webnovel

Synopsis

Reiko has been married with his wife for six years already. Kung sa paningin ng ibang tao ay isang perpektong pamilya ang meron sila, para sa kanya ay isa lang iyong malaking palabas. He loved her wife, pero alam niya na sa umpisa pa lang ay wala siyang puwang sa puso ng asawa. Alam niya na isang malaking katangahan ang desisyong ginawa niya para lang maikasal sila, pero kung ang kapalit noon ay ang makasama ang mahal niya ay sinugal niya na kahit na sa gitna ng pagsasama nila ay kaibigan pa din ang turingan nila.

Eilla love perfumes. Noon pa man ay pangarap na nitong maging Perfumer or Perfume Chemist. Kaya naman ng makatanggap siya nang balita na makakasama niya ang isang sikat na perfumer na si Alberto Morillas sa gaganaping event na 'Learn the Secrets' kung saan ituturo ng Spanish perfumer na si Alberto Morillas ang lahat ng sikreto at pamamaraan niya sa paggawa nang mga pabango. Dahil sa balitang ito ay hindi na nagdalawang isip pa si Eilla, desidido siyang mag-aral muli lalo na kung ang mentor ay ang kaniyang hinahangaang perfumer.

Gustuhin mang pigilan ni Reiko ang asawa dahil sa matagal na paglalayo nila ay alam niyang hindi magpapapigil ito. Walong buwan ang itatagal ng pag-alis nito, pero kahit na gaano katagal ay mahihintay naman niya ang asawa para sa pagbabalik nito dahil may pangako siyang binitawan bago ang pag-alis nito. Ngunit sa pagbabalik ng kaniyang asawa, alam niyang may nagbago. Ito pa din naman ang kaniyang asawa noon subalit iba ang pakiramdam niya, na para bang ibang tao na ito nang bumalik sa kaniya.

At kung ano man iyon ay hindi niya maipaliwanag, ngunit kahit na ano man iyon ay tila binago nito ang ihip ng hangin. Dahil sa pagkakataong iyon nagkaroon siya ng pagkakataon na makapasok sa puso ng babaeng matagal na niyang minamahal.