webnovel

Reincarnated in 1880

A girl named Viatiere Alonzo in junior highschool died by a car accident. Suddenly there were a flash of light and all she knew was she were about to hit by a running carriage. Luckily, there was someone came and save her. She was reincarnated in early era of Philippines in 1878 in the persona of Catalina Victoria Lopez.

meow_meoww · Histoire
Pas assez d’évaluations
24 Chs

KABANATA IX

Viatiere's POV

"Hoy te Alonzo, Happy Birthday!" bati ni Aly sa akin at niyakap ako

Napaluha naman ako dahil sa sobrang tuwa. Te Alonzo ang tawag nila sa akin kahit na mas bata ako sa kanila. Lakas ng trip eh tas apelyido ko pa ang ginagamit."

"Happy Birthday!" sambit ng mga kaibigan ko

'Minsan ka lang magkakaroon ng mga totoong kaibigan. Yung mga totoong magmamahal sa'yo. May mga pagkakataong may problema ka, nandiyan lang sila para tulungan ka. Kahit na ayaw mong kausapin sila, pipilitin ka nilang mapaamin kung anong problema mo'

"Heto oh" nagulat naman ako nang bigla akong tawagin. Lumingon ako at bigla namang nilabas ni Aly mula sa likuran niya ang isang paper bag at iniabot niya ito sa akin.

"Uy thank you!' sambit ko at nang buksan ko ito ay nagulat ako sa laman.

Dahil doon, umiyak nanaman ako. Ang mga laman noon ay mga sketch pad, mechanical pencil, color pencil, color pen at iba pang mga kagamitan sa pagdodrawing. Natuwa rin ako dahil may mga anime merchandise na nakalagay doon. Anime fan kase ako haha.

Dahil sa sobrang saya ko, niyakap ko sila ng sobrang higpit. Di ko alam na may pasurprise pa silang nalalaman.

"Hala umiyak na nga si te Alonzo oh!" asar ni Yhezha

"Che!" sabat ko

Ngayon ay August 12, 2019, at kahapon ay ang kaarawan ko, August 11, Sunday kase kaya hindi nila ako nabati noon.

Dahil tapos na ang break time, umalis na ang ilan kong mga kaibigan dahil magkakaiba kami ng mga section. Humarap ako kila Yhezha at Cj na kaklase ko at nakita silang malungkot.

"Anong nangyare sa inyo?" tanong ko

Hindi nila ako pinansin at bigla namang nag-glitch ang paligid. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at nagsimula akong kabahan.

Anong nangyayare? Bakit nagiging pula ang paligid? Pinikit ko nang saglit ang mga mata ko at nang buksan ko ito. Narinig ko ang sigaw ni Aly at John mula sa kalayuan.

Huh? Bakit ako narito? Bakit parang nasa kalsada ako?

"Tumabi ka dyan! Via ano ba!" sigaw ni Aly habang umiiyak

"Via, delikado dyan bumalik ka na!" sigaw ni John habang pinipigilan si Aly na sumunod sa akin

'Ah ito pala yun.. Yung mga panahong nagpadalos dalos ako sa aking desisyon. Hindi ako nakinig sa mga kaibigan ko at nagpatuloy parin ako. Hindi ko man lang naisip na kapag nawala ako, malulungkot silang lahat. Malulungkot ang mga magulang at kapatid ko. At higit sa lahat malulungkot ang mga nagmamahal sa akin."

"Beeeeeeeeeep!" malakas na busina ng truck

Agad na naging dilim ang aking paningin. Sumikip ang dibdib ko dahil sa sobrang lungkot. Paalam sa inyong lahat, salamat dahil nakilala ko kayo.

"Biya ... Biya....."

May tumatawag sa akin... Kailangan kong tumugon.

Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at nakita ko ang nagaalalang itsura ni Andres habang tinatapik tapik ako.

"Biya, ayos ka lang ba?" kita ko sa mga mata niya ang labis na pag-aalala

Napansin kong sa pagpikit ng mga mata ko ay may basa dito kaya naisip ko na nag-aalala si Andres dahil umiiyak ako habang tulog. Dahil naalala ko nanaman ang mga pangyayaring iyon, agad kong niyakap si Andres. Nagulat siya sa ginawa ko pero nanatili siyang kalmado habang inaalalayan ako. Napahagulgol ako dahil sa sobrang lungkot.

"Hindi ako karapat-dapat maging kaibigan nila! Kung sana nakinig ako sa kanila, sana kasama pa nila ako doon. Naging mabuting kaibigan sila sa akin. T-Tapos... iiwan ko lang sila sa huli. Napakasama kong kaibigan!" hagulgol ko

Hinaplos niya ang aking buhok at tinapik tapik ako para pakalmahin ako.

"May naalala ka ba?" tanong niya

Naisip kong naalala niya pa yung sinabi kong wala akong maalala sa pagkatao ko sa lugar na iyon.

"Oo.. Isang mapait na ala-ala.." tugon ko

"Alam mo, Biya. Hindi mo kasalanang mapadpad ka rito. Marahil may adhika ang Diyos sa iyo kaya ka dumatal sa lugar na ito. At isa pa, kung hindi ka dumatal, hindi natin makikilala ang isa't-isa at hindi ko rin makikilala ang isang katulad mo."

'I-Isang katulad ko?? Anong ibig niyang sabihin?'

Sa pagkakataong ito, tumigil ako sa pagiyak dahil biglang namula ang mga pisngi ko dahil sa mga sinabi niya.

"A-Ayos ka na ba?" tanong niyang muli

dugdug..

Tumungo ako at umalis mula sa pagkakayakap ko. Mabilis nanamang tumitibok ang puso ko. Napansin kong tinatakpan niya ng kaniyang kamay ang kaniyang namumulang pisngi at ganun din ang ginawa ko. Biglang tumahimik ang paligid at naging awkward na ang lahat. Hindi namin maitapat ang aming mga mata sa isa't-isa.

"Ah.. Sige humayo ka na't mag-ayos. Ilang minuto na lamang at mag-aalas diyes na. " nahihiya nitong sambit

"Ano?! Anong sinabi mo mag-aalas diyes na? Hala wait lang, hintayin mo ako!" gulat kong sigaw

Narinig kong humahagikgik si Andres habang papalayo ako. Hmm, napansin kong good mood si kumpadreng Andres ngayon. Siguro effective nga talaga ang mga liham noon. Hehe, I'm so genius!

Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad kong hinanap si Andres. Naalala kong paano kami nagkaroon ng ibebenta? Wala akong naalalang gumawa ako noon. Buti nalang gumawa ako ng ilang mga may border design na mga papel upang ibenta. Nahanap ko ang kumpulan ng mga pintura sa ilalim ng higaan at iyon ang ginamit ko para ipang-design. Ikinaligraphy ko na rin yung mga inilalagay sa una at ibaba ng liham. Tulad nang "Mahal kong..." at "Nagmamahal" Pero yung iba ay hindi ko na nilagyan baka kase sa magulang nila ito ibigay o sa kaibigan.

Lumabas ako sa bahay nila at nakita ko si Andres na may bitbit bitbit na mga origami. Nilapitan ko siya at tinignan yung mga gawa niya. Lumihod ako upang matingnang mabuti ito.

"Ang tagal mo naman, Biya." pagrereklamo niya

Hindi ko siya pinansin at kinilatis kong maigi yung mga gawa niya. Grabe ang galing! Napaka-fast learner niya at nakabisado niya agad yung mga steps.

"Mangha ka na ba sakin?" taas noo niyang sambit

Tumayo ako sa pagkakaluhod ko at hinarap ko siya.

"Uhmm.. Hindi na masama" sagot ko

"Grr, hindi mo man lang ba matatanggap ang gawa ko?" pagrereklamo niya

'Shoot! Baka magtampo nanaman sakin tong mokong na ito'y

Tumalikod ako at lumingon sa kaniya.

"Ano ba, biro lang yun. Alam mo bang manghang-mangha ako sa'yo kase napakabilis mong matuto? Naiinggit ako kaya inaasar kita" dagdag ko

'Phew! Sana naman gumana at hindi magandang magtampo ang mokong na ito.'

Nakita ko siyang sobrang namumula. Nako! Baka nagagalit siya dahil akala niyang nagsisnungaling ako. Totoo naman yun!

"Hoy" pagtawag ko

"Ga-Ganun..ba... S-Salamat" utal niyang sambit

Pfft, ang cute niya kapag namumula. Ganito ba talaga ang mga lalaki kapag pinupuri?

"Hahaha, tignan mo nga iyang sarili mo. Bat ka namumula?" pangaasar ko

"A-Ano ba! Mauna ka na ngang maglakad!" sigaw nito

"Oo na, oo na. Galet na galet eh" sambit ko at nauna nang maglakad sa kaniya.

Naku, nakalimutan kong ipakita sa kaniya ang mga gawa kong border design! Kailangan kong sabihin ang plano kong advertisement sa kaniya!

Habang naglalakad ay tinawag ko siya. Nasa likod ko lang kase siya at sumusunod sa akin. Medyo malapit na kami sa bayan kaya naman bago dapat kaming magsimulang magbenta ay alam niya na ang gagawin.

"Andres..." tawag ko sa kanya

Pakiramdam ko eh ito ang unang beses na tinawag ko siya sa pangalan niya. Mamaya eh namumula nanaman ang pisngi niyan.

Sinilip ko siya mula sa likod at namumula nanaman talaga!

"Hoy, tinatawag kita!"

Tumigil ako sa paglalakad at hinintay siya. Bago pa man siya makareklamo ay ipinakita ko sa kaniya ang mga dinesignan kong papel.

"Ano yan?" tanong niya

"Ano pa, edi ipangbebenta natin mamaya." tugon ko

Nagtataka siya dahil sa sinabi ko.

"Natangap mo ang sulat ko diba? Kakaiba ito sa lahat dahil may disenyo siya. Maganda rin ang pagkakasulat. Kaya naman naisip kong gumawa ng iba para idagdag sa benta. Uso ngayon yung mga liham at alam kong makakatulong pa ito para sa pamilya natin." pagsasalaysay ko

"P-Pamilya natin?" tanong niya

"Oo!" inis kong sagot

Wala nanaman to sa katinuan!

"Osige.. Anong pakay mo?"

Iniabot ko sa kaniya ang isang papel na may disenyong katulad ng ibinigay ko sa kaniya. Tinanggap niya ito at nagulat siya dahil parehong pareho ang disenyo nito sa liham na binigay ko sa kaniya.

"Sumulat ka ng liham sakin at ibibigay mo sa akin ito mamaya."

Nakita kong parang nalungkot siya dahil may katulad yung disenyo ng liham na binigay ko sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala. Tayong dalawa lang may disensyong ganyan" sagot ko sabay ngumiti

Napangiti siya at ako rin sa kaniya. Umihip ang mainit na hangin sa kalagitnaan namin.

Napapansin kong isang malaking simula na ang nakaabang sa akin.

Pagkatapos ng mahabang titigan ay napagpasyahan ko nang sabihin sa kaniya ang gagawin.