webnovel

Revenge:Secret Queen

Revenge.. that's what Avery has imprinted on his mind since his brother's death... because that's why he did everything to learn to fight... but what will happen when he finds her...

Annariex_Writes · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
38 Chs

Chapter 35

Chapter 35

Tubig ka lang tao ako.. kaya bakit ako matatakot sayo, apoy nga natakasan ko tubig pa kaya..

Puputulin na sana ni Thea ang taling nakatali sa paa ko ng bigla kaming may marinig na pagsabog... Oo nakatali yung tali sa paa ko kaya baligtad ang paningin ko..

Anong nangyayari? Sana naman sila na yan...

Nagulat nalang ako ng biglang itinutok sa akin ni Thea ang kanyang baril at ngumisi.. shit. Masama to..

Bigla niyang itinaas ang kanyang kamay na may hawak na baril at itinutok sa tali... Oh no... Napapikit nalang ako at hinintay na bumagsak sa tubig..

*Banggggggggggggggggggg*

Naramdaman ko nalang ang pag bagsak ko sa dagat.. Ng bumagsak ako sa dagat ay agad akong lumangoy pataas at tinggal ang tali di nagtagal ay natanggal ko ito..

Agad akong lumangoy papunta sa barko at umakyat pataas.. Ng makarating na ako sa taas ay agad ko silang hinanap..

"Tyler!" Shit nasan na ba siya...

Naglakad ako papasok sa isang kwarto pero wala akong nakitang tao.. shit. Don't tell me iniwan na niya ako.

Ng may marinig akong putok ng baril ay agad akong pumunta sa gawi na yun...

"Sama sama tayong sasabog sa barkong ito!" Sigaw ni Thea kaya nagtago ako sa gilid at pinasmasdan siya.. shit. May hawak siyang bomba..

"Bat di mo gawin" matapang na sabi ni Sofie... Nakita ko namang hinawakan ni Levi ang kanya niya ng mahigpit... Magkakilala ba sila?

Nasa gitna si Thea at napapalibutan nila..

Inilibot ko ang aking paningin at ng may makita akong baril ay agad ko itong kinuha at naglakad palapit sa likuran niya..

"Subukan mo, Ng makita mo ang hinahanap mo." Sabi ko ng makalapit sa kanya nakita ko naman ang panginginig ng kanyang paa...

"Nga pala, nasan na mga kasama mo.. iniwan ka?" Pang iinis ko rito.. Nakita ko namang kumuyom ang kanyang kamao..

"At pano ka namang nabuhay?" Tanong niya at lumingon sa akin..

"Akala ko ba tubig ang kahinaan mo?" Shit. Alam niya... Alam niya ang tinatago ko..

"Pero hindi na ngayon." Sagot ko at sinuntok  siya sa mukha dahilan para mabitawan niya ang bomba...

Agad naman kinuha ni Tyler ang bomba at itinapon sa bintana..

Bigla namang pumatong kay Thea si Myca at pinagsusuntok ito..

"Walang hiya ka, sana hindi nalang ikaw ang naging gf ng kapatid ko" Sabi niya at sinuntok ito agad naman siyang inawat ni Leno at Gil...

"Guys! Kailangan na nating umalis bago pa sumabog ang barkong to!" Biglang sigaw ni Tristan

"What do you mean?" Tanong ni Zian

"Maraming nakakabit na bomba sa barkong ito at anumang oras ay sasabog na ito" biglang Sabi niya na ikinataranta ng lahat.

"Guys huminahon kayo" pagpapakalma ko sa kanila

"Pano kami hihinahon, hindi na tayo makakalabas pa dito" biglang sabi ni Rea na ikinagulat ko

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko

"Bago pa man mamatay si Thea may pinindot na siyang kung ano dahilan para ma lock ang pinto" Shit.. shit.. shit.

Agad Kong tiningnan ang bintana at nagsalita..

"Tumalon kayo sa bintana, Yun lang ang paraan para makatakas kayo dito" suhestyon ko sa kanila...

Alam kong makakatakas kayo dito.. naniniwala akong marami pa kayong mission sa mundo..

Pero ako... Sa tingin ko ito na ang katapusan ko, ito na ang ibig sabihin ng panaginip ko..