webnovel

CHAPTER 01:

"Jusko naman Sarah kailan ka ba magkakanobyo, halerr si Shana kinasal na at ako ikakasal na rin sa susunod na bwuan samantalang ikaw ni nobyo wala, hindi naman sa nakikialam kami sayo pero besh hindi masaya na tatanda kang mag-isa sino na lang magaalaga sayo kung ugod-ugod ka na aber wag mong sabihin na tatanda kang dalaga" Sermon ng kaibigan niyang si Anna.

"Anong masama kung tatanda ako na dalaga isa pa kung magmahal rin naman ako tapos masasaktan lang di bale na lang pipiliin ko na lang tumanda ng dalaga"Sagot niya rito napairap na lang ito sa kaniya.

"Ano ka ba naman normal lang naman yan sa isang relasyon isa pa diyan nasusukat kung gaano katatag yung relasyon niyo" Sabi nito.

"Oo na, Ms.lovergirl" Tugon niya na lang rito dahil alam niyang di siya titigilan nito palage siya nitong kinukulit tungkol ruon dahil napagiwan na raw siya ng panahon naintindihan niya naman ito pero kasi wala pa talaga siyang nakita o nakilala na lalake na karapat dapat sa pagmamahal niya ayaw niya na mag invest ng time,efforts and love sa isang tao na bandang huli iiwan rin siyang mag-isa.

"Ohh sya sya aalis na ako may pupuntahan pa pala kami ng babysugarplum ko" Paalam nito tiningnan niya naman ito ng nandidiri kaya natawa na lang ito.

"Sige mag-iingat ka" Tugon niya rito.

"Sige ikaw rin, pumunta ka sa saturday night alam mo na kung saang venue gaganapin yung party uuwi na kasi yung pinsan ng asawa ko at balak nila magpa welcome party" Sabi nito sa kaniya.

"Hindi ako sigurado kung makakapunta ako" Sagot niya rito.

"Siguradohin mo magtatampo ako pag di ka pumunta, wear some elegant dress magpaganda ka dahil ipakilala kita sa pinsan niya para naman magkalovelife ka na" Saad nito.

"Ewan ko sayo umalis ka na nga" Pagtataboy niya rito natawa naman ito saka lumapit sa kaniya at niyakap siya saka naglakad paalis napabuntong na lang siya.

masaya siya para sa kaniyang kaibigan dahil nakita na nila ang lalakeng nakalaan para sa kanila, ang lalakeng makakasama nito habang buhay.

Nagmamadali siyang naglakad dahil malilate na siya sa trabaho niya tanghali na kasi siya nagising kung hindi pa tumawag yung co-worker niya ay di siya magigising ang dami niya kasing ginawa ka gabi kaya naman hating gabi na siya nakatulog, sa sobrang pagmamadali niya ay aksidenteng napatid niya ang sarili napikit na lang siya at handa na sanang damhin ang makintab at malinis na sahig ng companyang pinagtatrabahoan niya ng biglang makaramdam siya ng isang maskuladong kamay na pumalupot sa maliit niyang bewang.

"Hey, are you ok miss?" Rinig niyang tanong kaya bigla siyang napamulat at sa sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata hindi niya alam kung bakit pero parang biglang lumakas ang kabug ng dibdib niya hindi niya alam kung kinakabahan lang ba siya o ano.

From his blue eyes and he's pointed nose,ang medyo messy nitong buhok na bumagay sa appearance nito at ang natural na pinkish nitong labi na para bang inaakit siya na halikan ito agad siyang napa atras sa isiping iyon dahilan para mabitawan siya nito.

"Are you ok" Tanong ulit nito ngunit may bahid na pagalala sa boses nito or sadyang assuming lang siya.

"Y-yeah, thank you" Sagot niya rito at napatingin siya sa kaniyang relo at halos magulat siya ng may isang minuto na lang siya.

"Sh*t" Na sabi niya lang at agad na tumakbo narinig niya pa na tinawag siya nung lalake ngunit hindi na niya ito nilingon at nagpatuloy lang siya sa pagtakbo.

"Your'e 2 minutes late Ms.Perez" Sabi ng boss niya pagkapasok niya sa office nito.

"Parang 2 minutes lang eh" Mahinang sabi niya.

"May sinasabi ka ms. secretary?" Tanong nito.

"Ang sabi ko po sorry po kung na late ako traffic po kasi"Sagot niya rito.

"So kasalanan ko pa kung bakit ka na late" Sabi nito napairap na lang siya.

"Oo kasalanan mo bigla ka na lang nag send ng email naabotan ako ng hating gabi kaya tanghali na ako nagising" Sabi niya rito sabay irap.

"Sa lahat ng naging secretary ko ikaw pa lang ang may lakas na luob na sagot-sagotin ako, ibang klase"Iling-iling na sabi nito napangiti na lang siya sabay kindat rito.

5 years siyang naging secretary nito kaya sanay na ito sa kaniya para lang silang matalik na kaibigan kung umasta pero pag dating na sa trabaho nagiging seryuso na ito, akala ng iba masungit ito dahil palage lang itong nakabusangot at madalang lang ngumiti pero para sa kaniya ito na ang pinakabait na tao na naging boss niya pero ni minsan wala siyang naramdaman na attraction rito may itsura naman yung boss niya sa totoo nga niyan ay maraming nagkandarapa na babae rito except sa kaniya kaya minsan inaasar siya nitong tibo.

Sabay silang napalingon sa pintoan ng biglang may kumatok rito at pumasok ang lalakeng sumagip sa kaniya kanina bigla itong tumingin sa kaniya at sa pangalawang pagkakataon bigla namang bumilis ang tibok ng kaniyang puso.

"Hey, what's up bro long time no see" Bati ng boss niya sa lalakeng na sa harapan nila.

"Yeah, long time no see" Nakangiting tugon niya rito and seeing those smile nakaramdam siya bigla na para bang may paro-paro sa luob ng tiyan niya kasi naman ang gwapo nito ngumiti makalaglag panty buti na lang hindi maluwag yung panty na nasuot niya baka bigla itong malaglag, bigla naman niyang natampal ang pisngi niya sa isiping iyon.

"Hey, what's the problem are you ok?" Nagtatakang tanong ng boss niya.

"H-ha? ahhh.. ok lang ako may lamot kasi, tama may lamok hehehe" Naiilang na sagot niya rito.

 "Your weird, By the way bro this is Sarah Eilda Perez my beautiful secretary pero tibo nga lang" Pakilala nito sa kaniya sinamaan niya naman ito ng tingin.

"Hi nice to meet you Eilda, I'm Micheall Villamor"Nakangiti namang pakilala niya rito. hindi niya alam kung bakit pero para bang napakasarap sa pandinig niya ng tawagin siya nito sa kaniyang second name ayaw niya na tinatawag siya sa second name niya pero bakit pag ito ang tuwag o bumanggit parang kakaiba para bang ang sarap sa pakiramdam.

"H-hello sir" Sabi niya rito.

"Ohh drop the sir, just call me Micheall" Sabi nito napatango na lang siya bilang tugon rito.

Nagpaalam muna siya para lumabas at ng makapagusap ang mga ito pumunta muna siya sa cafeteria may sariling cafeteria kasi tong companya ng boss niya medyo nakaramdam na rin kasi siya ng gutom hindi na kasi siya naka pagbreakfast kanina sa sobrang pagmamadali, maya-maya lang ay pinatawag na siya ng boss niya sakto rin tapos na siyang kumain kaya sumakay na siya sa elevetor paakyat sa office nito.

"Hey tibo are you ok ang weird mo kanina, unang beses pa lang kitang nakitang nag ka ganun" Nagtatakang sabi ng boss niya.

"Stop calling me tibo, tsaka ok lang ako" Sagot niya rito tininangnan naman siya nito na para bang hindi ito naniniwala sa sinabi niya kaya tinaasan niya ito ng kilay saka siya bumalik sa sarili nyang desk.

Panay tingin siya sa kaniyang relo na suot dahil ilang minuto na siya nakatayo kakahintay ng taxi pero wala man lang dumaan at kung meron man ay may nakasakay na rito mayamaya lang ay may itim na kotse ang huminto sa harapan niya napakagara nito at halatang inaalagaan dahil napakakintab nito mahahalata mo talagang mamahalin, dahan-dahang bumaba ang bintana nito at laking gulat niya ng makita kung sino ang nagmamaneho nito ang lalakeng dahilan kung bakit biglang bumibilis ang tibok ng puso niya.

"Wanna ride" Sabi nito habang nakangiti at heto na naman bumilis na naman ang tibok ng kaniyang puso ngunit mas mabilis pa ito kumpara kanina kaya naman napahawak na lang siya sa kaniyang dibdib.

"Hatid na kita" Sabi ulit nito dahilan ng pagbalik niya sa realidad.

"A-ahh h-hindi na magtataxi na lang ako"Utal na sagot niya rito palihim na lang siyang napakurot sa sarili niya.

"Gabi na, maghihintay ka pa ba" Saad nito sakay bumaba sa driver sit.

"Sakay na wag kang mag-alala bukal sa loob ko to" Nakangiting sabi nito saka binuksan ang pinto hindi naman niya maiwasan mapatawa sa sinabi nito, inalalayan naman siya nito saka ito umikot papunta sa driver set.

"Seatbelt" Sabi nito ngunit tiningnan niya lang ito ng nagtataka bigla naman itong lumapit sa kaniya at nagkatitigan sila hindi na mapakali ang puso niya sa lakas ng tibok niya pakiramdam niya lalabas na ito.

"Done, you can now breathe"Sabi nito.

Napabuntong hininga na lang siya habang nakatingin siya sa seatbelt na sinuot nito sa kaniya.

"I guess your not that comfortable with me" Saad nito.

"A-ahh hindi naman, nahihiya lang ako pasensya na" Nakayukong sabi niya rito sa nangyari kanina parang wala na siyang lakas loob tingnan ito.

"Cute" kumento nito dahilan ng bigla niyang pagtingin rito ngumiti naman nito sa kaniya tumingin na lang siya sa labas ng bintana para pakalmahin ang sarili niya.

Kanina pa siya nakatitig sa kisame dahil kahit anong gawin niya para makatulog ay dilat na dilat ang kaniyang mata, pagkahatid nito sa kaniya kanina ay niyaya niya ito magkape ngunit tumanggi ito dahil may lakad pa raw ito kaya naman nagpasalamat na lang siya rito ngunit bago ito umalis ay humalik muna ito sa pisnge niya na ikinagulat niya dahilan kung bakit hanggang ngayon ay mulat parin siya hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit na lang ganun makapagreact ang puso na sa tuwing makikita niya ang binata para na siyang mababaliw sa isiping iyon.