webnovel

Revenge:Secret Queen

Revenge.. that's what Avery has imprinted on his mind since his brother's death... because that's why he did everything to learn to fight... but what will happen when he finds her...

Annariex_Writes · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
38 Chs

Chapter 15

Chapter 15

"Ehem iwan na muna natin sila" biglang sabi ni Tristan favorite line niya talaga ang ehem no...

"How are you?"

"Ayos na ako"

"San nga pala si Austin?"

Umiwas lang siya ng tingin at hindi nagsalita...may kailangan ba akong malaman...

"Ano?"

"He was kidnapped"

"What!"

"How?"

"While you were playing, my brother and Austin decided to go to the cafeteria before we even got there we saw a man trying to get into the van... we helped him but they were strong and they got the man and Austin..." Pagkekwento niya bakit pa kasi sila nakialam ayan tuloy....

"don't worry Klyde is looking for where they were taken"

"Ak-----" di ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang pumasok si Levi at nagsalita...

"Nahanap na ni Klyde kung saan sila dinala." Sabi niya

"Nasan sila?" Tanong ko sa kanya

"Nasa tambayan" sagot niya at umalis.

Tumayo ako kaagad at tumakbo papuntang tambayan narinig ko pang tinawag ako ni Tyler pero hindi ko na ito nilingon pa... kailangan ko silang pigilan...

Ng makarating ako sa tambayan ay nakita ko silang tumitingin sa computer agad akong lumapit don upang tingnan ang kanilang tinitingnan....

At 0_0 ito nga yung address sa hideout namin...Patay

"Puntahan na natin baka kung ano na ang ginagawa sa kanila" biglang sabi ni Tristan at naglakad palabas sumunod naman sila dito...gosh

"Teka sandali lang wag kayong magpadalos dalos." Sabi ko sa kanila pero hindi lang nila ako pinansin at agad na sumakay sa van na dala ni Tyler...umalis pala si Tyler kanina...shit...Wala akong choice kundi ang sumakay sa van katabi ko si Ty siya ang nagmamaneho ng van...

Malas bat ngayon pa naiwan ang cp ko di ko tuloy sila matawagan....

Ang totoo kasi ako yung nagpadukot sa lalaking yun...Yun lalaking yun kasi ay isa sa mga nagnakaw sa bahay namin hindi ko lang alam kong siya ba yung lalaking bumaril kay kuya...Ang totoo ay isa rin akong mafia...mafia queen...at ang mga dumukot sa lalaking yun ay mga tauhan ko...

Ng makarating kami sa hideout ay agad akong lumabas...

"Avery" pabulong na sabi nila saka lumabas....kailangan ko silang balaan...

"HOY-----" di ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang may nagtakip ng bibig ko tiningnan ko naman ito at si Ty lang pala sinenyasan niya ako na tumahimik...

Bigla silang nagsilabasan mga nasa 20 silang tao...40 kasi ang tao ko sa bawat hideout...

Ng makita nila ako ay bigla nilang tinutukan ng baril si Ty nakatakip parin kasi ang kamay niya sa bibig ko...bigla ko itong tinanggal at nagsalita...

"Ibaba niyo ang mga baril niyo" utos ko sa kanila na agad naman nilang sinunod...