webnovel

chapter four: Ang kagandahang loob.

Hindi pa man nakakalayo si shivana kung saan nangyari ang bagay na hindi nya makakalimutan ay may narinig syang isang boses na nag mumula sa hindi malamang lugar at ang sabi ay (mag ingat sa mga bagay na at mga pagpapasya na iyong gagawin) at ang huli nitong bilin ay (ako ang gagabay sayo) nang marinig ito ni shivana ay napamgiti sya. malapit nang dumilim noong makarating sya sa isang malawak na lawa, at may nakita syang isang puno na pweding pag pahingahan ngunit hindi nya batid na may nag mamatyag na pala sa kanya isang oras na ang lumilipas. Isang malamig na hangin na tila ay nangyayakap ang dumampi sa kanyang balat, batid ni shivana ang pag-mamahal sa hangin na ito at tila pamilyar ang nararamdaman nya naparang matagal na itong ninanais nang kanyang katawan. Tumulo ang huha sa kanyang pisngi habang sinasabi ang mga salitang "ina ikaw ba yan? dahil dama ko ang yakap mo sa mga hangin, ina sigilang yakapin mo ako pagkat ito ay matagal ko nang pinapangarap"

umaliwalas ang kalingiatan, lumabas ang mga bituin at nagliwanag ang buwan. natulog si shivana nang mahimbing at walang anomang iniisip pagkat alam nyang sya ay maytagapangalaga na di sya pababayaan.

huni nang mga ibon ang gumising kay shivana upang masilayan ang umagang kayganda.

"kamusta ibon" bati ni shivana sa ibong dumapo sa kantang ulo matapus nyang tumayo mula sa pagkakahiga.

"akoy gutom na" tumingin si shivana sa kanyang lalagyan upang tinan akung may pagkain pa sya ngunit nag taka sya nang makitang butas ito at tila isang hayup ang maygawa di nya mawari kung anong klasing hayup kayat hinanap nya agad ito at isang maliit na kung ano ang gumagalaw sa bandang malapit, ito ay tinignan nya at nang sya ay makalapit na ito ay mistulang isang taong maliit ngunit madungis ang wangis nito. ngumiti lang si shivana at pinag masdan ito habang kumakain "anong pangalan mo" wika ni shivana "at mukhang gutom ka ito pa, meron pa dito kung kulang" at inabut ni shivana ang natirang pagkain sa kanyang sisidlan ngunit galit at marahas na tumakbo ang nilalang.

Hindi nya alam kung ano ang naganap kaya sya na ay kumain at isinawalang bahala ang nangyari.

tumayo na si shivana sa kinahihigaan upang magtuloy sa paglalakbay, ngunit bago pa man sya ay humakbang ay nagpasalamat muna sa dahil sa mahimbing nyang tulog.

hinarap nya ang bagong umaga ng walang pangamba at sinabi sa sarili na hindi sya titigil hanggang masagot na lahat ng tanong nya sa sarili.