webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
205 Chs

Eskwelahan 13

~Hapon~

"B-biglang n-nawala?!"

Nauutal na tanong ni Angela sakaniyang sarili habang nakatingin ito sa direksyon nila Jervin at Melanie habang patagong tinitignan ang dalawa.

"Jervin!"

Tawag ni Yvonne kay Jervin habang tumatakbo na ito papalapit sa binata. Sinalubong naman ito ng binata kaya't agad na niyakap ito ng dalaga nang magka salubungan na ang dalawa.

"Bakit ba ako laging nilalapitan ng mga masasamang tao? Ano bang meron sakin? Bakit ang malas ko sa buhay? Bakit ganito buhay ko?"

Sunod-sunod na tanong ni Yvonne sakaniyang sarili habang yakap si Jervin at umiiyak na. Niyakap pabalik ng binata ang dalaga sabay haplos na ng buhok nito. Si Melanie nama'y dahan-dahang nilapitan ang dalaga't binata at saka tumayo sa tabi ng dalawa. Samantala, si Angela naman ay dahan-dahan nang umatras upang tahimik na makaalis sa kinaroroonan niya nang…

"Huy! Anong ginagawa mo?"

Tanong bigla ni Ceejay kay Angela sabay hawak nito sa balikat ng kaibigan.

"Ahh! P@$#^&*(%!"

Gulat na sabi ni Angela sabay harap na kila Ceejay at Jasben.

"Ba't namumutla ka? Ano nakita mo?"

Takang tanong ni Jasben kay Angela habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaibigan. Mabilis na nilingon ng dalaga ang kinaroroonan nila Jervin, Yvonne at Melanie at saka ibinalik kaagad ang tingin sa mga kaibigan.

"Kailangan na nating umalis dito. Ung akala nating si Ma'am kanina naging isang matandang babae tapos biglang nawala nung tumayo na un sa harap nila Jervin at Fuentes."

Pagpapaliwanag ni Angela kila Ceejay at Jasben habang marahang tinutulak papalayo ang mga kaibigan papalayo sa likurang bahagi ng kanilang eskwelahan. Pinabayaan lamang ng dalawang kaibigan ang pagtulak sakanila ng dalaga habang tinitignan nila ang isa't isa.

"Sino un, Tamayo? At saka bakit ka niya pinapapili kung tutulungan mo ung angkan niya o hindi?"

Mausisang tanong ni Melanie kay Yvonne nang kumawala na ito mula sa pagkakayakap nilang dalawa ni Jervin.

"Dalis Sebastian. Pinuno ng angkan ng mga Sebastian. Isa ang kanilang angkan sa mga naging masasamang mga wizards and witches."

Sagot ni Yvonne sa tanong ni Melanie sakaniya habang nakatayo ito sa harapan ni Jervin at nakayuko. Nilingon bigla ng binata ang kaibigan at sinenyasan ito na mauna nang bumalik sakanilang silid-aralan. Napabuntong hininga na lamang ang kaibigan, nilapitan ang dalaga, hinawakan ang balikat nito at saka umalis na. Nag-aalalang tinignan ng binata ang dalaga sakaniyang harapan at saka hinawakan ang kamay nito.

"Kaya ka ba niya pinapapili kasi akala niya na ikaw ung tinutukoy sa prophecy?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang hawak pa rin nito ang kamay ng dalaga. Tumango lamang ang dalaga habang nakayuko pa rin ito bilang sagot sa tanong ng binata sakaniya.

"Gusto mo na bang bumalik sa classroom?"

Tanong muli ni Jervin kay Yvonne habang hindi pa rin nito binibitawan ang kamay ng dalaga. Umiling lamang ang dalaga bilang tugon sa tanong ng binata sakaniya. Ilang saglit pa ay mabagal na lumapit muli ang dalaga sa binata at saka niyakap ang binata. Muling niyakap pabalik ng binata ang dalagang yumakap sakaniya at saka haplos muli ang buhok nito.

"Jervin."

Tawag ni Yvonne kay Jervin habang nakayakap pa rin ito sa binata.

"Ano un, Yvonne?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin ito sa pag haplos ng buhok ng dalaga. Hinigpitan bigla ng dalaga ang yakap nito sa binata at saka napabuntong hininga.

"Pwede bang… manatili muna tayo sa ganitong posisyon?"

Tanong pabalik ni Yvonne kay Jervin habang nangingilid na ang luha nito sakaniyang mga mata. Napa ngiti ng bahagya ang binata dahil sa tinanong sakaniya ng dalaga at saka hinigpitan ang pagkakayakap niya rito.

"Sige."

Simpleng sagot ni Jervin sa tanong ni Yvonne sakaniya habang nakangiti pa rin ito. Ang dalaga nama'y ibinaon na ang kaniyang mukha sa dibdib ng binata at saka nag-umpisa nang umiyak ng tahimik.

"Oh? Bakit ka napatawag?"

Tanong ni Jay kay Melanie mula sa kabilang linya. Napabuntong hininga lamang ang dalaga habang naglalakad na ito pabalik sakanilang silid-aralan at hawak ang kaniyang phone malapit sakaniyang tainga.

"Ung kaibigan ko kasi…"

"Anong nangyari sa kaibigan mo?"

"Merong witch na kumausap sakaniya kanina…"

"Sinong witch? Baka maka tulong ako."

"Dalis Sebastian."

"Anong sinabi ni Dalis kay Y--- sa kaibigan mo?"

"Pinapapili siya kung tutulungan daw ba niya ung angkan ng mga Sebastian or kung ibubuwis daw ba ni Yvonne ang buhay niya para pigilan si Dalis sa pinaplano niya."

"That damn b^&@h."

"Ano?"

"Wag kang mag-alala. Ako nang bahala dun sa Dalis."

"Wag mong saktan si Dalis. Matandang babae lang siya."

"Hindi porket 'matandang babae' lang siya ay hindi na siya mapanganib."

"Anong gagawin mo sakaniya, Jay?"

"Wag ka na mag-alala. Ako na bahala sakaniya."

"Mag-iingat ka Jay, ha."

"Kayo rin ni Yvonne."

Huling sabi ni Jay kay Melanie bago niya tapusin ang pag-uusap nila ng dalaga sa phone. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga at saka kumaripas na ng takbo pabalik sakanilang silid-aralan.

"Kumain ka nga Gela! Gutom lang yan!"

Sabi ni Jasben kay Angela habang iniaabot na nito ang tsitsiriya sa kaibigan. Umiling ang dalaga at saka itinulak pabalik ang tsitsiriyang ibinibigay sakaniya ng kaibigan.

"Seryoso! Biglang nawala ung matandang babaeng kausap ni Yvonne kanina!"

Pagdiriin ni Angela sakaniyang nasaksihan kanina noong sinundan nila sina Jervin at Melanie. Napabuntong hininga na lamang si Ceejay dahil sa kaibigan.

"Good afternoon, class."

"Good afternoon, Sir~!"

"Umayos ka na. Mamaya na natin 'to pag-usapan sa break."

Sabi ni Ceejay kay Angela sabay upo na ng maayos sa tabi ni Jasben.

"Pero totoo ung mga sinasabi ko!"

Pagtatanggol ni Angela sakaniyang mga pahayag kila Jasben at Ceejay. Hinawakan lamang ng kaibigan ang balikat ng dalaga at saka naupo na rin ng maayos sa tabi ni Angela.

"Alam ko kung ano ang nakita ko at alam ko na totoo un!"

Sabi ni Angela sakaniyang sarili sabay sandal na nito sa pader at nagmukmok na.

"Kumain ka na nga kasi~ Gutom lang talaga yan Gela."

Sabi ni Jasben kay Angela habang inaabot muli ang tsitsiriya sa dalaga. Umiling lamang ito sa kaibigan at saka tinalikuran na ito.

"Pano naman kaya maglalaho ung matandang babae na sinasabi ni Gela?"

Tanong bigla ni Ceejay kay Jasben habang tinitignan nito ang kaibigan.

"Pano kamo naging matandang babae ung kasama ni Yvonne, e, kanina lang nakita natin na sinundan niya si Ma'am palabas ng room."

Sabi naman ni Jasben kay Ceejay sabay tingin na rin nito sa kaibigan.

"Abad! Patingin na ako ng mga forms mo."

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts