webnovel

Revenge:Secret Queen

Revenge.. that's what Avery has imprinted on his mind since his brother's death... because that's why he did everything to learn to fight... but what will happen when he finds her...

Annariex_Writes · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
38 Chs

Chapter 23

Chapter 23

"Nga pala anong nangyari sa kanya bakit siya naglasing?" Tanong ko sa kanila napasin ko kasing si Levi lang ang lasing at mukhang umiiyak pa... nangyari sa isang to?

"Brokenhearted" Sabi ni Austin

"Niloko ng babae" Sabi naman ni Klyde

"Magshitigil nga kayo" Sabi naman ni Levi

Wait ano daw niloko ng babae, at sino namang babae ang nanloko sa kanya...

"Sino?" Tanong ko

"Kelly" maikling sabi ni Tyler

"Wait naging kayo ni Kelly?"

Imposibleng naging sila kasi kilala ko ang mga tipo niya---ay mali hindi ko pala siya kilala...Kasi peke lang ang lahat ng mga pinakita niya o mas magandang sabihing nila...

"Oo...pero niloko lang pala niya ako, ginamit niya lang ako... Kasi ang totoo ay may boyfriend na siya at yun yung ex mo" sagot niya na nagpatahimik sa akin...pano? Pano niya nalaman?

"Pano niyo nalaman?"

Imposibleng may nagsabi sa kanila kahit parents ko nga hindi alam na naging kami...sekreto lang kasi ang naging relasyon namin...kaya pano?

"Hindi na maha---- di na niya natuloy ang sabihin niya dahil bigla itong bumagsak sa couch dahil sa kalasingan at nakatulog...

Tiningnan ko naman sila baka sakaling sagitin nila ang tanong ko pero nagsiiwas lang ito ng tingin... mukhang wala akong mapapala sa kanila.

Aalis na sana ako para bumalik sa kwarto ng bigla nalang tumunog ang cp ko,  tiningnan ko ito at nakita kong tumatawag si Z agad ko itong sinagot at naglakad palabas...

[Bat ka napatawag?]

[Queen]

[Bakit? May nangyari ba?]

[May dumukot sa mga magulang mo]

Si Z kasi siya ang inutusan kong sumunod kila mom at dad para kahit papano ay alam ko ang mga nangyayari sa kanila kahit hindi ko sila kasama...

Pero ano daw... Dumukot? At sino naman ang dudukot sa kanila...

[Kilala mo ba sila?]

[No]

[Sige, salamat]

Sagot ko at pinatay ang tawag...

Agad akong naglakad pabalik sa kwarto para matulog...alas otso pa lang kasi ng gabi...Kaya matutulog na muna ako, bukas ko nalang iisipin at aalamin ang nangyari sa kanila... don't worry mom and dad hahanapin ko kayo kahit nasan pa kayo...kung kinakailangan kong pumunta ng Canada para mahanap lang kayo, gagawin ko...

__

Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa baba kaya napagpasyahan kong bumaba at tingnan ito...

Ng makababa ako ay agad akong sinalubong ng isang napakalakas na sigaw kaya napatakip agad ako ng tenga...

"MERRY CHRISTMAS OUR QUEEN" Sigaw ni Levi ng makababa ako, wait ano daw Christmas, pasko ngayon di nga... Parang ang bilis naman...

"Pasko ngayon?" Tanong ko at naglakad papuntang couch naabutan ko naman silang lima na naghahanda ng pagkain sa mesa...

"Hindi, kaya nga Christmas di ba, dahil new year ngayon. new year... happy new year Avery" sarcastic na sagot nitong isa na nasa likuran ko...

"Marunong kayong magluto?" Tanong ko ng makalapit sa kanila at tinulungan sila...

"Hindi, pinaluto namin to oh...don sa aso" Sabi ni Klyde sabay turo sa aso, marunong palang magluto yung aso? Maniniwala na ba ako?

"Di nga marunong magluto yung aso?" Nagtatakang tanong ko nagkatinginan naman silang anim at sabay na tumawa...may mali ba sa sinabi ko...Yun naman yung sinabi niya di ba?