webnovel

Prologue

Nung nagbukas yung 7-Eleven sa 5th floor ng office namin, naging habit ko nang dumaan doon lalo na kapag Friday. Siguro sa dami ng binibili ko - mapa-ice cream man o lunch ko (tamad po akong magluto, sorry), ako na ata ang #1 sa dami ng Everyday Rewards Card points sa Pilipinas. At gaya ng nakasanayan kapag Friday, dadaan ako pagkatapos ng shift para bumili ng Tuna Sandwich at Vitamilk para may laman man lang tiyan ko bago makipagbuno sa biyahe.

Pero ngayon, hindi naman ako nagmamadali kasi may hinihintay ako. Hindi naman sa date, pero pwede mo na ring isipin na ganun. Nagkasundo kami ng ex ko (na best friend ko pa rin naman) na si Justine na ililibre ko siya. Ano naman sa aking ilibre siya dahil sa totoo lang, nung kami pa ng lokong iyon siya ang nanlilibre sa akin dahil college student pa ako noon at Master's degree na kinukuha niya.

Ilang lakad mula sa 7-Eleven ay may maliit na rooftop garden na pwedeng tumambay ang mga empleyado, lalo na yung mga call center agent na gaya ko, especially kapag naninigarilyo. May bagong bukas na call center sa 15th floor ng building namin at kumpara sa aming laging super seryoso at nerdy mukha silang sosyal, outgoing at...pasenya na sa paninira, mabisyo. Ganun naman talaga stereotype eh, kahit saang company ka pa galing o kung night-shift o day-shift ka man. At sadly, madalas totoo iyon kahit sa opisina lalo na sa mga tenured na nanggaling sa mga ibang call center.

Lumayo ako sa kanila para makaiwas sa usok, lalo pa't nagkasakit na ako sa baga dati. Sa isa sa mga mesa nandoon mga colleagues ko, naghihintay na matapos yung ibang sasama sa kanila sa kanilang weekend get-away sa Pansol.

"Uy Jude, himala di ka pa umuuwi. Honda ka kaya lagi?" Bati ni Rob, isa sa mga S.M.E. a.k.a. supervisors namin. Magkasing-edad lang kami pero mas mataas na posisyon niya dahil nasa call center na siya since high school. "Sasama ka ba sa amin?"

"Hindi, may sched na rin kasi ako."

"Sama ka na! Ano ba kasing meron?" Pangungulit niya.

"May date kasi ako." Pagyayabang at pagsisinungaling ko.

"Ayee, sino iyan, ha? Umu-aura ka na beh!" Pagbibiro naman ni Jamie, isa sa mga kasama ko sa project. Masayahin siya, yung pretty stereotypical na agent. Alam na niya agad since Day 1 na hindi ako straight. Isa pa kasing stereotype iyon sa call centers na maraming gaya namin doon. Hindi naman sa bakla ako or anything - ayoko namang isara yung chance na magka-girlfriend ako in the future pero it doesn't hide the fact na nagka-boyfriend ako.

"Tagal na akong nag-abstain sa aura, no. Pagod na nga ako mangolekta ng utang papagurin ko pa sarili ko? Magpa-spa kaya ako mamaya?" Sagot ko sa kanya in a masculine, and somewhat innocent tone. Malapit lang yung "Spada" spa sa work kaso not worth it kaya sa clean spa na lang ako siguro pupunta.

Sabay pasok ni Zelle, isang lesbyanang office-mate namin na may dalang mineral water galing sa grocery. Ipanghahalo ata nila iyon sa chaser mamaya? "Ano, sa Rustan's na lang kaya tayo bumili ng Jack Daniels? Wala silang tinda diyan sa loob eh."

"Sige dun na lang." Pagsang-ayon ni Rob sabay balik ng tingin sa akin. "Sino iyang i-me-meet mo? Girlfriend mo?" Wala siguradong gaydar itong loko, o baka clueless lang.

"Best friend ko." Sagot ko sa kanya, bago ko pa dugtungan ng "Ex ko" as a clarificatory statement. Nag-share ba?

"Ayee. Anong oras kayo magkikita?"

"5:30 pa out niya, tapos sasakay pa yun ng LRT kaya susunduin ko na lang siya doon." Ilang lakad lang kasi yung station malapit sa work.

"Saan pala trabaho niya?"

"Sa Maynila, sa Treasury."

"Wow, bigtime! Puro pera!" Reaksyon ni Zelle na parang bata na napa-wow nang binigyan ng laruan. Tempted na sana akong i-correct yung statement by saying na contractual lang siya doon, pero wala na eh, yun na yung nabuong impression.

Sabay tingin ko sa phone ko - 5:30 na daw. Nagpa-alam na rin sa akin yung mga tao dahil palabas na daw sa office yung mga Team Leaders (a.k.a. mga boss namin, na mga few years lang ang agwat mula sa amin). Ako naman, nagpaiwan lang doon sa mesa pero napilitan na rin akong umalis at magpaikot-ikot, pinapalipas ang oras habang hinihintay ang taong sumuporta sa akin nung mga panahong wala at mahina ako.