webnovel

CHAPTER 06:

This past few days ay napapansin kong panay punta si bruhilda sa bahay daig niya pa Yung walang bahay at hindi ko maiwasan mainis dahil kung umasta siya parang siya yung may-ari ng bahay.

"Wala ka bang bahay bakit panay punta mo rito" Naiinis kong sabi rito.

"Bakit bawal ba, as far as I know ayos lang naman kay Michaell sa katunayan ang saya nga namin eh" Nangaasar na sabi nito kunti na lang talaga papatulan ko na talaga to.

"Halata nga ang saya-saya mo e daig mo pa ang linta kung makakapit sa boyfriend ko, you know what kung nangangati ka sa iba ka magpakamot hindi sa taong kahit alam mong may girlfriend na pinapakita mo lang kung gaano ka ka landi" Malamig kong sabi rito sabay smirk.

"What did you say" Naiinis na sabi nito.

"Hindi ka naman siguro bingi o baka gusto mong ulitin ko kung gaano ka kalandi"Mataray kung sabi rito para naman itong sasabog sa inis.

"You!" Galit na sabi nito para itong aso na gusto ng kumagat nakakatawa hahaha.

"Kung sa tingin mo katulad ako ng iba na hahayaan lang na api-apihin sorry darling pero pinanganak akong palaban kaya kung ano man yang binabalak mo wag mo na ituloy at baka hindi ako makapagpigil" Taas kilay kong sabi rito sorry siya pero hindi ko hahayaan na api-apihin niya lang ako no. Nagtaka naman ako ng bigla niyang binuhusan yung sarili niya ng tubig.

"Let's see kung hanggang saan yang tapang mo" Nakangiti nitong sabi at ilang saglit lang ay pumasok si Michaell nagtaka naman ito sa nakita.

"What's happening here?" Taka nitong tanong habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni bruhilda. bigla namang lumapit si bruha rito saka umiyak.

"She did this to me bigla niya na lang ako binuhusan ng tubig gusto ko lang naman makipagkaibigan sa kaniya because she's your girlfriend but bigla na lang siya nagalit, she's jealous dahil lumalapit raw ako sayo sinabihan niya pa akong malandi and I said sorry to her but binuhusan Niya ako ng tubig bigla" Sumbong nito habang Pekeng umiiyak, Ang galing umarte bat di na lang siya nag artista.

"I didn't do that, siya mismo nagbuhos ng tubig sa sarili niya, stop that acting will you" Inis kong sabi rito Ang sarap niya kalbohin.

"I'm not crazy to do that on my self, I'm trying to be nice at you but you get mad" Pagiinarte nito ay may paawa effect pa.

"You liar! Ang sabihin mo malandi ka at ako pa ang binabaliktad mo" Galit kong sabi rito.

"Stop it Eilda, I never thought na kaya mong gawin ang bagay na yan I know you don't like her but I didn't expect na magagawa mo to"Malamig na sabi ni Michaell at makikita rito ang pagka disappointed nito.

"What are you crazy? I didn't do that to her siya mismo ang gumawa niyan sa sarili niya nagdadrama lang yang bruha na yan" Naiinis kong sabi rito sabay tingin ng masama Kay bruhilda pero nag smirk lang ito.

"At bakit niya naman gagawin sa sarili niya" Sabi ni Michaell at halatang nagugulohan ito." Because she's insane, umamin ka na bruha itigil mo na yang kadramahan mo, malandi ka" Galit kong sabi.

"STOP IT!" Sigaw ni Michaell sa akin hindi ko naman maiwasan magulat sa pagsigaw nito sa akin dahil simula nung naging kami never niya pa akong nasigawan,ngayon lang at hindi ko maiwasan makaramdam ng sakit lalo't kinampihan niya pa yung malanding kaibigan niya kesa sa akin.

"I'm sorry Stacey for what my girlfriend do to you ako na ang humihingi ng paumanhin, maybe umuwi ka na muna" Sabi nito kay bruhilda saka niya ito sinamahan palabas.

"What's that Eilda" Inis nitong sabi ng makabalik ito."Sinabi ko na, she did that to her self, nagdadrama lang siya" Naiinis kong sabi rito.

" You're being immature, umpisa pa lang alam kong ayaw mo sa kaniya,bakit nga ba" Sabi nito, me being immature ibang klase hahaha.

"Why, it because she want to stole you from me, alam mo pa lang ayaw ko sa kaniya pero hinahayaan mo lang na lumapit siya sayo" Galit kong sabi rito ngunit tumawa lang ito ng pagak.

"Dahil lang dun kaya nagawa mong buhusan siya ng tubig because your are jealous, I can't believe this, she's just my friend" Hindi makapaniwalang sabi nito at mababahid rin sa boses nito ang inis.

"How many time's I say na Hindi ko nga ginawa yun yes I'm jealous but I'm will not do that to her dahil lang sa nagseselos ako and maybe for you she's just a friend but for her you are more than that" Naiinis na sabi ko rito bakit ba hindi niya maintindihan.

"There, sinabi mo na rin nagseselos ka, nakita ko yung nangyari" Sabi nito I feel frustrated right now.

"Nakita mo pero hindi lahat, Babae rin ako kaya alam ko kong may gusto ba siya sayo at sa bibig niya mismo lumabas na may gusto nga siya sayo, sino bang papaniwalaan mo ang kaibigan mo o ako na girlfriend mo" Sabi ko rito pero yumuko lang ito hindi ko naman maiwasan mapangiti ng mapait mas pinili niyang paniwalaan yun kesa sa akin na girlfriend niya, o nga naman childhood friend niya pala yun e ako na bagong girlfriend niya lang syempre mas papaniwalaan niya yun.

Dahil sa inis ay nag walk out ako pumanhik ako pataas hindi ko na kasi kayang pigilan yung luha ko anytime aagos na siya siguro sa guestroom muna ako ngayon matutulog, pagkapasok ko sa guestroom ay agad ko itong ni lock at duon na kusang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigalan alam kong masyadong mababaw pero hindi ko maiwasan maiyak at masaktan dahil sa pagakosa sa akin ng isang bagay na di ko naman ginawa at ang mas masakit ay Yung akala mo kakampihan at paniniwalaan ka ng taong mahal mo pero mas naniwala pa siya sa kasinungalingan ng kaibigan niya kesa sayo, nakakainis, nakakagalit tipong kahit anong gawin mo kahit anong paliwanag mo pero bandang huli ikaw parin ang mali. Dahil sa pag-iyak ay hindi ko napansin na nakatulog na pala ako.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa balat ko inayos ko muna ang sarili ko saka bumaba pero wala akong nakitang Michaell sa luob ng bahay at tanging sticky note lang ang naiwang nakapatong sa lamesa.

'Good morning sorry if I can take a breakfast with you pupunta ako Kay Stacey she need me, she's sick, take care and I'm sorry'

-Michaell

Napabuntong hininga na lang ako mas inuna niya pa yung malandi na yun kesa makipagayos sa akin, mas pinili ko na lang magasikaso kesa kumain wala na rin naman akong ganang kumain may pasok rin kasi ako.

"See you tomorrow Sarah,ingat sa paguwi" Sabi ng boss ko at tanging tango lang ang naging tugon ko saka nagmadaling bumaba baka kasi nasa labas na si Michaell nag text kasi siya sa akin na susundoin niya ako.

Pagkalabas ko ay ni anino niya ay wala akong Nakita maybe maghihintay na lang ako baka na traffic lang, ngunit pasado alas otso na ng gabi ngunit wala paring Michaell ang dumating biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at binuksan it was Michaell nagtext siya sa akin ang sabi niya ay hindi niya raw ako masusundo dahil wala raw magaasikaso kay stacey hindi ko naman maiwasan mapabuntong hininga siguro mag tataxi na lang ako kung wala pala siyang balak na sundoin ako sana nag text man lang siya ng maaga hindi yung paghihintayin niya ako ng isang oras sa wala lang.

Maghahating gabi na pero wala parin si Michaell kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi ko siya macontact hindi ko naman maiwasan magalala inaantok na rin ako kakahintay sa kaniya pero nilalabanan ko lang ang daming mga bagay na pumapasok sa isip ko pero sana naman hindi mangyari iyon, mayamaya lang ay narinig ko na ang tunog ng sasakyan niya at ilang saglit lang ay bumukas ang pinto.

"Bakit ngayon ka lang?"Tanong ko rito pagkapasok nito.

"I'm sorry kanina ka pa naghihintay" Sabi nito sa akin saka lumapit at hahalikan sana ang nuo ko ngunit umiwas ako na ikinataka nito.

"Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing ni wala man lang text o tawag hindi mo ba naiisip na baka may nagalala sayo" Naiinis kong sabi rito.

"I'm sorry na lowbat kasi ang cellphone ko, pasensya na kung ngayon lang ako hindi ko kasi maiwan si Stacey" Sagot nito hindi ko naman maiwasan magalit sa sinabi nito so all this day sila ang magkasama.

"Hindi ako na inform na nurse ka niya na pala ngayon, bakit bata ba siya para alagaan at bakit ikaw ang nagaalaga sa kaniya, may sakit pala siya bakit hindi na lang siya pumunta sa hospital" Sarcastic kong sabi rito.

"Please I'm tired bukas na tayo magusap" Saad nito.

"Tired? Pagod ka? Kung pagod ka pagod rin ako pero mas pinili ko na hintayin ka kasi hindi ko maiwasan magalala na baka may nangyari sayo pero yun pala magkasama kayo buong araw ng malanding yun, ang sabi mo susundoin mo ako, pero ano? Naghintay ako ng isang oras sa wala tapos ngayon ka lang umuwi dahil inaalagaan mo yung malanding iyon tang*na naman Michaell" Galit kong sabi rito.

"She's sick because of what you did to her, walang ibang magaalaga sa kaniya ayaw niyang pumunta sa hospital because she's afraid on that place so I don't have a choice but to take care of her" Inis na Saad nito hindi ko naman maiwasan mapatawa ng pagak.

"So parang kasalanan ko pa kung bakit nagkasakit siya, she did that to her self so deserve niya kung bakit siya nagkasakit, so stop blame me kung bakit yun nangyari sa kaniya baka nga nagiinarte lang yun eh para lang may reason siya na makasama ka" Sabi ko rito hindi ko maiwasan mainis dahil parang kasalanan ko pa kung bakit nagkasakit yung bruha na yun.

"You know what Eilda bukas na lang tayo magusap mauuwi lang to sa pagaaway kung ipapatuloy natin to" Saad nito napangiti na lang ako ng pagak to be honest I'm disappointed of him dahil imbes na makipagbati ito sa akin pero wala bandang huli yung malandi parin na yun ang pinaniwalaan Niya.

"Wala na tayong dapat pagusapan pa alam ko namang bandang huli ako parin ang mali, I'm very disappointed on you Michaell" Sabi ko rito saka tumulo yung mga luha ko iniwan ko Naman ito siguro sa guestroom na lang ulit ako matutulog mas nadaragdagan lang yung tampo ko sa kaniya.