webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
205 Chs

Dionisio's Mini Grocery 10

~Umaga~

"Woah~! Ang ganda naman ng mata mo ngayon, Jervien! Contact lens ba yan?"

Manghang sabi ni Anna kay Jervin nang makapasok na ito sa bodega ng mini grocery ng mga Dionisio. Takang tinignan lamang ng binata ang kaibigan habang patuloy lamang ito sakaniyang paglalakad papalapit rito.

"Ano meron sa mata ko?"

Takang tanong ni Jervin kay Anna sabay lapag na ng kaniyang bag sa lamesa. Pinanlakihan ng mga mata ng kaibigan ang binata at saka ngumuso ito.

"Hindi mo pa ba nakikita mata mo?"

Tanong pabalik ni Anna kay Jervin habang tinitignan pa rin nito ang binata gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Inosenteng tinignan ng binata ang kaibigan at saka umiling.

"Hindi pa."

Simpleng sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Anna habang inosente pa rin nitong tinitignan ang kaibigan sakaniyang harapan. Nagdikit ang kilay ng kaibigan dahil sa sinagot ng binata sakaniyang tanong.

"Tao ka ba? Hindi mo ba nakikita ang repleksyon mo sa salamin? Bampira ka ba?"

Naguguluhang tanong ni Anna kay Jervin habang tinitignan pa rin nito ang binata at magkadikit pa rin ang kaniyang mga kilay. Sinamaan bigla ng tingin ng binata ang kaibigan at saka dali-daling nagtungo sa cr. Nang makita na ng binata ang kaniyang repleksyon sa salamin ay tahimik itong nagulantang at saka inobserbahan ang kaniyang mga mata.

"Pink talaga 'to? Sa pagkaka tanda ko brown mga mata ko, e."

Takang sabi ni Jervin sakaniyang sarili habang ipinagpapatuloy pa niya ang pag-oobserba sakaniyang mga mata.

"Alam kaya 'to ni Yvonne?"

Tanong ni Jervin sakaniyang sarili sabay tayo na ng maayos sa harapan ng salamin at saka muling tinignan ang kaniyang sarili.

"Jervien! Andito na si Ibon! Bilisan mo na dyan!"

Sigaw ni Anna kay Jervin mula sa labas ng cr. Nang marinig iyon ng binata ay agad nitong inayos ang kaniyang buhok at damit at saka lumabas na ng cr. Agad na nginitian ng dalaga ang binata nang masilayan ito na lumabas na mula sa cr, nginitian naman pabalik ng binata ang dalaga habang naglalakad na papalapit sa kinaroroonan nito at ng kanilang kaibigan.

"Alam mo ba kung ba't kulay pink ung mga mata ni Jervien?"

Takang tanong ni Anna kay Yvonne habang nakatingin ito sa binata at naka cross arms.

"May pinainom kasing potion si Liyan saaming dalawa ni Jervin nung sabado sa bahay nila Tita Aneska kaya ayun… kulay pink mata niya ngayon at sakin naman kulay blue."

Nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Anna habang nakatingin na ito sa kaibigan na nakatayo sakaniyang tabi. Tumango lamang ang kaibigan bilang tugon sa sinagot sakaniya ng dalaga at saka tinignan na ito.

"Anong potions naman ang pinainom nun sainyo?"

Tanong muli ni Anna kay Yvonne sabay tingin nang muli sa binata na nakatayo sa sakanilang harapan at nakangiti pa rin.

"Ung kay Jervin ano… potion na nakakapag pabalik ng memories na tinanggal sa isipan niya. Ung akin naman… aba malay ko kung ano un."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Anna habang nakabusangot na ito sa kaibigan. Natawa ng bahagya si Jervin habang nakatingin pa rin ito sa dalaga kaya't nagtaka ang kaibigan at saka tinignan na rin ang dalaga at nasilayan na nakabusangot ito habang nakatingin sakaniya.

"Anong mukha naman yan?"

Iritang tanong ni Anna kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga at saka tinaasan ito ng isang kilay. Sinamaan na ng tingin ng dalaga ang kaibigan habang nakabusangot pa rin ito sakaniya, ngunit hindi nagtagal ay iniwas na rin niya kaagad ang kaniyang tingin sa kaibigan at napabuntong hininga. Nanlaki ang mga mata ng kaibigan nang masilayan ang pag buntong hininga ng dalaga sa harapan nilang dalawa ni Jervin.

"H-hoy… ano dahilan ng buntong hininga mo na yan? Pinapakaba mo ako, ha. Tigilan mo yan."

Sabi ni Anna kay Yvonne habang nakatingin pa rin sa dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Bigla nang lumabas si Paolo mula sa bulsa ng damit ng dalaga at saka tinignan ang kaibigan.

"Anong meron dito kay Ibon, kuya Pao?"

Tanong ni Anna kay Paolo nang mapansin nito na nakatingin na sakaniya ang dwende. Nginitian ng dwende ang kaibigan at saka umiling.

"Wala kang dapat na ipag-alala kay Yvonne. Alam mo naman na kakayanin un ni Yvonne, diba? Lalu pa na nasa tabi niya kayo nila Hendric."

Sagot ni Paolo sa tinanong sakaniya ni Anna habang nakangiti at nakatingin pa rin ito sa kaibigan. Tumango nanamang muli ang kaibigan bilang tugon nito sa sagot ng dwende sakaniya.

"Tama diba? Kakayanin yan ni Ibon kung may problema man. Lalu pa kasama na natin si Jervien."

Sabi naman ni Anna sabay tingin nanamang muli kay Jervin na inosenteng nakatingin sa kaibigan. Ilang saglit pa ay biglang iwinagayway ng kaibigan ang kaniyang kamay sa harap ng kaniyang mukha at saka naglakad na papalabas ng bodega ng mini grocery nila.

"Maiwan ko na nga kayo dyan!"

Sabi ni Anna nang makalabas na mula sa bodega. Napabuntong hininga nanamang muli si Yvonne habang nakatingin na ito sa lapag. Tahimik na tinignan ito ni Jervin, nilapitan at saka hinawakan ang balikat nito. Agad na napatingin ang dalaga sa binata at saka malamyang nginitian ito. Napabuntong hininga na rin si Paolo habang tinitignan pareho ang binata at dalaga.

"Babalik na ako dito sa bulsa, ha."

Sabi ni Paolo kila Yvonne at Jervin at akma na sanang papasok muli sa bulsa ng damit ng dalaga nang biglang…

"Kuya Pao."

Tawag ni Jervin kay Paolo habang nakahawak pa rin sa balikat ni Yvonne at nakatingin na sa dwende. Napalunok ang dwende dahil sa biglaang kaba na kaniyang naramdaman nang tawagin siya ng binata.

"Ano un, Jervin?"

Tanong ni Paolo kay Jervin habang nakatingin na ito sa binata. Seryoso nang tinignan ng binata ang dwende, samantalang si Yvonne nama'y tahimik na namumula sa harapan ng binata.

"Meron ka bang nalalaman na hindi namin alam?"

Seryosong tanong ni Jervin kay Paolo habang nakahawak pa rin ito sa balikat ni Yvonne at nakatingin pa rin sa dwende. Napabuntong hiningang muli ang dwende at saka seryoso na rin nitong tinignan ang binata sa mga mata nito.

"Naaalala mo pa ba ung tinanong sayo ni Yvonne nung sabado?"

Seryosong tanong pabalik ni Paolo kay Jervin habang seryoso pa rin nitong tinitignan ang binata sa mga mata nito. Nagdikit ang kilay ng binata dahil bahagya itong naguluhan sa itinanong sakaniya pabalik ng dwende.

"Sa pagkaka tanda ko si Kuya Vester ung kasama ni Yvonne nung sabado, e."

Sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Paolo habang magkadikit pa rin ang kilay nito, nakatingin pa rin sa dwende at nakahawak pa rin sa balikat ni Yvonne.

"Sinabi niya samin. Bakit? Hindi ba niya pwedeng sabihin samin ung nangyari nung araw kung kelan kasama siya ni Yvonne?"

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts