"Oh, Zierra. Mukhang maaga kang makakauwi ngayon ah. Naubos mo na bang ibenta lahat?" Nakangiting nitong tanong sa akin ni Aling Mina. Si Aling Mina ay isang kalapit bahay namin ni Rhea na nagtitinda rin. May sarili na rin itong pwesto ng prutasan dito sa palengke. Nakakatuwa ngang napatapos na ni Aling Mina ang lahat ng mga anak nya. Kaya kahit na pinapatigil na siya ng mga ito ay hindi ito papaawat na ipagpatuloy ang nagtaguyod ng trabaho sa mga ito. Lahat na rin ng mga anak niya ay may kanya kanyang asawa't anak na rin.
"Opo eh!."Magalang kong tugon sa kanya bago ako nag paalam na mauuna na.
Habang papauwi ako sa amin ay maingat kong inilabas ang aking pitaka at sinimulan kong isa-isahing bilanging ang halaga na kinita kong pera ngayong buong araw nang-
"Isa, dalawa, tatlo .... isang daan-" Bigla akong natigilan nang bigla akong may nabangga matigas ng bagay. Aray ko po! Kaagad ko munang binulsa ko ang kong pera. Mahirap na baka ma 123. Bago ko hinimas himas ko ang aking noo na naumpog. At saka dahan dahan akong tumingala upang makita ang nasa harapan. Nasilaw at napatulala na lang ako sa aking nasilayan.
Isang anghel ang bumaba sa kalupaan. Anghel ba ito o sinusundo na ba ako ni San Pedro. Ang gwapo pala ni San Pedro.
Alam kong may katigasan at pagiging laman ako ng gulo pero marami pa akong mga pangarap. Wag naman muna. Pangarap ko pang yumaman!
"Sinusundo mo na po ba ako?" Nakangiti kong tanong sa kanya kaya mas lalo siyang napatitig ng mariin sa akin na wari ko'y naguguluhan siya sa aking sinasabi. Ang bango nya. Kaya mabilis akong lumapit sa kanya at pasimpleng inaamoy amoy sya. Grabe, ang bango nya pero natigilan ako ng bigla nya akong tinulak.
"Aray!"Naisaboses ko na dahil muntikan na akong matumba.
"What the hell are you doing?!" Singhal nito sa akin habang inalalayo ang sarili na parang diring diri. Ano daw? You? Ibig sabihin ay ako ang tinutukoy niya? Nakakaintindi man ako ng Ingles kaso hindi ko gaanong pinagtuunan nang pansin noon.
"What? Are you dumb?" Dam? Ako daw ay dam? Siraulo to' ay. Mukha ba ang ako dam. Nang napagtanto ko ang kanyang winika ay napawi kaagad ang mga ngiti ko. Nabahiran ng inis ang aking mukha.
Mabilis kong pinulot ang isang basket na pinadala ng kaibigan ko. Walang pasabi na pinukpok ko sa ulo nya na malakas ng maalog ang utak upang matauhan ito sa sinabi. Naririnig ko ang mga aray niya pero sarado ang magkabila kong tenga saka napagdesyunan kong talikuran siya. Bahala siya sa buhay niya. Bukol lang yan, ininsulto niya ang kagandahan ko.
Nakakailang hakbang pa lang ako ng maramdaman kong hinila niya ako paharap sa kaniya kaya malakas akong naumpog sa dibdib niya. Nakakatlo na ito! Akala siguro nito na mayumi akong babae. Pwes nagkakamali siya! Malakas kong inaapakan ang kanang paa niya kaya napasigaw at nabitawan niya na tuluyan na akong napahiga sa kalsada.
Okay na sana eh, kaso nanglaki ang mata ko na naliay siya kaya saktong natumba siya sa ibabaw ako. Napipikit ako ng mariin na magtama ang mga labi namin. First kiss ko ito! Hindi ko akalain sa ganitong senaryo pa mawawala. Hustisya ang sinisigaw ng puso ko.
Mga ilang minuto kaming nakarinig nang pagbusina ng sasakyan. Kaya napabagon siya bigla pero dahil may kakulitan akong taglay ay hinarang ko ang isa kong paa na naging dahilan sa pagsubsob niya sa kalsada.
Napapikit ako dahil naiiyak na ako sa katatawa. Bullseye, bukol. Pero dahil alam kong hindi magpapatalo ang lalaking ito ay hinila ako ng marahas papatayo at walang sabi sabing kinalakadkad ako. Pero hindi ako papayag sa kung anong gusto nitong mangyari. Ano siya hilo? Sinuswerte naman siya kung sakali. Hindi ako kaladkaring babae.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Rape!"Nagpupumiglas kong sigaw sa kaniya habang pinipilit kong alisin ang pagkakahawak niya. Masyado siyang malakas kaya mas lalo akong nairita ng higpitan niya pa lalo. Medyo nagkakapasa na ang aking braso dahil maselan ang balat ko.
Alam kong may pagka morena ako ngayon pero maputi ako noong bata ako. Nawala lang pero babalik rin iyon.
"Ano ba! Sinabing bitiwan mo ako!" Kaya niluwagan niya ng kaunti ang hawak sa akin habang patuloy pa rin sa pagkaladkad sa akin. Tsansing to' pasalamat ka't pogi ka bonus yung mabango ka pa.
Sabay kaming napatalon pareho na naging dahilan ng pagbitaw niya sa kamay ko. Napalingon kami sa sunod-sunod na pagbusina ng mga sasakyan at sigaw ng mga driver dito.
"Ano ba! Kanina pa kami nagbubusina dito!"Narinig kong sigaw sa amin nung may ari ng sasakyan ng malaking truck.
"Kung gagawa naman kayo ng milagro ay huwag naman sa gitna ng kalsada!"Dagdag pa nung isa. Ano? Milagro? Kaya pinamulahan ang aking mukha.
"Mga kalahating oras na kami dito! Tingnan nyo nagkaroon ng trapik dahil sa iyong dalawa!"Naplingon ako sa likuran nila. Magkakasunod-sunod na sasakyan ang nakatigil hanggang dulo. Hindi ko na nga matanawan ang dulo dahil punong puno ng mga sasakyan.
"Mahiya naman kayong dalawa kay Dr. Jose Rizal!"Narinig kong sabi noong isang Ale habang nagpapaypay na nakasakay sa loob ng tricycle na animo'y nandidiring nakatingin sa aming dalawa. Hindi pala sa akin.
"Ano hindi pa ba kayo tatabi diyang dalawa? Wala kaming balak panoorin kayo ng live!"Masungit na singhal sa amin nung driver ng dyeep. Nahihiyan man ay mabilis kong pinulot ang basket na dala ko habang tumatakbo paalis. Narinig kong tinatawagan ako noong lalaki pero hindi ko ito nilingon. Marahas kong pinapahid ang mga luhang pumapatak sa pisngi ko.
Kaya kong tanggapin ang masasakit na salita at panghuhusga ng mga tao sa papligid ko. Pero hindi ko kayang tanggapin ang mga maling paratang nila dahil sa kung ano lang ang nakita nila. Alam ba nila ang buong pangyayari? Maraming beses akong kinutsa ng mga tao dahil sa kung ano lang ang kakayahan at kaalaman ko. Hindi ba nila alam na kung anong magiging epekto nito sa taong sasabihan nila. Hindi ba nila alam na bawat masasakit na salita ay nag-iiwan ito ng malaking sugat.
Sa buong buhay ko, mas pinipili kong pagtakpan ang sakit, pangungulila at inggit na sumisibol sa damdamin ko. Ayokong lumaki na puno ng inggit at lungkot na namamahay sa puso ko. Huminga ako ng malalim at saglit na huminto bago tumingala sa kalangitan.
"Balang araw, makilala rin ako."Lumuluha kong sabi habang patuloy ang pagpatak ng mga luha ko. Balang araw, titingalain rin ako.
Hindi ko alam kung alin ang mas iniiyakan ko. Ang damuhong kumuha ng first kiss o ang paratangan kaming gumagawa ng milagro sa gitna ng daan na naging dahilan kung bakit nagkaroon ng trapiko.
Saklap ng araw na ito, nawawala pa ang mahiwaga kong pitaka.