webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
205 Chs

Eskwelahan 7

~Hapon~

"Ano nangyare? Bakit ka may sugat sa labi?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin nang may pag-aalala sa kaniyang mukha. Medyo nanlaki ang mga mata ng binata at agad na iniwasan ng tingin ang dalaga.

"Ano... Uh... Wala lang 'to. Nakagat ko lang kaninang umaga pagka gising ko."

Sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Yvonne. Napataas ng kilay ang dalaga dahil sa sinagot sakaniya ng binata.

"Ung totoo."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakataas pa rin ang kilay nito. Napatingin ang binata sa dalaga at kaagad na iniwas nanaman nito ang tingin sa dalaga. Napabuntong na lamang ang dalaga sa inasta ng binata at wala nang nagawa kundi basahin ang nasa isipan ng binata gamit ng mahika.

"Elt Em Rahe Wath Jervin Skinth."

Sambit ni Yvonne habang nakapikit. Tinitigan na lamang ng binata ang dalaga dahil sa sinambit nito at ilang saglit pa ay unti-unti nang naririnig ng dalaga ang iniisip ng binata.

"Gusto mo ba magtrabaho? May mga kaibigan akong pwedeng kausapin tungkol dyan."

Tanong ni Yvonne kay Jervin matapos nito pakinggan ang iniisip ng binata. Nanlaki kaagad ang mga mata ng binata nang marinig iyon mula sa dalaga. Tumango na lamang ito bilang sagot sa dalaga kaya't napangiti ang dalaga ng matamis at masayang kinuha ang kaniyang phone. Dali-dali niya itong binuksan, pinindot ang app na express at saka pinindot ang 'video call' na icon.

"Anna!"

Bungad kaagad ni Yvonne sa tinawagan niyang kaibigan.

"Ibon na hindi lumilipad!"

Bati pabalik ng kaibigang babae na tinawagan ni Yvonne na nagngangalang Anna, habang nakangiti. Sinimangutan naman kaagad ng dalaga ang tinawagang kaibigan.

"Ba't ka napatawag?"

Tanong kaagad ni Anna mula sa kabilang linya habang sa iba nakatingin at hindi sa screen ng kaniyang phone.

"Tatanong lang sana ako kung kailangan niyo ng katulong sa mini grocery niyo ni Tita."

Sagot ni Yvonne sa tanong ni Anna sakaniya habang nakatingin at nakangiti kay Jervin. Sinenyasan ng dalaga ang binata na maupo mas malapit sakaniya at sumunod naman ang binata ng walang pag aalinlangan.

"Dalawa kailangan naming katulong dito sa susunod na linggo. Aalis na kasi ung dalawang katulong namin dito sa mini grocery, e."

Kwento ni Anna kay Yvonne at sa wakas ay tinignan na niya ang dalaga sa screen ng kaniyang phone. Agad na nasilayan ng kaibigan ang binata na katabi na ngayon ng dalaga.

"Sino ka? Sino yan Bon?"

Tanong kaagad ni Anna kay Yvonne nang mahagip ng kaniyang paningin si Jervin sa pinakagilid ng screen ng kaniyang phone. Tinignan ng dalaga ang binata at agad na ibinalik ang kaniyang tingin sa kaibigan.

"Naaalala mo pa ung kinuwento ko sayo dati na pangitain ni Mama Beatrice tungkol sakin at sa isang 'ordinary'?"

Tanong pabalik ni Yvonne kay Anna habang nakangiti. Napakunot ng noo ang kaibigan at dahan-dahang tumango bilang sagot sa dalaga.

"Oo. Naaalala ko pa naman. Baket?"

Tanong muli ni Anna pabalik kay Yvonne habang nakakunot pa rin ang noo nito at si Jervin naman ay nakikinig lang sa usapan ng dalawang dalaga.

"Siya na un. Jervin Añonuevo ang pangalan niya."

Sagot ni Yvonne sa tanong ni Anna sakaniya. Ang pag kakakunot ng noo ng kaibigan ng dalaga ay naglaho dahil napalitan naman ito ng pag taas ng mga kilay at panlalaki ng mga mata nito.

"Edi... isang 'ordinary' yang katabi mo?"

Tanong muli ni Anna kay Yvonne habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito. Napatango naman ang dalaga bilang sagot sa kaibigan.

"Witch din ba siya tulad mo?"

Biglaang tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin ito sa dalaga at tinuturo naman ang kaibigan ng dalaga sa phone nito.

"Mm."

Nakangiting sagot ni Yvonne kay Jervin habang tumatango rin ito.

"Alam niya na witch ka!?"

Gulat na tanong ni Anna kay Yvonne kaya't nagulantang ang dalaga at kamuntikan nang malaglag ang phone nito, mabuti na lamang ay agad na nasalo ito ng binata.

"Uh... oo. Alam ko na witch si Yvonne at saka tinuturuan niya ako at ni Madam Hong kung pano mag-cast ng mga spells."

Sagot ni Jervin sa tanong ni Anna kay Yvonne nang hinarap ng binata ang phone ng dalaga sa kaniyang sarili. Napatango na lamang si Anna bilang sagot sa binata.

"Ikaw ba ung isasama ni Ibon para tulungan kami sa pag-aayos sa mini grocery namin next week?"

Tanong ni Anna kay Jervin habang si Yvonne ay umiinom ng tubig sa kaniyang tumbler. Tinignan ng binata ang dalaga na tila ba'y humihingi ng permiso upang sumagot. Tinanguan lamang ng dalaga ang binata.

"Oo. Ako ung isasama niya."

Sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Anna nang ibinalik na niya ang kaniyang tingin sa kaibigan ng dalaga sa phone nito.

"Ilang taon ka na ba? Nasa legal age ka na ba?"

Tanong muli ni Anna kay Jervin habang may kinakalikot ito sa kaniyang phone.

"Oo. Diseotso na ako."

Sagot muli ni Jervin sa tanong sakaniya ni Anna. Nanlaki naman ang mga mata ni Yvonne sakaniyang narinig kaya hinablot niya ang kaniyang phone mula sa binata at saka tinignan ang kaniyang kaibigan.

"Kailangan ba dapat nasa legal age ung tao bago magtrabaho?!"

Gulat na tanong ni Yvonne kay Anna habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito. Tinaasan lamang ng kilay ng kaibigan ang dalaga at si Jervin naman ay pinagmasdan na lamang muli ang dalaga habang kausap ang kaibigan nito.

"Wag mong sabihin na hindi mo alam."

Sabi naman ni Anna kay Yvonne habang unti-unti na itong nanggigigil dahil sa dalaga.

"Seryoso ba?!"

Tanong muli ni Yvonne kay Anna habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito. Napa-facepalm na lamang ang kaibigan dahil sa dalaga at natawa naman ng bahagya si Jervin dahil sa reaksyon ng dalaga.

"Oo nga!"

Gigil na sagot ni Anna kay Yvonne at ilang saglit pa ay hindi na napigilan ng dalaga ang tumawa dahil sa reaksyon ng kaibigan.

"Bea! Sino yang kausap mo?! Ba't gigil na gigil ka?!"

Tanong ng isang babae kay Anna mula sa kabilang linya.

"Si Ibon, ma! Tutulong daw sila ng kaibigan niya next week sa mini grocery naten!"

Sagot ni Anna sa kaniyang ina habang si Yvonne ay tawa pa rin ng tawa. Napabuntong na lamang ang kaibigan dahil sa dalaga.

"Paki sabi kay Yvonne 'salamat'!"

Sabi ng ina ni Anna sakaniya at doon lamang tumigil sa pag tawa si Yvonne.

"Bigay mo nga cellphone mo kay Jervien. Siya na lang kakausapin ko. Nababaliw ka nanaman, e."

Sabi ni Anna kay Yvonne. Binigay na ng dalaga ang kaniyang phone kay Jervin habang natatawa pa rin ng bahagya.

"Ano oras pasok niyo tsaka ung uwi, Jervien?"

Tanong ni Anna nang makita niya kaagad si Jervin sa screen ng kaniyang phone. Napataas ng parehong kilay ang binata dahil sa tinawag sakaniya ng kaibigan ng dalaga.

"Jervin pangalan ko, hindi Jervien."

Sabi ni Jervin kay Anna dahilan upang matawang muli si Yvonne. Natawa rin ng bahagya ang kaibigan ng dalaga dahil sa sarili nitong kamalian.

"Ay! Jervin ba? Sorry, sorry. Pagkakarinig ko kasi kanina Jervien, e."

Paghingi ng pasensya ni Anna kay Jervin habang natatawa pa rin ito ng bahagya.

"Ayos lang. Ala-una palagi pasok namin kaso ung uwian naman namin hindi magka kapareho."

Sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Anna kani-kanina. Napataas ng kilay ang kaibigan ng dalaga dahil sa sagot na kaniyang narinig mula sa binata.

"Panong hindi magka kapareho?"

Tanong muli ni Anna kay Jervin habang nakataas pa rin ang isang kilay nito.

"Pag M-W-F kase, 7:20 ng gabi ung uwi namin. Tapos 5:30 ng hapon naman ang uwi namin tuwing T-TH."

Sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Anna. Tumango na lamang ang kaibigan ng dalaga bilang reaksyon sa sinagot sakaniya ng binata.

"Jervin, kakayanin mo ba pag dalawang trabaho ung in-offer ko sayo?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin habang tinitignan lang nito ang binata. Napatingin naman ang binata sa dalaga.

"Kaya naman siguro. Anong klaseng trabaho ba ung isa?"

"Tiga-deliver ng tubig."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata.

"Pag tatrabahuhin mo rin si Jervien dun sa maliit na negosyo nila Hendric?!"

Gulat na tanong ni Anna kay Yvonne habang nakaharap pa rin ang camera ng phone ng dalaga kay Jervin.

"Jervin. Kailangan niya talaga."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Anna.

"Binasa kasi niya ung utak ko kanina, e."

"Magka iba ang binasa ang utak sa pinakinggan ang iniisip. At saka gusto lang naman kitang tulungan."

Pagdadahilan naman ni Yvonne kay Jervin sabay simangot. Natawa ng bahagya ang binata.

"Kakayanin ko naman siguro ung dalawang trabaho."

Sagot ni Jervin sa tanong kanina sakaniya ni Yvonne at saka ibinalik na ang phone nito sakaniya.

"Chat mo na lang ako Bon kapag pumayag si Hendric na magtrabaho si Jervien sakanila, ha."

"Jervin."

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts