Headmistress Mathilda. Ibig sabihin siya ang principal ng akademyang ito. Isang bilog na madaming hugis at nagliliwanag ito ng itim. Nakakamangha itong tignan.

Napansin ko din sa tabi nito ang tatlong flag o watawat na nakatayo. Berde para sa wizard, Pula para sa summoners at Puti na may ginto sa Elementalist. Ngayon ko lang din nalaman ang entrance exam dito ay tatayo ka lang doon sa bilog tapos magliliwanag ayon sa kulay ng watawat. Ibig sabihin kapag naging berde ito ay sa Wizard class ka o propesyon.

"Ngunit bago tayo tuluyang magsimula, ipapakilala ko sa inyo ang mga prinsipe at prinsesa na nasa elementalist na inyong magiging estudyante." Napuno ng bulong bulongan ang paligid. Napansin ko din ang galak sa ibang kabataan.

So VIP sila? Ganun? Well hindi na ako magtataka dahil mga princes at princesses daw sila.

Unang pumunta sa harap ay ang lalakeng may kayumangging balat, dark brown din ang buhok nito, at makisig din ang pangangatawan na halatang batak sa pagbubuhat.

"Prince Lucas of Earth Palace" yumuko ito bago humanay sa White and Gold flag, ibig sabihin elementalist siya which is Earth.

Sunod sunod ng nagpakilala ang iba.

"Princess Shia of Nature Palace"

"Princess Almira of Air Palace"

"Prince Grey of Ice Palace"

"Prince Grimuel of Dark Palace"

"Princess Lucy of Water Palace"

"Prince Damon of Thunder Palace"

"Princess Selena of Light Palace"

"Prince Kael of Fire Palace"

Nawala na ang atensyon ko sa kanila matapoa magpakilala ng huling prinsipe mula sa Fire Palace. Basta isa lang ang alam ko, napakaseryoso nila. Ang mga galaw din nila ay limitado na parang pati ito ay pinag-aralan nila, I mean pang royal talaga ang datingan. Ang nakakatawa lang ay ang mg kulay ng buhok nila which represents their elements hahaha. Dun talaga ako natatawa sa Fire Palace kase para siyang apoy na naglalakad hahahahahah

"Anong tinatawa tawa mo jan Shantell? Umayos ka nag uumpisa na ang pagsusulit, kailangan ng matinding konsintrasyon dito" seryosong saad ni Marie. Hindi ko nalang sinabi dahil baka magulo ang concentration na sinasabi nito.

Nangangalahati na ang mga sumubok at dumarami na ang mga nakahanay sa kanya kanyang flags nila. I think mga nasa two hundred na ang natapos and then lima pa lang ang hindi pumasa, dahil nakahanay sila sa kabilang gilid. Malungkot at nakayuko  sila dahil sa resulta.

Kinabahan ako ng si Aklas na ang pumatong sa bilog na nagliliwanag, ipinagdadasal ko din na sana makapasok siya. Nagliwanag ang mata ko dahil naging kulay berde ang bilog! Ibig sabihin nito ay isa siyang Wizard!

Napapalakpak ako dahil sa pagtatagumpay nito ngunit muling bumalik ang aking kaba dahil si Marie na ang susunod at pagkatapos ay ako na!!! OMG!!

Katulad ni Aklas ay naging berde din ang bilog, kaya Wizard na si Marie. Bago ito tuluyang umalis ay binigyan pa ako nito ng yakap at bumulong na kaya ko ito.

Whoah!!! Huminga ako ng malalim. Ito na! Ito na!!!! Wahhh!!!

Nanginginig ang binti ko ng ihakbang ko ito sa bilog. Pinikit ko ang aking mata hindi para mag concentrate, nagdadasal ako sa maykapal! Biglang nanlamig ang buong paligid ko ngunit napakunot ang noo ko dahil bukod sa lamig, init at malakas na hangin din ang nararamdaman ko which is I don't have any Idea!!

Pagkatapos kong magdasal ay unti unti kong binuksan ang aking mga mata at tinignan ang bilog. Laking gulat ko dahil sa sobrang lakas ng liwanag na nagmumula sa bilog, isang puti na may halong gintong liwanag!

Tinignan ko si Headmistress Mathilda, napansin ko ang pagkunot ng noo nito, inayos din nito ang salamin habang pinagmamasdan ang bilog sa paanan ko. Palipat lipat ang tingin nito sa akin at sa bilog. Now what? Pasok ba ako o hindi? Kinakabahan tuloy ako dahil sa ekspresyon niya.

"Isa itong hindi kapani-paniwala na pangyayari" napatingin ako sa isang babaeng pinagmumulan ng tinig. Ang Princess of Light, si Selena.

"Kilala mo ba siya Selena?" Tanong naman ng headmistress at umiling lamang ang prinsesa. Muli akong pinagmasdan ni Headmistress Mathilda bago tumango.

"Isang karangalan na masaksihan ang iyong Light Element, ito ay kahanga hanga dahil nadagdag ang bilang ng mga elementalist."

The eff??? Pasok ako? Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan, bakit elementalist??? Ayoko ng elementalist!! Paano na ang dragon? Paano ang summoner na gusto ko?!!