webnovel

Revenge:Secret Queen

Revenge.. that's what Avery has imprinted on his mind since his brother's death... because that's why he did everything to learn to fight... but what will happen when he finds her...

Annariex_Writes · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
38 Chs

Chapter 30

Chapter 30

Ng makarating kami sa bahay ay agad akong pumunta sa aking kwarto at natulog...

___

Naalimpungatan ako dahil tunog ng aking cp, agad akong umupo at sinagot ito..

"Hello" bungad ko ng masagot ito

"Queen, nandito na po ako ngayon sa labas ng inyong bahay" biglang Sabi ni Pren, Isa sa mga tauhan ko

"Oh tapos?" suplada kong tanong

"W-wala pong nagbubukas ng pinto.. kanina pa po ako nag dodoorbell" haist.. naman oh, inaantok pa yung tao.. marami talagang istorbo sa panahon ngayon... Bwesit.

Naglakad na ako pababa ng makarating ako sa baba ay agad kong hinanap sila manang...

"Manang!" Nasan na ba kasi si manang

"Yaya Mell!" Isa pa tong si Yaya, san ba kasi sila pumunta.

Hindi ko nalang pinansin yun at naglakad papuntang pinto, nang makarating ako sa pinto ay agad ko itong binuksan...

"Ito na po ma'am" Sabi niya sabay bigay ng isang plastic...

Tang ina, Ano to? Hindi ito Ang pinabili ko kay Pren... Agad kong inangat ang tingin at nagulat nalang ako sa aking nakita...

*Blagggggggggggggggggggg*

Agad niya akong sinuntok kaya napaupo ako sa sahig.. agad din akong tumayo at nagsalita..

"Hindi ko aakalain na dadalawin mo ako dito... Thea" Sabi ko sa kanya inirapan lang niya ako at naglakad palapit sa akin... Nagulat nalang ako sa bigla niyang isinigaw..

"Ilabas sila!" Bigla namang nagsilabasan galing sa kusina ang mga lalaking naka blue...

Tang Ina, napasok nila ang bahay.. nasa panganib sila manang.. pakshit...

Huling lumabas yung dalawang lalaki at hawak nila si Manang at Yaya Mell na may mga sugat at pasa.. shit

Bigla namang pumasok ang isang lalaki sa pinto at dala niya si Pren... Si Pren na sugatan.. Tang Ina

"Nong gusto mo?" Bored kong tanong at umupo sa couch..

"H-hindi ka man lang natatakot?" nagtatakang tanong niya

"Bat naman ako matatakot?"

Bigla niyang kinuha ang kanyang baril at itinutok sa akin... Kung tingin niya natatakot na ako sa ginagawa niya pwes nagkakamali siya...

"Ave anong ibig sabihin nito?" Takang tanong ni manang kaya napatingin ako sa kanya...

"Sabing manahimik ka!" Sigaw ng lalaking may hawak sa kanya at tinutukan ito ng baril...

"Ituloy mo!" Sigaw ko "Ng makita mo ang hinahanap mo" dugtong ko rito at ngumisi.. Nakita ko namang nanginig ito sa takot...

"Oh bat ka nanginginig" pabirong tanong ko sa kanya at mas nilakihan ang ngisi...

Bigla niya namang itinutok sa akin ang hawak niyang baril... Bigla akong humarap kay Thea at tumayo... Naglakad ako palapit sa kanya at may ibinulong...

"Kung gusto mo akong patayin wag mo na silang idamay pa.. sasama ako sayo, Basta iwan mo lang sila dito.." bulong ko rito..

Kung sa tingin mo magtatagumpay ka sa pinaplano mo pwes nagkakamali ka...

Uunahan na kita bago mo pa magawa ang iyong pinaplano.. Matagal na kitang natalo, kaya nasisiguro kong matatalo ulit kita.. walang sino man ang makakatalo sa akin maliban nalang kung magpapatalo ako...

may naisip na akong plano.. at alam kong magugustuhan mo to...

Hehehehehe...