webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
205 Chs

Dionisio's Mini Grocery 6

~Umaga~

"Mamaya ko na ibibigyan ung mga sweldo niyo para sa linggong 'to."

Nakangiting sabi ni Anna kila Yvonne at Jervin habang nakatayo ang tatlo sa loob ng bodega ng mini grocery ng mga Dionisio. Nginitian ng matamis ng dalaga ang kaniyang kaibigan habang nakatingin kay Justin na nakatayo sakaniyang kamay, nginitian din pabalik ng dwende ang dalaga habang nangingilid na ang kaniyang mga luha. Ang binata nama'y nginitian din pabalik ang kaibigan at saka tinignan na ang dalaga na nakatayo sakaniyang tabi.

"Sige, maiwan ko na kayo. Baka hinahanap na ako ni Mama sa office, e."

Sabi ni Anna kila Jervin, Yvonne at Justin habang nakangiti ito ng pilit at unti-unti nang naglalakad paatras mula sa dalaga, sa binata at sa dwende.

"Tsk. Di man lang ako pinansin ng mga 'to."

Inis na sabi ni Anna sabay lakad na papalabas ng bodega habang hindi pa rin siya pinapansin nila Yvonne.

"Malaki-laki na ung naiipon ko, kuya Jah~"

Masayang sabi ni Yvonne kay Justin habang nakatingin ito sa dwende. Malungkot na tumango ang dwende sa dalaga hanggang sa mayroon nang tumulong luha mula sakaniyang kanang mata. Nagulantang si Jervin nang makita ang pagluha ng dwende kaya't agad nitong tinignan ang dalaga habang nag-aalala.

"Bakit naluha si kuya Justin?"

Nag-aalalang tanong ni Jervin kay Yvonne habang pabalik-balik ang kaniyang tingin kay Justin at sa dalaga. Agad na pinunasan ng dwende ang kaniyang luha at saka tinignan ang binata sa tabi ng dalaga.

"Natutuwa lang ako para kay Yvonne."

Nakangiting sagot ni Justin sa tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa binata. Tumango na lamang ang binata bilang tugon sa dwende at saka nginitian pabalik ang dwende at ang dalaga.

"Labas na ako."

Sabi ni Jervin kila Yvonne at Justin sabay turo na sa pintuan ng bodega at saka naglakad na patungo roon. Tumango ang dalaga sa binata habang nakangiti at nakatingin rito.

"Sunod na lang kami."

Tugon ni Yvonne kay Jervin habang nakangiti at nakatingin pa rin ito sa binata. Nang tuluyan nang makalabas ang binata sa bodega ay tinignan na ng dalaga si Justin na seryosong nakatingin sakaniya.

"Bakit biglang nagbago isip mo na isama si kuya Felip kanina?"

Seryosong tanong ni Justin kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga.

"Kasi alam kong mamimiss mo ako ng sobra kaya gusto kong sulitin ang mga natitirang araw na kasama ka."

Nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Justin habang tinitignan ang dwende na nakatayo sakaniyang kamay nang may lungkot sakaniyang mga mata.

"At saka isa pa, halata namang ayaw ni kuya Felip na sumama sakin kanina, e. Tsaka gusto lang nun magchill."

Dagdag pa ni Yvonne sakaniyang sagot kay Justin habang nakangiti pa tin ito sa dwende sakaniyang palad. Natawa ng bahagya ang dwende at saka nginitian ang dalaga.

"Magtrabaho ka na nga."

Natatawang sabi ni Justin kay Yvonne kaya't bahagyang natawa na rin ang dalaga at saka dahan-dahang inilapit ang dwende sa bulsa ng kaniyang suot na uniporme. Nang makapasok na sa bulsa ng dalaga ang dwende ay naglakad na ito patungo sa kinalalagyan ng walis tambo at dustpan.

"Ma, may kakilala ka ba sa mga 'to?"

Tanong ni Anna sakaniyang ina sa loob ng kanilang opisina sakanilang mini grocery sabay abot ng litratong kinuha ni Jervin mula sa mansion ng mga Balderas. Tahimik na kinuha ng ina ng dalaga ang litratong iniabot ng kaniyang anak sakaniya.

"Ung nasa gitna nung walo ay si Madam Josephina Alquiza, ung nasa kanan naman niya ay si Madam Dalis Sebastian, ung nasa kaliwa naman ni Madam Josephina ay si Madam Hongganda. Hmm… ung nasa kanan ni Madam Dalis ay si Madam Tazara Balderas, ung kumuha kay Yvonne nung miyerkules."

Sagot ng ina ni Anna sakaniya habang patuloy pa rin ito tinitignan ang litratong iniabot sakaniya ng kaniyang anak. Ilang segundo pa ang nagtagal ay biglang nanlaki ang mga mata ng ina ng dalaga at saka pinagmasdan ng mabuti ang litratong hawak nito.

"Ano un Ma?"

"Oh? Nasa kanan ni Madam Hongganda si Madam Beatrice tapos katabi pa nito si Malaya Fuentes?"

Gulat na tanong ng ina ni Anna sakaniyang sarili habang patuloy pa rin ito sa pagtingin sa litrato. Naguluhan ang dalaga sa sinabi ng kaniyang ina kaya't nagdikit ang kaniyang kilay at nilapitan na ang kaniyang ina upang makita rin ang litratong hawak nito.

"Ba't andyan si Madam Beatrice?"

Takang tanong ni Anna sakaniyang sarili nang makita ang lola ni Yvonne sa litrato. Patuloy lamang pinagmasdan ng mag-ina ang litrato habang nakakunot ang kanilang mga noo.

"Kelan ba ung eksaktong birthday mo, Yvonne?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang inaayos nito ang mga paninda at nagwawalis naman ang dalaga malapit sa kinaroroonan ng binata. Tumigil sa pagwawalis ang dalaga at saka nakangiting tinignan ang binata.

"September 14. Tuesday."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang nakatingin at nakangiti pa rin ito sa binata. Napatigil sa pag-aayos ang binata at saka mabilis na nilingon ang dalaga at saka tinignan ito habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.

"Seryoso ba? Apat na araw na lang, ah."

Gulat na sabi ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin ito sa pagtingin sa dalaga. Natawa ng bahagya ang dalaga sa naging reaksyon ng binata sakaniyang sagot.

"Bakit? Balak mo ba akong regaluhan?"

Nakangiting tanong ni Yvonne kay Jervin at saka nagpatuloy na sakaniyang pagwawalis. Nanlaki ang mga mata ng binata habang patuloy pa rin nito tinitignan ang dalaga.

"U-Uhh…"

"Hijo~ saan makikita ang mga biskuwit?"

"Sa may bandang gitna po."

Nakangiting sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ng matandang babae.

"Salamat, hijo~"

"Wala po un."

Nakangiting tugon ni Jervin sa pasalamat ng matanda sakaniya at saka nagpatuloy na sa pag-aayos ng mga paninda.

"Anong gusto mong regalo?"

Nakangiting tanong ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin ito sa pag-aayos ng mga paninda nang hindi tinitignan ang dalaga.

"Ba't mo ako reregaluhan, Jervien?

Takang tanong ni Anna kay Jervin habang nakatayo na ito sa tabi ng binata at hawak ang litrato. Bahagyang napalayo mula sa kaibigan ang binata sapagkat ay nagulantang ito sa biglaang paglitaw ng kaibigan.

"Ba't parang nakakita ka ng multo?"

Takang tanong muli ni Anna kay Jervin habang maamo itong tinitignan. Umayos ng pagkaka tayo ang binata at saka bumalik nang muli sakaniyang puwesto habang tinitignan ng masama ang kaibigan.

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts