webnovel

Revenge:Secret Queen

Revenge.. that's what Avery has imprinted on his mind since his brother's death... because that's why he did everything to learn to fight... but what will happen when he finds her...

Annariex_Writes · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
38 Chs

Chapter 22

Chapter 22

Nagsipalak pakan naman sila...gosh hindi ko na namalayan na tapos na pala...inilibot ko ang aking paningin at may napansin akong pamilyar na tao...Anong ginagawa niya dito.

"Guys...Cr muna ako" paalam ko sa kanila

"I'll go with you" Sabi ni Tyler

"Di na. sandali lang ako" Sabi ko sabay takbo sa kung saan pumunta ang lalaking yun...

Ng makarating ako sa kwartong pinasukan ng lalaking yun ay agad ko itong sinipa...

*Blagggggggggggggg*

Ng masipa ko ang pintuan ay nakita ko siyang nakaupo habang umiinom ng alak...

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya ng hindi tumitingin sa akin...umupo ako sa harapan niya at nagsalita...

"Ikaw ang dapat kung tanungin niyan Jin" sagot ko sa kanya napatingin naman ako sa braso niya at ngayon ko lang napansin na may tattoo pala siyang agila...

"Miyembro ka ng grupong yun diba?" Tanong ko pero ngumisi lang siya at inabutan ako ng alak..

"Inom ka muna" Sabi niya sabay abot ng alak...Tinanggap ko yun at ininom

Ng mainom ko yung alak ay agad akong lumapit sa kanya at sinuntok siya...kaya ngayon ay nakaupo na siya sa sahig...

"Di ka parin nagbabago" Sabi niya at pinunasan ang dugo sa labi sabay tayo...

"Pagbabayaran mo lahat ng ginawa mong kasalanan...at hindi mo yun matatakasan" sabi ko at sinuntok ulit siya...

"Lumaban ka" sigaw ko sabay suntok ulit sa kanya...pero ang gago ay tumawa lang at hindi lumalaban...

Susuntukin ko na naman sana siya pero bigla nalang may pumalo sa ulo ko kaya napaupo ako sa sahig at napaubo ng dugo dahil sa lakas ng pagkakapalo sa akin... tiningnan ko naman ito at---

"Ayos ka lang ba babe" Sabi ni Kelly kay Jin at inalalayan itong tumayo...so miyembro rin pala siya---i mean sila...biglang nagsipasok sila Shawn at Akira....

"Hahaha...Hindi ko man lang nalaman na pinapalibutan na pala ako ng mga ahas" sabi at tumayo

"Well ngayon alam mo na" mataray na Sabi ni Akira

"Salamat nga pala sayo...dahil sayo naging kami ni Lizy" Sabi naman ni Shawn

"Ngayong nag-iisa kana...sumuko ka-----" di na niya natuloy ang sasabihin niya dahil biglang nagsipasok sila six...

"Hindi ako nag-iisa bitch" Sabi ko at bigla nalang akong nahilo...

"AVERY"

Everything went black

__

Nagising ako dahil nagising ako. Kailangan bang may dahilan para magising?

"Aray" daing ko at hinawakan ang ulo ko...kung ganoon hindi pala panaginip ang lahat...totoong magkasabwat si sila Kelly at Jin...gosh hindi ko man lang napansin...ganoon na ba ako katanga para mapasok ng mga ahas?

Inilibot ko ang paningin ko at dahan dahang bumangon at naglakad palabas ng kwarto...Ng makalabas ako ng kwarto ay nakita ko sila sa baba na nag-iinuman...

"Anong nangyari sa kanila?" Tanong ko at umupo sa couch, ang tinutukoy ko ay sila Kelly...

"Gishing ka na pala Ave" lasing na sabi ni Levi

"Kumusta sugat mo?" Tanong ni Klyde mukhang hindi naman siya lasing

"Maayos na" sagot ko

"Nga pala anong nangyari sa kanya bakit siya naglasing?" Tanong ko sa kanila napasin ko kasing si Levi lang ang lasing at mukhang umiiyak pa... nangyari sa isang to?