webnovel

Sa Isang Tibok

Huminto ang oras habang nasa kasagsagan ako ng traffic sa EDSA. Hindi ko alam kung bakit at kung para saan. Tumigil ang takbo ng mundo. Tumigil ang andar ng oras. Tumigil ang mga tibok ng puso - bukod sakin. Sa wakas. Kalayaan ang mararanasan ko sa bagong mundo. Akin na ang mundo. Ako lang ang gising sa mundo - Ako at ang tatlong alaala na gugulo sa payapa at bago kong buhay. Tatlong kwento na gusto kong malimot. At isang taong hindi ko (nga ba) kilala. Isang bagong kabanata ang lilitaw. Isang kwentong naging dahilan ng pagkakaluklok ko sa kahariang meron ako ngayon - o kulungang dapat sa mga katulad ko. Ako si Sept. Ito ang buhay ko. Ang mahabang buhay ko sa loob ng isang tibok.S

Conqueror_Arnold · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
20 Chs

Kaibigan

Dear Lord,

Ini expect ko lang sa camp na 'to ay mag enjoy at makipag bonding sa mga kaibigan ko at mga kaklase. Hindi ko ini expect na magkakaron ako ng ganito kasayang pakiramdam. Revelation sakin lahat ng narinig kong sinabi ng mga nagtuturo - kung papano ka nila tinuring na kaibigan at tagapagligtas.

Sobrang na inspire ako sa kwento ni Kuya Timmy na nakita ka bilang tatay. Pareho kami ng kwento kaya gusto ko pong maging kasing tapang niya. Gusto ko pong makuha ang tapang na nakuha nya sa inyo.

Alam ko po na hindi ako karapatdapat sa harapan niyo pero salamat dahil binigay niyo ang bugtong niyong anak para iligtas ako sa kasalanan.

Salamat po at ginawa niyong posible na maging anak niyo ako. Tinatanggap ko po kayo bilang tagapagligtas. Tinatanggap ko po na bawat pagmamahal na naramdaman ko at mararamdaman ko galing sa inyo.

Sana lang po God, mas magiging masaya po ako, kung makikilala ko na ang totoo kong tatay. Pero kung hindi man po, pwede niyo po ba akong gabayan tulad ng mga tatay ng mga kakilala ko?

Ginagawa na naman po yun ni Mama, pero nakikita ko po na sobrang pagod na sya kapag galing sa trabaho. Itama niyo po ako kapag lumalayo na ko sa mga turo niyo. Tawagin niyo po ako kapag di ako nakikinig. Pwede niyo po akong batukan kapag matigas ang ulo ko. Hahaha. Pero wag pong masyadong malakas.

Bukod po sa pagiging tatay, pwede ko po ba kayong maging kaibigan? Yung hindi ako iiwan. Yung pwede kong pagkatiwalaan sa lahat ng bagay at mga nararamdaman ko. Yung hindi aalis sa tabi ko.

Bigyan niyo po sana ako ng lakas para mas mag aral ng mabuti para makatulong hindi lang kay Mama, kundi sa ibang taong kailangang maniwala sa isang Amang katulad niyo. Para sa mga walang pag-asa. Bigyan niyo po ako ng pagkakataong magbigay ng magandang balita sa iba. Para makita ng marami ang kabutihan na meron kahit na malungkot ang mundong 'to.

At kung sakali man, God, na makalimot po ako at umabot sa kasagaran ng kawalan ng pag-asa at hindi pagtitiwala sa inyo, magbigay po kayo ng milagro para mabigyan ako muli ng pag-asa. Katulad ng mga na kwento po sa camp na 'to. Mga milagrong nakita nila na magpapakita ng kapangyarihan mo:

Hinati ang dagat, Nagpaulan ng pagkain sa disyerto, lakas sa maliit para mapatay ang higante, gawing alak ang tubig, magpakain ng libo libo, at madami pang iba.

Higit sa lahat, God. Milagro na magpapaalala sakin na mahal mo ako. Sana sa oras ng kaguluhan ng isip ko, magpakita ka. Alam ko pong magiging matigas ang ulo ko at puso sa mga bagay na hindi ko maiintindihan pero alam ko po na walang imposible sa inyo. Mapapaalala niyo po sakin ang kabutihan sa iba't ibang paraan.

Alam ko po na mahabang paglalakbay ang kakaharapin kong kasama kayo, pero dasal ko po na maging sulit bawat hakbang ng paa ko, maging kapakipakinabang ang bawat kilos ng kamay ko at higit sa lahat, magdala ng madaming kwento ang bawat tibok ng puso ko.

Hanggang sa huli.

Nagmamahal,

Sept