webnovel

Revenge:Secret Queen

Revenge.. that's what Avery has imprinted on his mind since his brother's death... because that's why he did everything to learn to fight... but what will happen when he finds her...

Annariex_Writes · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
38 Chs

Chapter 24

Chapter 24

"Di nga marunong magluto yung aso?" Nagtatakang tanong ko nagkatinginan naman silang anim at sabay na tumawa...may mali ba sa sinabi ko...Yun naman yung sinabi niya di ba?

"Anyari sayo...bat ang slow mo yata ngayon?" Tanong ni Tristan at tinitingnan ako na parang sinusuri...

"Nalasing ka ba kagabi? Sa pagkakaalam ko ako ang uminom kagabi" Sabi naman ni Levi at parang nag iisip

"Yun yung sinabi niyo" Yun naman di ba Ang sinabi nila, Hindi naman ako binge di ba? Di ba?

"Tinatanong ko kayo ng maayos... kaya sumagot kayo ng maayos... NAIINTINDIHAN NIYO BA?" sabi ko sa kanila pero hindi lang sila sumagot...

"NAIINTINDIHAN NIYO BA?" sigaw ko sa kanila kaya naman agad silang nagsitango.

Buti naman at naiintindihan nila kasi ako sobrang sakit ng ulo ko... damn. Malas bat ngayon pa paskong pasko masakit ang ulo. Shit talaga... Kailangan ko pang alamin kung sino ang kumuha kila mom... Haist...

"Chill, Ang init naman ng ulo mo." Sabi ni Klyde

"Have some juice" Sabi ni Tyler sabay abot ng basong naglalaman ng juice... Tinanggap ko naman ito at agad na ininom..

"Ang sakit ng ulo ko" Sabi ko sabay hilot sa aking ulo at umupo...

Nagulat na lang ako ng biglang may dumampi na palad sa aking ulo at minasahe ito, tiningnan ko naman ito at si Tyler lang pala akala ko pa naman kung sino na... Hinayaan ko nalang siya at pumikit.... Ang galing pala niyang mag masahe...

"Ehem, Tama na ang lambingan tayo na sa kainan"

Napamulat ako dahil sa sinabi ni Tristan, Wala na ba talaga siyang ibang maisip na salita maliban sa ehem? Tiningnan ko Siya at nagsalita...

"Favorite line mo talaga ang ehem no" sarcastic na sabi ko

"OKAY, KAINAN NA!" Sigaw ni Klyde... Gutom na gutom

Napalingon naman ako sa pwesto ni Zeus na... Nakaupo siya sa couch at parang may iniintay na text... First time to ah...

"Anyari sa kanya?"

Tanong ko sabay turo kay Zeus nilingon naman nila ito at nagsalita.

"he is waiting for his gf text" sabi ni Tyler at umupo sa tabi ko.

Gf? May gf na siya, bat di ko alam yun...

"Wait, kailan pa siya nag ka gf?" Tanong ko at kumain ng spaghetti...

"2 years"

Maikling sagot nila na ikinabilaukan ko... Leche ang tagal na pala, tapos ngayon ko lang nalaman...

Agad naman silang lima nag siabot ng isang baso ng tubig... Kaninong tubig ang kukunin ko? Inabot ko na lang ang pinakamalapit sa akin... Ang dala ni Tyler..

"You okay?"

"Yeah, salamat" sagot ko kay Tyler

"Ehem, ehem, Ang daming langgam"

Napatingin kami kay Tristan dahil sa sinabi nito.

"Oo nga, hali na kayo alis na tayo"

"Tama para mabigyan naman natin ng privacy sila"

Nagsitayo silang apat na nakangiti... Problema nila?

"ENJOY!" Sabay nilang sabi at umalis

"Anyari sa kanila?"

"don't pay attention to them.. let's eat"

Sabi niya kaya hindi ko nalang sila pinansin, ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain...nagulat nalang kaming dalawa ng biglang lumapit sa pwesto namin si Zeus at bigla niyang pinalo ang mesa kung saan kami kumakain...