webnovel

No! I will not let this slide anymore

Sa kabila ng proof na binigay ni Daddy sakin. Hindi ko siya pinaniwalaan. Ganoon ako kabulag sa pag-ibig ko sa kanya. Umalis ako ng bahay ng may galit kay Daddy. I live with Renz sa townhouse na nabili niya. We been together for 3 years as girlfriend and boyfriend when he propose to me.

At dahil mahal na mahal ko siya. I said Yes. Kahit tutol ang parents ko sa amin ay umattend pa din sila ng wedding, for my sake.

Masaya ang unang dalawang taon ng pagsasama namin bilang mag asawa. Hanggang sa bigla na lang nagbago pakikitungo ng asawa ko sa akin. Late na halos siya umuuwi, minsan naman ay halos 2 beses na lang siya kung umuwi sa bahay.

Every time I asked him kung nambababae ba siya. Isang malutong na sampal ang makukuha ko. Unang beses niya akong napagbuhatan ng kamay, ay nasundan ng nasundan.

Kay Tracy ako tumatakbo, every time na nagyayari yun. She was there to comfort me.

"Iris what the hell?!" Galit siya. I can see the anger in her eyes.

"Bakit ka pumapayag na pagbuhatan ka ng kamay ng asawa mo?!"

Ngumiti ako sa kanya. "Trace, hindi naman niya sinasadya. I think he was mad because daddy is pressuring him about the upcoming projects." Pagtatakip ko sa asawa ko.

"Oh my god!!" Di makapawalang sabi nito.

"Hindi sinasadya?! Pang ilang beses mo nang pumunta sakin na may bangas yang mukha ha?" Galit niya akong tiningnan. Hinawakan niya ang mukha ako, at tiningnang mabuti ang mga pasa ko.

Hindi ako nagsalita. Tracy is right. I don't even know kung ilang beses nang nangyari ito.

"No! I will not let this slide anymore. I'm going to call, Tito Eli for this." At kinuha ang kanyang cellphone.

Nataranta ako at mabilis na kinuha ang cellphone niya. "Don't!!" Sabi ko.

"Okay lang ako Trace. Okay na din naman kami ni Renz. He will not do it again."

As if. Right after our meeting, pag uwing pag uwi ko ay palad agad ni Renz ang dumapo sa akin.

"Where have you been?!" Sigaw nito habang nakasabunot sa akin.

"Renz, nasasaktan ako." Sabi ko sa kanya at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa buhok ko.

Mas lalong nitong diniinan ang pagsabunot sa akin. Napapikit na lang ako sa sakit. "I meet Trace, Renz. Nagcatch up lang" sabi ko tsaka niya lang binitiwan ang buhok ko.

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

dummyriqscreators' thoughts