webnovel

Revenge:Secret Queen

Revenge.. that's what Avery has imprinted on his mind since his brother's death... because that's why he did everything to learn to fight... but what will happen when he finds her...

Annariex_Writes · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
38 Chs

Chapter 31

Chapter 31

*Pak pak pak*

Tatlong sampal ang ginawa niya at nagsalita...

"Ito na ang katapusan mo.. queen"

Nandito kami ngayon sa hideout niya... Habang siya nakatayo ako naman ay nakatali sa isang pader habang may busal ang aking bibig..

"Kawawa ka naman... Mamamatay kang hindi nakikita ang iyong kapatid" Sabi niya at umalis, padabog niyang isinarado ang pintu at nilock ito...

Ano daw? Kapatid? Sa pagkakaalam ko Wala akong ibang kapatid maliban nalang kay kuya.. pero ano ang sinasabi niya.. Malabo namang nagbibiro siya..

Imposible namang may ibang anak si dad..

Thea Anong sinasabi mo?

Aray... Shit.. Ang sakit ng pisnge ko, ilang sampal na ba ang natamo ko? Sa tingin ko umabot na yun sa 10...

Nangangalay na rin ang mga paa ko dahil kanina pa ako nakatayo.. anong oras na ba?

Bukas pa ako makaalis sa lugar na to.

Pano ako nakakasiguro?

Kasi plano ko ang lahat ng ito.. karamihan sa mga tauhan niya ay mga tauhan ko.. ramdam ko kasing parang may tinatago siya... Ang mga kinikilos niya kasi ay kakaiba..

Matagal ko na siyang pinapasundan sa mga tauhan ko na nagtatrabaho sa kanya.. tuwing katapusan ng buwan daw ay pumupunta siya sa Canada... Tingin ko kasi may kinalaman siya sa kung ano mang tinatago nila mom... Canada... Anong mayron sayo..

Simula ng pumunta sila sa Canada ay Hindi na nagparamdam pa sa akin si da na ipinagtataka ko... Dati naman tuwing pumupunta sila don ay araw araw nila akong tinatawagan o tenetext..

Nabalik ako sa ulirat ng biglang pumasok ang dalawang lalaki...

"Queen kumain na muna kayo" biglang sabi ni Renz sabay abot ng pagkain... Si Renz ay isa sa mga tauhan ko na nagtatrabaho sa kanya...

Dahan dahan naman nilang kinakalas ang mga taling nakatali sa akin...

"Nasan si Thea?" Tanong ko ng makalas nila ang tali at umupo sa upuan...

"Sa pagkakaalam ko ay pupunta daw po siya sa restaurant at may imemeet." Mahabang sabi ni Ino

"Ok" maikling sagot ko at nagsimulang kumain..

"Queen"

"Bakit?"

"Bakit gusto niyo bukas pa siya sugurin kung pwede naman ngayon?"

"Makinig ka Ino, mas matagal mas maraming malalaman... At saka hindi dapat minamadali ang isang bagay, dapat matuto kang maghintay.."

"Naiintindihan mo ba?" Tanong ko rito tanging tango lang ang kanyang isinagot..

Di nagtagal ay natapos na akong kumain, ibinalik nila sa pagkakatali ang mga tali at umalis..

Habang nag iisip ako ay bigla nalang ako nakarinig ng mga putukan sa labas.. shit ano to?

Agad kong ginamitan ng pwersa ang mga tali para maputol ito at nagtagumpay naman ako...

Agad akong lumabas ng kwarto at agad na tumakbo papunta sa baba.. shit... Napamura nalang ako sa aking nakikita.. Ang dami kasing mga taong nakahandusay...

Sino ang may kagagawan nito?

"Wag kang gagalaw." Biglang sabi ng taong nasa likuran ko ramdam ko ring nakatutok sa akin ang kanyang baril... Pakshit...

*Blagggggggggggggggggggg*

Nagulat nalang ako na biglang bumagsak ang lalaking tumutok sa akin ng baril...

Dahan dahan kong nilingon ang taong sumuntok sa lalaki...

Hindi ko pa man ito nalilingon ay bigla nalang may nagtakip ng aking bibig..

*Everything went black*