Six months have passed, natapos ang review ni Fiona at nag-aantay na lang ng result. Naging maayos din performance niya sa trabaho kaya naregular na sya. Napagpasyahan din ng company na pinagtatrabahuan nito na sya ang ipadala sa bagong branch nito sa Visayas.
"Congratulations Fiona!, sunod-sunod ang success mo. Regular ka na at kakalabas lang result na CPA ka na!" palapakan ang mga officemates niya. Naiyak si Fiona habang kinakamayan ang mga bumati sa kanya. Parang panaginip lang lahat. Ang dami din ng nagtext sa kanya. Balita ang pagpasa niya sa board exam.
Paglabas ng office, nakaabang si Gerald, may dalang roses. " Congratulations!" excited nitong niyakap ang dalaga. Timing na parehong day-off nila kinabukasan kaya nagpasya silang umuwi ng probinsya.
Excited si Fiona na umuwi pero parang may kung anong feeling sya nararamdaman. Di niya mawari, pero parang malungkot. Baka dahil kailangan niyang magpaalam sa mga mahal sa buhay na next week na ang alis niya para sa bagong assignment. Dalawang taon syang maaasign doon unless hilingin niyang manatili na lang. Baka yun ang dahilan pero parang hindi rin, mabigat talaga ang pakiramdam niya. "Are you Ok?" tanong ni Gerald. Tango lang ang naisagot ni Fiona.
"Ma, mano po." ani Fiona. "Magandang gabi po, Tita." dugtong naman ni Gerald. Di na nagulat ang nanay ni Fiona. Alam niyang di kaya ng anak na pakawalan ang kababata nito pero di niya alam na magkaibigan na lang ang dalawa.
"Tuloy ka muna iho, dito ka na maghapunan bago ka tumuloy sa bahay nyo." utos nito sa binata. Ang totoo, di pa alam ni Gerald paano humarap sa mga magulang niya. Nais niya lang talaga samahan si Fiona. Alam rin yun ni Fiona kaya balak niyang samahan si Gerald sa pagharap sa parents niya.
"Fiona, may kailangan kang malaman tungkol kay Leo." mahinang sambit ng nanay ni Fiona. Kinabahan si Fiona, parang may mali. "Wala na sya. Binangungot daw, eight days ago pa nangyari. Di namin binalita sayo para di ka madistruct during the board exam." pagtatapos ng nanay nito.
Di makapagsalita si Fiona, sa halip tumakbo sya palabas papunta sa bahay ng kaibigan. Sinundan na lamang sya ni Gerald. Bumungad sa kanya ang kabaong ni Leo. Dahan-dahan syang lumapit, lumuluha pero walang salitang lumalabas sa bibig niya.
Tahimik syang nakatitig sa mukha ng kaibigan. Parang natutulog lang ito. "Leo!" yun lang ang lumalabas sa bibig ni Fiona. Sobrang sakit pala ng mawalan ng kaibigan. Sana nag-away na lang dila para mas madaling tanggapin o di kaya, sana nag abroad na lang ito para puede pang bumalik. Ngayon ay ala-ala na lang si Leo. Siya lang ang natatanging lalaking pinagkakatiwalaan ng buo ni Fiona kasi nagbibigay ito ng walang hinihinging kapalit, nakikinig kahit di pinakikinggan at higit sa lahat, nagmamahal kahit di kayang tumbasan. "Paalam friend. Mahal kita, pasensya ka na at di ko natumbasan ang naibigay mo. Gayunpaman, babaunin ko ang lahat ng ala-ala ng ating pagkakaibigan. Mananatili kang inspirasyon sa puso ko. Hanggang sa muling pagkikita."
Sinamahan pa rin ni Fiona si Gerald sa bahay nila. Laking tuwa ng Mommy ni Gerald pati ng Daddy niya. Gusto kasi talaga nila si Fiona dahil alam nilang magiging mabuti ang influence nito sa anak. Nagiging mabait lang kasi si Gerald pag nandyan si Fiona. "Magandang gabi po, Tita, Tito." Nagmano na rin si Gerald sabay ng pagbati ni Fiona, medyo kalmado na ito nang makitang nakangiti ang mga magulang.
"Pasensya na po, ginabi na kami. Dumaan kasi kami sa burol ni Leo. Bukas na ang libing niya. Sumama po ako kay Gerald dito para siguruhing uuwi sya, baka saan pa po makarating eh." Ngiting tugon ni Fiona. Magaan ang loob niya sa mga magulang ni Gerald kahit bihira silang magkita.
Kinabukasan, matapos ang burol ni Leo, nagpaalam na rin si Fiona sa magulang at mga kaibigan. Sinabi niya na maaasign sya sa Visayas ng dalawang taon. Tahimik lang si Gerald, nakatitig sa mukha ng babaeng minamahal. "Babalik din ako matapos ang dalawang taon, puwera na lang kung sumunid kayo sa akin doon." Pabirong sabi ni Fiona. "Goodbye for now." Sabay yakap ng isa-isa sa mga mahal sa buhay. Panghuli si Gerald. Di napigilan ng binata ang sarili, di lang yakap, hinalikan niya rin ang dalaga ng matagal.
Natulala ang lahat tila naghihintay ng susunod na mangyayari. Niyakap pa sya ng mas mahigpit ni Fiona. "I love you!" sabay nilang sambit. "Mag-iingat ka doon mamahalin pa kita😉." Nakangising sabi Gerald. "Magpakabait ka habang wala ako dahil ang second chance once lang. Wala ng third chance. Mag-aral ka ng mabuti at ayusin mo ang buhay mo. Sana may babalikan pa ako." sagot ni Fiona.