webnovel

Revenge:Secret Queen

Revenge.. that's what Avery has imprinted on his mind since his brother's death... because that's why he did everything to learn to fight... but what will happen when he finds her...

Annariex_Writes · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
38 Chs

Chapter 26

Chapter 26

"EXCITED NA BA KAYO!"

"ano ba naman yan... Sumagot naman kayo" haist

So ngayon ay nandito kami sa mahabang couch nakaupo.. pagkatapos ng nangyari kanina ay pinatawag kami ni Austin lahat at pinaupo sa couch dahil may importante daw siyang sasabihin...

Akala naman namin na importante talaga ang sasabihin niya, Yun pala tungkol lang pala sa bunutan challenge... Haist.. nakakatamad

"EXCITED NA BA KAYO!" Sigaw niya ulit

"Oo" bored naming sabi

Alam niyo nakakatamad talaga tong ginagawa niya, kanina pa niya paulit ulit na sinisigaw ang words na 'excited na ba kayo' tanga lang...

"EXCITED N-----" di na niya natuloy ang sasabihin niya dahil agad akong tumayo at nagsalita..

"Tang ina mo! Kung pwede lang tumigil kana sa kakasigaw mo, naririndi na ako sa boses mo... Kung pwede lang simulan mo na ang bunutan challenge mo na yan... Para matapos na to at makauwi na ako sa bahay namin..." Sigaw ko sa kanya na nagpatahimik sa lahat...

Alam kong nabigla sila sa pagsigaw ko, pero na ubos na talaga ang pasensya ko at kailangan ko yung ilabas sa pamamagitan  ng pagsigaw...

Masamang ginagalit ang isang Avery Kim Gomez...

"Okay chill, ito na magsisimula na"

"So ang mechanics ng larong ito ay, kung sino ang mabubunot niyo.. siya ang bibigyan niyo ng regalo...

Sabi niya at sinimulan ng magpa bunot... Ng ako na ang bubunot ay agad akong bumunot at agad itong tiningnan...

Okay, so ang nabunot ko ay Tiger... Putik anong klaseng pangalan to... Sino kaya to? Anong ireregalo ko sa kanya?

Uh basta kahit ano nalang, Basta pang lalaki...

"Guys listen, bukas niyo nalang ibigay ang mga regalo niyo... Babalik tayo bukas dito ng 9:00 am... naiintindihan niyo ba" tang ina kailan pa to naging teacher?...

"Opo" bored naming sagot at nagsitayo na para umuwi...

"Kanino ako sasakay?" Tanong ko sa kanila at tiningnan sila isa isa... May mga dala kasi silang kotse samantalang ako wala...

"Di pwede sa akin, baka magalit misis ko" Sabi ni Levi at naglakad palabas... Tang ina niya, kailan pa siya nag ka asawa... Sinungaling ang putik.... Parang kailan lang umiinom pa siya dahil kay Kelly tapos ngayon may asawa agad... Himala

"Di rin pwede sa akin, malayo bahay namin" Sabi naman ni Klyde at naglakad palabas...

"Di ri---- Di na niya natuloy ang sasabihin niya dahil bigla nalang nagsalita si Tyler.

"Sa akin na siya sasabay" Sabi niya at naglakad palabas sumunod naman ako sa kanya...

"Salamat nga pala" Sabi ko sa kanya ng makasakay sa sasakyan niya, pero hindi lang niya ako pinansin at nagpatugtug lang siya ng music...

Tahimik ang bumalot sa amin sa loob.. tanging musika lang ang iyong maririnig..

Di nagtagal ay tumunog ang cp ko hudyat na may tumatawag, agad ko itong kinuha sa bag at sinagot... Hininaan ko muna ang volume ng cp bago nagsalita... Mahirap na baka may marinig pa siya..

"Bat ka napatawag?" Bungad ko ng masagot ito... Nga pala ang tumawag sa akin ay si Hen, Isa sa mga tauhan ko...

"Queen, sinusugod kami ngayon dito sa BH" Sabi niya rinig ko naman ang putukan ng baril sa linya niya...

"K" maikling sabi ko at agad ko itong pinatay...

Fight is coming, gun is waiting...

Maghintay lang kayo... Kung laban ang gusto niyo pwes laban ang ibibigay ko... Pagsisisihan niyo na kinalaban niyo ako....