~Umaga~
"Ano? Nasan na raw siya?"
"Malapit na raw siya dito sa park."
"Sus! Malapit na raw! Pero ang totoo nyan kakaalis pa lang ng bahay nyan!"
"Tawagan mo na nga, Jasben."
"Teka lang."
Sabi ni Jasben kay Angela habang kinukuha na niya ang kaniyang phone sakaniyang maliit na bag.
"Kasi naman, e! Imbis na kanina pa tayo nakagala, nai-stuck lang tayo dito sa park dahil bigla niyang gustong magpa kita satin! Pambihirang lalake yan! Pasalamat siya kaibigan siya ng boyfriend mo Jasben!"
Inis na sigaw muli ni Ceejay sa dalawa niyang kaibigan habang nagtututuro na siya sa kung saan-saan, samantalang si Angela nama'y pinagtatawanan lamang ang kaibigan at si Jasben nama'y abala sa pagpindot sakaniyang phone.
"Hahahaha! Chill ka lang Ceejay! Masyado mainit ulo mo, e."
Sabi ni Angela kay Ceejay habang patuloy pa rin nitong pinagtatawanan ang kaibigan. Sinamaan lamang ng dalaga ang kaibigan at saka hinawakan ang kaniyang sariling beywang.
"Pano ako magchi-chill?! E, ang init-init na, oh! Alas-dyis pa naman ng umaga!"
Inis na tugon ni Ceejay kay Angela habang nakahawak pa rin ito sakaniyang beywang at sinasamaan pa rin ng tingin ang kaibigan. Ilang saglit pa ay nilapitan na ni Jasben ang dalawang kaibigan habang nakatingin pa rin sakaniyang phone.
"Nagri-ring na."
Sabi ni Jasben sa dalawa niyang kaibigan habang nakatingin pa rin sakaniyang phone. Natigil na sa pagtawa si Angela samantalang si Ceejay nama'y sinamaan ng tingin ang phone ng kaibigan.
"Sabihin mo bilisan niya kamo! Init-init na, e! Nauuhaw na lang tuloy ako!"
Pagrereklamo ni Ceejay sabay iwas na ng kaniyang tingin sa phone ni Jasben.
"Jasben, nandyan na ba kayong tatlo?"
"Kanina pa! Nasan ka na ba?! 9:30 ung usapan, ah!"
Galit na sagot ni Ceejay sa tanong ng lalaking sumagot sa tawag ni Jasben. Agad na napatakip ng tenga si Angela samantalang si Jasben nama'y parang walang pakielam sa boses ng kaibigan.
"Sakit naman sa tenga ng boses mo."
Sabi ng lalaking kausap sa telepono kay Ceejay, dahilan upang matawa sina Angela at Jasben.
"Aba! Lakas mo pang magreklamo sakin Jay, ah!"
Inis na sigaw ni Ceejay kay Jay habang sinasamaan nanaman nito ng paningin ang phone ni Jasben.
"Edi ibig sabihin… nakita mo rin po sa bolang kristal mo ung sinabi ko sa sarili ko kahapon?!"
"Sino un? Ba't parang kaboses ni Yvonne?"
Takang tanong ni Angela kay Jay habang takang tinignan ang phone ng kaibigan. Ilang segundo pa ay nagtinginan na sa isa't isa ang magkakaibigan at saka ibinalik nang muli ang kanilang paningin sa phone ni Jasben.
"Ano?! Ba't mo naman ginawa un Ma?!"
"Oh! Si Jervin ba un?!"
Gulat na tanong naman ni Jasben kay Jay habang nakatingin pa rin sakaniyang phone.
"Teka lang papunta na ako dyan."
Sabi ni Jay sa tatlong magkakaibigan. Nagtinginan lamang sina Angela at Jasben, samantalang si Ceejay nama'y sinamaan muli ng tingin ang phone ng kaniyang kaibigan.
"Tita Isabelle, una na po ako. Nag-aantay na po kasi ung mga kaibigan ko sa park, e."
"Ingat~!"
"Ingat ka, Jay."
"Ikaw mag-ingat dyan, Jervin. Babantayan mo pa si Yvonne."
Sabi ni Jay mula sa kabilang linya. Agad na nanlaki ang mga mata ng magkakaibigan nang marinig ang pangalan nila Jervin at Yvonne at saka nagtinginan na ang tatlo sa isa't isa habang nanlalaki ang pa rin ang kanilang mga mata.
"Narinig niyo rin ba un?"
Gulat na tanong ni Angela sa dalawa nitong kaibigan habang tinitignan pa rin sila habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito.
"Kasama niya ngayon sina Jervin at Yvonne?"
Tanong naman ni Jasben sa dalawang kaibigan habang nakatingin pa rin sakanila habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.
"San kayo banda sa park?"
Tanong ni Jay sa tatlong magkakaibigan mula sa kabilang linya ng tawag.
"N-nasan nga ba tayo."
Balisang sabi ni Ceejay kila Jasben at Angela habang tinitignan na nito ang kanilang paligid. Tinignan na rin ng dalawa ang kanilang paligid upang sagutin ang tanong sakanila ni Jay.
"Malapit sa may cr."
Sagot ni Angela sa tanong sakanila ni Jay nang makita ang malapit na cr sakanilang kinaroroonan sa parkeng iyon.
"Sige, malapit na ako."
Sabi ni Jay sa tatlo sabay baba na ng tawag. Makalipas ng ilang segundo ay dahan-dahan nang nagtinginan muli ang magkakaibigan sa isa't isa.
"Tanungin pa ba natin si Jay o hindi na?"
Tanong ni Jasben sa dalawa nitong kaibigan habang nakatingin pa rin ito sa dalawa. Nagtinginan naman sa isa't isa sina Angela at Ceejay at saka tinignan nang muli ang kaibigan.
"Kanina pa ba kayo dito?"
Tanong ni Jay sa tatlong magkakaibigan mula sa likuran ng tatlo. Napa sigaw ang tatlong magkakaibigan dahil sa gulat nang biglang sumulpot sa likuran nila ang binata.
"P$%@#&!*@^%! Kanina ka pa ba andyan?!"
Galit na tanong ni Angela kay Jay habang nakahawak na ito sakaniyang dibdib at saka tinitignan na ang binata mula ulo hanggang paa. Umiling lamang ang binata bilang tugon sa tanong sakaniya ng dalaga habang nakangiti.
"Okay. P#!@$%!^&. Ba't ang cute mo?!"
Gigil na tanong ni Ceejay kay Jay habang nakatingin na rin ito sa binata. Nagkibit balikat lamang ang binata bilang tugon nito sa dalaga habang nakangiti pa rin ito.
"Jay, ba't pala narinig namin ung boses nila Jervin at Yvonne habang kausap ka pa namin kanina sa phone?"
Tanong ni Jasben kay Jay habang nakatingin lamang ito sa binata at hawak pa rin nito ang kaniyang phone. Agad na tumaas ang parehong kilay ng binata at saka mabilis na nawala ang kaniyang ngiti dahil sa itinanong sakaniya ng dalaga.
"Narinig niyo pa un?"
Gulat na tanong ni Jay sa tatlo habang nanlalaki na ang mga mata nito. Nag-cross arms lamang si Ceejay habang sina Angela at Jasben nama'y patuloy lamang na tinignan ang binata sakanilang harapan.
"Ano tingin mo samin? Binge?"
Mataray na tanong ni Ceejay kay Jay habang naka cross arms pa rin ito at saka sinamaan na ng tingin ang binata. Natawa ng bahagya ang binata at saka hinimas ang kaniyang batok.
"Ba't mo pala kami pinapunta dito, Jay?"
Tanong naman ni Angela kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata. Umayos na ng tayo ang binata at saka ngumiting muli sakanilang tatlo.
"Kasi meron akong importanteng sasabihin sainyo."
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.
Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.
"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!