'Corona Virus'
Genre: Sad Story
Publish date: 07-10-20
Paula De Guzman POV
"musta ho lola? ayos na po ba pakiramdam niyo?" tanong saaking ng isang nurse.
Kakagising ko lang, hindi ko inaasahan na mapupunta ako sa Hospital ngayon. Nag collapse nga pala ako kanina sa harapan ng Market Store.
"ayos na ako iha" sabi ko at bumangon na sa pagkakahiga.
"wag na ho kayo gumalaw lola, asan po ba family mo?" tanong ng nurse.
"wala na akong kinikilalang pamilya iha. nagi isa na lamang ako sa buhay." sabi ko, nakita kong nalungkot ito.
"pano po iyan? walang maga alaga sainyo ngayong Positive ho kayo sa corona test" malungkot na saad nito
Nagulat ako sa narinig ko, positive ako? pero hindi maaari iyon, minsan na lamang ako lumalabas ng bahay para bumili ng aking makakain
"baka nagkakamali ka iha" sabi ko. agad niya namang nilingon ang isang doctor na tumatawag sakaniya.
"hello lola, magiging maayos din ho kayo kailangan niyo lang po ng pahinga" sabi ng doctor saakin.
"hindi! ayoko! dun na lamang ako sa bahay ko! ayokong mag stay dito" sabi ko
"hindi po pwede yun" sabi ng nurse
"sa bahay na lamang ako magpapahinga, kung totoo ngang positive ako sa kasong iyon. Sa pinakamamahal kong bahay na lamang ako mamamatay, wag niyo kong pigilan! aalis na ako" sabi ko
"hindi na ho ba kayo mapipigilan?" tanong ng doctor sakib, tumango ako.
"kung ganon ho, ihahatid ka ng dalawang nurse sainyong bahay" sabi nito sakin.
Tumayo ako at agad na kinuha ang tungkod ko. Nakarating na kami sa bahay ko, bago man ako makalabas ng kotse ay may binigay daakin na isang papel tinignan ko kung ano iyon. Puro numero ang nababasa at nakikita ko. Siguro ay numero ito ng hospital na iyon.
"paalam na ho lola, mag iingat po kayo" sabi ng isang nurse.
"paalam na iha ingat kayo sa byahe" sabi ko, umalis na sila at pumasok na ko sa bahay ko.
Pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad saakin ang mga litrato nina Azreal at Joyce, ang mga anak ko at ang asawa kong si Ryker. Umakyat ako para magpahinga na dahil ramdam ko ang pagod ng aking katawan.
'tulong! tulong!' rinig kong sigaw ng aking mga anak.
Tumakbo ako para puntahan ang ingay na iyon kung nasan ang kwarto ng aking mga anak.
'anong nangyayare dito?!" sabi ko, nagulat ako ng may nakatayong dalawang lalaki na may hawak ng kutsilyo. At punong puno sila ng dugo lalo na ang buong kwarto ng mga anak ko.
Nakita ko ang mga anak kong nakahilata sakanilang kama, punong puno ng mga dugo ang mga ito, sa tingin ko ay hindi na sila humihinga pa.
'sino kayo! bakit niyo ginagawa to! mga anak ko!! Azrael!! Joycee!! mga anak ko!!' sigaw ko.
umiiyak ako, nakita kong papalapit na ang dalawang lalaki saakin kaya agad akong tumakbo sa kwarto namin ng asawa ko. Ginising ko si Ryker at sinabi ang mga nakita ko. Agad naman itong naglabas ng itak na nakatago sa ilalim ng kama namin. Agad kaming nakarinig ng damog sa pintuan ng aming kwarto. Sa tingin ko ay sila na nga iyon. Pinapaalis namin sila pero wala, anjan pa din sila. Hanggang sa nasira nila ang pintuan ng aming kwarto. Sinugod kami ng dalawang lalaki na naka mask. Sinugod din sila ng asawa kong si Ryker pero wala din nangyare pinatay nila ang asawa ko kahit na nasugatan sila nito. Nakita kong papalapit na ang dalawang lalaki saakin hanggang sa...
RING! RING! RING!!
rinig kong pag alarm ng aking telepono. Napadilat ako sa sobrang sakit ng ulo ko at sama ng pakiramdam ko, agad kong hinawakan ang malalim na sugat ng aking nakaraan. Isang mahabang peklat na ito. Ito ang saksakng isang lalaki saakin, sa may dibdib ko, buti na lang nabuhay ako ngunit ang aking pamilya ay hindi nabuhay sa dami ng kanilang tama ng bala at saksak rito. Tatayo na sana ako ng makaramdam ng hingal, hinihika na naman ako kinuha ko ang inhaler ko pero wala na itong laman.
Napadilat ako sa aking narinig, boses ng mga anak ko iyon. Tumayo ako at hinarap ang boses na yun. Nakita ko ang aking pamilya, at maliwanag.
'Nasaan ako?' tanong ko
'sinusundo ka na namin ina'sabi ni Joyce.
'at sa wakas nakompleto muli ang ating pamilya ina!' ngiting tagumpay na saad ng akibg anak na si Azreal.
Ganon pa din ang kanilang itsura, walang pinagbago.
'asan ang ama niyo?' tanong ko
'naghihintay siya sa itaas ina, tara na po sumama ka na samin'sabi ni Joyce.
Hindi na ko nagdalawang isip na di sumama sakanila. Pumunta kami sa maliwanag, may hagdan akong nakita paakyat kung san man. Nakita ko na muli ang aking pamilya, at sa wakas masaya na uli kaming nagkasama sama.
WAKAS NG ISTORYA.