webnovel

Saving Vien's Bucket List (BL)

I met a lot of people in different situations and circumstances. Some were good, others were bad. Some were true, others were not. But there's a certain person who came into my life unexpectedly. A person full of happiness and enjoyment, full of gaiety and enthusiasm, full of hidden secrets and not minding what the reality of life he faced of. I read once his Bucket List he must do before he died. And there's one sentence that made me shocked and surprised. Here I am, Saving Vien's Bucket List. BxB Story Written by: PhiiAJ2 Language: Tagalog/English

PhiiAJ2 · LGBT+
Pas assez d’évaluations
4 Chs

Chapter Two

"Gabi ka na naman umuwi, Cobbi! Saan ka galing!? Alam mo namang kailangan ka ng Mama mo ngayon tapos hindi kita nadatnan dito! Ayan ka na naman sa mga walang kwentang pinagkakaabalahan mo! Inuuna mo pa 'yan kaysa alagaan ang Mama mo!" Papa yelled angrily the moment I stepped my feet inside the house. Mukhang kadarating lang din niya mula sa kanyang overtime sa pinagtatrabahuhang construction site.

Ipinatong ko ang bag na dala-dala ko sa maliit na lamesa sa sala. Tahimik kong tinahak ang pwesto kung saan nakahiga si Mama sa parihabang upuan na palagi niyang hinihigaan katapat ng maliit na lamesa. She's now asleep while watching television. I kissed her forehead.

"Sorry po kung ginabi ako, Ma," I said in a low voice.

"Cobbi!? Ano, ha!? Saan ka galing? Do'n sa plaza?" Napansin kong tumingin si Papa sa bag na dala-dala ko. "Pinagtapos ka namin tapos ganyan ka lang? Dapat nasa paaralan ka at nagtuturo hindi sa kung saan! Habang-buhay ganyan ang set-up mo!? Tanginang passion mong 'yan! Ni hindi mo nga matulungan ang Mama tapos ganyan pa inaatupag mo! Ni wala ka ngang maitulong man lang sa amin! Sinayang mo lang ang pinagpa-aral namin sa'yo!" Papa added.

Dahan-dahan kong binuhat ang tulog na katawan ni Mama at dinala sa itaas ng aming maliit na bahay. Nang marating ko ang kanilang kwarto ay maingat ko siyang inihiga dito. Matapos kumutan ay kaagad akong lumabas ng kanilang silid.

"Hindi mo ba alam na mukhang nakatulog ang Mama mo dahil sa kakahintay sa'yo!? Inabot siguro 'yan ng ilang oras para hintayin ka!" ang hindi niya parin matigil na sermon sa akin. "May niluto ka ba? Nagluto ka ba? Kumain na ba ang Mama mo!? Pinakain mo na ba ang Mama mo, ha!?"

Tahimik kong kinuha ang aking bag sa lamesa kasama ang saklay na ginagamit ni Mama. "Nagluto po ako kanina bago umalis. Kumain na po si Mama," I said in a listless voice.

Gutom man pero pinilit ko na lang hindi kumain. "Akyat na po ako." Ang sagot ko na lang sa lahat ng mga panenermon niya.

Naglakad ako papunta sa ikalawang palapag ng aming bahay. Ipinasok ko muna sa loob ng kwarto nila Mama ang saklay niya bago pumasok sa aking sariling kwarto. Binuksan ang ilaw, sinaraduhan at ni-lock.

I lay tiredly in my small bed. The wind from the open window inside gave me some freshness. I can't see anything but the darkness enveloped the surroundings. No stars, no moon. As I stared in it for about a minutes, tears escaped in my eyes.

I closed my eyes because of tiredness and exhaustion. I bit my lip trying myself not to cry. I sighed heavily in a rapid manner before I place my right hand in my head to massage it, trying to ease my mind from headache.

That's Papa routine whenever I did something he might be angry. Especially now that he's tired from work, he surely scolding me endlessly. Magsasalita ng mga bagay na masasakit. Palaging bukambibig ang tungkol sa ginagawa ko na walang kwentang bagay para sa kanya. Sasabihin kung gaano ko sinayang ang pinagpa-aral nila sa akin.

Dapat sanay na ako dito eh. I should used to it even though it always killing me inside hearing him saying my passion can't never make us alive. That my passion will never ever helpful to them. That this passion of mine is just a trash.

Noon pa man sinasabi na niya 'yan. Mula ng magkaroon ako ng interes sa mundo ng photography noong high school ako, hindi na siya sang-ayon dito. Palagi niyang tinatatak sa isipan ko na hindi ito ang gusto niya para sa akin, na hindi ko 'to dapat na piliin. Wala itong kwenta para sa kanya.

After I graduated, paulit-ulit akong nag-take ng board exam for teacher pero sa kinamalas-malasan, hindi ako makapasa. Halos tatlong beses na ata. By that, I gave up. Hindi sa ayaw kong magturo kundi sa hindi ko nakikita ang sarili kong magturo. Si Papa lang ang may gusto na gawin ko 'to, ang kunin 'tong kursong ito. Kahit ayaw ko, pinilit ko para sa kanila. Pero 'yung puso ko ayaw talaga.

Kaya pinagtiisan ko ang kakarampot kong sahod sa pagkuha ng mga litrato. Wala akong masyadong alam sa ganito pero puso ko ang may gusto na gawin ito. Sobrang kulang ang sahod na 'yon lalo na sa kalagayan ng pamilya ko ngayon. Tama si Papa, ni hindi man lang ako makatulong sa kanila.

I grew up in a poor family. I'm an only child right now after my little brother died because of accident way back when I was in fourth year high school. Ang maganda sanang celebration namin ng pagka-graduate ko ay nauwi sa trahedya ni Mama at bunso kong kapatid.

Naaksidente ang nirentahang tricycle ng susunduin nila kaming dalawa ni Papa mula sa school pagkatapos ng seremonya. The huge truck collided violently and hit the tricycle where they rode. Accidentally, my brother died in the crashed while Mama still alive. The broken glass of the tricycle hit my brother's face especially to his eyes. And he died because of it.

Mama got severely injured because of the incident. Her bones in the left leg cracked and it was fractured. Also, the same leg dislocated too that end up of her being paralyzed. She can't walked or moved it. That's the reason why she stayed inside the house and can't do household chores.

Hanggang ngayon sinisisi ni Mama ang pagkamatay ng kapatid ko. Ni hindi niya man lang daw nailigtas ito. And she often blaming herself because of it.

Si Mama, hindi katulad ni Papa, suportado niya ako. Sa lahat ng ginagawa ko, nandyan siya para sa akin, naa-appreciate niya ang ginagawa ko. Mas malapit ang loob ko sa kanya kaysa kay Papa. At higit sa lahat, kailanman hindi niya ako pinagsalitaan ng masakit.

Alam ni Mama na ayaw na ayaw ni Papa na maging ganito ang buhay ko hanggang sa pagtanda. Pero wala siyang magawa kundi ang laging ipaalala sa akin na palagi kong sundin ang puso ko. Ayos lang daw sila, huwag ko silang alalahanin. Sarili ko daw ang sundin ko.

I want our life not to be like this. Seriously, I wish us to be rich. Sino ba namang galing sa hirap ang di gugustuhin na yumaman? Matagal ko nang gusto na mangyari 'yon. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ganito parin ang buhay namin.

Siguro nga dahil sa kagagawan ko ito. Namatay ang kapatid ko, naparalisado ang paa ni Mama at hindi ako makapasa sa board exam. I'm so unfortunate. I really am. There's no one to blame on but me.

Pinunasan ko ang mata ko gamit ang kamay. Bumuntong hininga ako.

Tamang iyak lang sandali at pagkatapos ay balik ulit sa dati. Konting namnam lang ng sakit at pagkatapos ay wala na. Ganito lang lagi ang ginagawa ko. At hindi pwedeng makita ninoman ang ganitong kahinaan ko. Ayokong iniisip nila ako. Ayokong nag-aalala sila sa akin.

Tumunog ang cellphone ko sa aking bulsa. Pangalan ni Axel ang nakita ko. Kaagad kong sinagot ang tawag.

"Love? Tulog ka na ba?" he said in a sweet voice he only did to me. His question is too obvious. Of course I'm still awake. Sasagutin ko ba ang tawag kung tulog na ako.

Pinakalma ko ang boses ko at binalik sa normal. "Patulog pa lang, bakit?"

"May sasabihin ako," aniya.

"Go on," sagot ko.

"I want to inform you na may raket pala ulit ako next next next day. Isasama kita, love. Kasalan 'yon at ako ang kinuhang taga-video at taga-kuha ng mga larawan na ilalagay sa photo album. Malaking pera 'yun. Ikaw na lang ulit ang bahala sa mga pictures. I'm in the videos. Ano, ayos ba, love?" mahabang saad niya.

"Ayos lang sa'kin. Kailan nga ulit?" tanong ko.

"Sa sabado 'yon, love. Matagal pa. Umaga ang kasal, diyan sa simbahan sa bayan. Don't worry I will go there in your house to fetch you. Buti nga at may time pa ako para sa studio. Minsan ko na lang nabubuksan 'yon," aniya.

Axel has a mini studio na gumagawa ng mga tarpaulins, picture frames, baso, even pictures for different ID's or bio-data pictures ay meron siya na kakasimula lang noong nakaraang taon.

"Ano'ng oras?" tanong ko sa pagod na boses.

"Basta sunduin na lang kita diyan sa inyo, love. Prepare ka na dapat, ah."

"Sige..."

"Love, oo nga pala. Kuya Owen said that we're going to municipal tomorrow. Kunin na daw natin 'yung bayad sa atin. Send mo na sa phone mo 'yung mga litrato tapos send mo sa'kin at ilalagay ko na sa flash drive para maibigay na din bukas sa kanila," mahabang paalala niya pa.

"I will. Tomorrow," I answered. My eyes felt heavy.

"Sige, love mukhang pagod ka na. Ako rin eh. Napagod din ako. Matulog ka na at gabi na. See you bukas..."

"I...l-love you," he added.

I slowly closed my eyes.

"Hmm."

***

Alas otso ng umaga ng magising ako. Kaagad akong bumangon sa pagkakahiga at umupo saglit sa aking kama. The sunlight from the sun reflected inside my room from the open window. I forgot to close it yesterday night because of too much tiredness.

Nakapa ng aking kamay ang bag kong nasa tabi ng aking kama. Nakalimutan ko din palang isabit ito sa likod ng pintuan.

Binuksan ko iyon at nilabas ang canon camera na nakalagay sa kanyang sariling bag. I didn't bought this camera. This is Axel gift for me on my 24th birthday. Aside from that, I can't really afford the buy this kind of expensive thing. I'm not into extravagant things that aren't important to me. It's just a waste of money especially me who came in poor family.

Nu'ng una ayoko talagang tanggapin itong regalong ito. But Axel insisted me to get this. He said that this is a birthday gift and why can't I even accept it though? Eventually, dahil sa pamimilit niya ay tinanggap ko na lang. Simply, I don't want to argue.

Isasara ko na sana ang zipper ng aking bag ng may naaninaw akong bagay na kumikinang sa loob nito. Kaagad ko iyong kinuha.

It was a necklace with a pendant named, live. Necklace of that stranger who kissed me torridly yesterday night. Hanggang ngayon ay parang dama ko parin 'yung halik niyang iyon.

Sa dami ng tao kahapon sa plaza, ako pa ang pinagtripan niyang halikan. Ang dami-daming babae do'n, ako pa talaga.

People are people. They do everything for self bluffness, mischievousness, foolishness and silliness. Doing nonsense things to someone. They do something absurdity out of boredom. They're all bullshit.

No one kissed my lips seriously. Just him. Just that stranger silly guy.

Iwinaksi ko siya sa isipan ko. Kung magkita man kaming dalawa, ipapakain ko 'tong kwintas niya o kaya itatali ko sa ulo niya. Inilagay ko iyon sa bulsa ng bag ko.

Matapos kong mailipat ang lahat ng pictures ng camera sa cellphone ko at maipasa rin ito kay Axel ay kaagad akong lumabas ng silid.

Our house isn't big. Even if we have two storey, it was made by woods. It was clean because I always maintain the cleanliness inside. I hate dust and dirty things that's why I cleaned it everyday.

Naabutan kong nanunuod ng palabas si Mama sa TV. Mukhang napansin niya ang tunog ng mga paa ko sa hagdan kaya lumingon siya sa akin.

"Anak, almusal ka na," pag-aalok niya habang hawak ang tasang mukhang wala ng laman.

"Nag-almusal ka na po, Ma?" tanong ko kahit nakita ko na naman ang pinggan at tinapay sa ibabaw ng maliit na lamesa.

"Katatapos lang pero hindi ko pa ubos itong tinapay. Halika sabayan mo na ako dito," akit niya.

Matapos kong makapag-templa ng kape ay tinahak ko ang daan papalapit sa pwesto ni Mama. She's looking at me while smiled is in her lips.

"Ano'ng oras ka na pala nakauwi? Nakatulog na ata ako kagabi. Paggising ko'y nasa kwarto na ako," sabi niya. Kumuha siya ng tinapay sa pinggan at kinain ito. Pandesal iyon.

"Di ba po sinabi kong huwag niyo na akong hintayin. Dapat pala inakyat na kita sa taas para hindi ka na po naghintay pa sa'kin," mahabang ani ko. "Alam niyo naman po'ng baka gabihin ako, 'di ba?" dugtong ko pa.

"Ayos lang 'yon. Isa pa, tinapos ko pa 'yung pinapanuod ko," sagot niya. Hindi pa inaalis ni Mama ang tingin sa akin.

Uminom ako ng kape habang ang tingin ay nasa TV. "Nga pala, Ma. May gamot ka pa po ba jan?" tanong ko.

"Ewan lang. Meron pa siguro do'n."

Tumingin ako kay Mama. "Ibibili na po kita mamaya pag-alis ko."

"Saan naman ang punta mo?" kuryosong tanong niya.

"Kukunin po 'yung bayad sa 'min kagabi. Dadaan po ako sa botika para bumili ng gamot. Bibili din po ako ng ulam sa palengke," sagot ko.

"Ano'ng oras?"

"Ngayon din pong umaga. Kasama ko po si Axel." Tumango-tango siya.

"Si Papa po?" tanong ko bigla.

"Kanina pa umalis. Sabay kaming nagising kanina."

Ang mata namin ay tinuon sa panunuod. Lumipas ang isang minuto.

"Naabutan mo ba ang Papa mo kagabi?" kuwa'y tanong ni Mama.

"Opo," sagot ko.

"Ginalitan ka ba niya?" tanong niya pa.

Umiling ako. Sa simpleng iling na ginawa ko, alam kong hindi kumbinsido si Mama. Siya, alam niya ang bawat galaw ko kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Kilala niya ako.

"Hayaan mo na ang Papa mo. Siguro'y pagod lang 'yon sa trabaho kaya kung anu-ano na naman ang sinasabi sa'yo. Minsan ay pagsasabihan ko 'yon—"

"Ayos lang po ako, Ma. Huwag ka na pong mag-alala sa'kin," putol ko sa sinasabi niya.

"Pasensya ka na kung hindi ko nasabi sa Papa mo na may pupuntahan ka kagabi..."

Yumakap ako kay Mama ng mahigpit. Isiniksik ang ulo sa kanyang balikat.

"Ayos lang po, Ma. Ayos lang po ako."

***

"Heto ang pitong libo, Axel." Kuya Owen gave the money. In exchanged, Axel gave the flash drive.

"Salamat, Kuya," sagot niya.

"Cobbi? Siya nga pala, hinahanap ka ni Lola. Nami-miss ka ata. Dalaw ka daw minsan sa bahay. Tagal mo na daw hindi nakakapunta do'n," biglang wika ni Kuya Owen.

"Siya nga, love. Bukambibig ka lagi ni Lola," singit naman ni Axel.

Pasimple ko siyang siniko sa tagiliran dahil sa pagtawag niya sa akin ng love. Though Kuya Owen knew that his brother courting on me, still, I'm embarrassed everytime he called me that in front of Kuya Owen. And Kuya Owen accepted me to be his brother's lover. Botong-boto daw siya sa akin. Siya pa nga ang nagi-insist sa kapatid niya na ligawan ako. Overall, parehas sila ng ugali.

"Aray, ano 'yon, love?" Axel groaned. Napakamot siya sa kilay niyang magkadikit.

Close kami ni Lola Des— lola nilang dalawa na gusto lagi akong nasa kanila. Parang mas apo pa nga ako ata no'n kaysa sa magkapatid. Gusto lagi akong nakikita at laging kasama. Napakabait ng ugali.

"Sige po Kuya Owen. Siguro po baka sa biyernes," pangako ko.

"Aasahan 'yan ni Lola. Sige, salamat dito, ah. Cobbi, salamat."

"Salamat din po."

Sabay kaming lumabas ng munisipyo. Mainit ang paligid ng naglakad kami sa nakaparadang motor ni Axel. Nakalimutan kong magdala ng payong.

Mainit ang upuan ng motor ng sumakay kami. Ang tagal din pala naming nasa loob. Hinintay pa kasi namin si Kuya Owen na may ginagawa pa. Halos sampung minuto rin ata kaming nandoon.

"Sa botika, Axel tapos punta tayo sa palengke pagkatapos, bibili ako ng ulam," sabi ko sa tanong niya kung saan pa daw kami pupunta.

"Sige, love." Kumapit ako sa balikat niya. "Sa bewang ang kapit, love," paalala niya pa.

"Gusto mo hindi na ako sumakay dito?" pagbabanta ko.

"Joke lang. You're so serious." He chuckled. I rolled my eyes. Pinaandar na niya ang motor.

He always teased me around. Sometimes it got me irritated especially if he chuckled. This is Axel. Always making me red with what nonsense words he said. A playful guy na sa akin lang ata. Minsan kasi malakas din siyang mang-asar kaya hindi ko siya pinapatulan. Napipikon ako.

Narating namin ang palengke ng tatlong minuto. Malapit lang naman ito sa munisipyo kaya hindi kami tumagal sa init ng araw.

Pagkaparada ni Axel ay sabay kaming bumaba na dalawa. Nilakad namin ang daan papasok sa loob upang makaiwas sa init na sikat ng araw. Malawak ang palengke dito sa probinsya namin. Halos hindi nga nagsisiksikan ang mga mamimili.

Tumagal ng mahigit dalawampung minuto ang tinagal namin sa loob. Nag-grocery din kasi ako. Buti na lang at kasa-kasama ko si Axel. May taga-buhat ako. Pagkatapos no'n ay bumili din ako ng gamot ni Mama sa botika.

Nang lumabas kami ng palengke ay may nakita kaming kumpulan ng mga tao sa isang tindahan ng mga meryenda. Halos nakapila ang ilan sa kanila na para bang may binibigay na kung anong relief. Ang haba ng pila.

"Ano 'yon, love? Mukhang may pa-free food ata ang tindahan na 'yon, ah. Tara pila din tayo," wika ni Axel. I shook my head.

"Tanghali na at magluluto pa ako. Inaantay na ako ni Mama," sagot ko. "Tsaka kainitan, oh. Ang haba ng pila tapos makikipagsiksikan tayo? Ayoko, hindi pa naman ako nagugutom," segunda ko pa.

"Sayang, mukhang masarap pa naman," aniya pa.

"Ipagluluto na lang kita kapag dumalaw ako sa inyo para kay Lola," suhestiyon ko bigla.

"Promise 'yan, love?" Tumango ako.

Dinukot niya ang pera sa kanyang bulsa. Axel didn't used wallet. Kailanman ay hindi siya gumagamit nito. Ang mga pera niya ay kapag hindi nasa bag eh nasa bulsa.

"By the way, love, ayos na sa'kin itong two thousand. The rest is sa'yo na. I know you need it," biglang wika ni Axel habang hawak ang pera na pinangbili ko ng groceries.

"Hindi, sa'yo na 'tong four thousand," insist ko.

"No need. Don't worry about me. Mas kailangan mo 'yan. Gamitin mo pangluto sa fiesta. Makikikain ako sa inyo eh," sabi niya at inabot sa akin ang pera.

"Sa inyo ako makikikain. Pero salamat dito, Axel."

Ngumiti siya. "Basta para sa'yo, love."

Nilakad namin ang daan papunta sa pinaradahan ng motor ni Axel. Ang aking tingin ay nanatiling nakamasid sa hanay ng mga tao. Pinagmasdan ko kung sino ang namimigay ng pagkain.

A guy in a black cup with a smiled plastered in his lips busy giving foods to the people in queue. A grin that is so familiar to me. Nothing I can't see but the happiness in his face.

Sumakay ako sa motor. Pinaandar ito ni Axel. Dumaan kami sa kumpulan ng mga taong nakapila. Ang tingin ko'y nanatiling nasa kanya.

Nang nasa malapit na sa unahan ay nagkasalubong ang tingin naming dalawa. The grin in his face became wide as his eyes focus on me. Our eyes locked. Something strange feeling in my heart emerged.

Habang unti-unting lumalayo ang sinasakyan ay kumindat siya sa akin. Napa-iwas ako ng tingin dahil sa ginawa niya. Ibinalik ko ang tingin sa unahan.

I knew it. I knew him. He is the guy who kissed me last night.

***