webnovel

Reincarnated as a Stupid Princess of Devuniake World

Jane Necton, a skilled military captain, gets kidnapped and her soul ends up in another world from books. Male leads from those books come to life, making her life chaotic. Her experiences in this book-inspired world can be both good and bad, depending on how she navigates them.

Pen_Palooza · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
16 Chs

Chapter 4

Continuation~~

Pagkatapos ng nangyari sa loob ng Macbeth shop, sumunod akong pumunta sa katabi nitong gusali, na pagmamay-ari ng Royal Family of Carter--may-ari ng pinaka-sikat na Restaurant sa bansang Arcadia na may maraming brands sa iba't ibang sulok ng mundong Devuniake. Pamilya ng isang mahalagang tauhan sa nobela.

''Good Morning, Miss'' A waitress greeted me when I entered the restaurant. Niyaya niya ako sa upuan malapit sa glass wall na nakaharap sa malaking garahe ng restaurant which I guess is for VIPs.

''What's your order, Miss?'' Tanong niya habang inaabot sa akin ang menu ng pagkain, napatingin ako sa hindi pamilyar na listahan ng mga pagkain habang inaalala ang mga paboritong pagkain ng mga tauhan sa nobela. Actually, ang alam ko ay pareho lang ang pagkain dito at sa Earth dahil sa bansa ngkinuha ni Author ang mga pangalan ng pagkain kaya hindi pamilyar sa mambabasa, like me.

''what is the most popular food here?'' hindi ko na maalala ang mga pagkaing nabanggit sa nobela.

''Satay salmon with crunchy cucumber and herb salad is our popular food here, miss.'' 

''Here's your order, miss.'' saad niya pagdating niya dala ang inorder kong pagkain. 

Tinutukoy niya ang salmon na may mga gulay sa itaas bilang isang sikat na ulam dito. Sinimulan ko ng kainin ang pagkain habang ang waitress ay nakatayo sa gilid at pinagmamasdan ako kung ano ang aking magiging reaksyon.

Pagnguya ko bigla akong sumimangot, bakit ganito ang lasa?

''H-hindi po ba masarap, Miss?'' Kabadong tanong ng waitress 

''Ang sarap nito.'' kaso hindi ko lang matanggap na hindi ko ito nakain no'ng si Jane pa ako.

Ang hula ko ay walang pagkaing Pilipino sa nobela dahil ayaw ng May-akda na maging pamilyar ang mga pagkain sa kanyang mga mambabasang Pilipino.

''Thank you for visiting our restaurant, we hope you have a nice day, Miss.''

Tapos na akong mananghalian at wala na akong gustong bilhin kaya napagpasyahan kong pumunta sa pinakamalaking park sa Arcadia na matatagpuan sa Lungsod ng Loford.

Kinakabahan man akong pumunta sa siyudad na iyon ay hindi ko na lang pinansin dahil imposible na makaharap ko ang isa sa mga male lead sa Loford city area.

As far as I remember, other male leads stay in Loford City because they don't want their palace, and more than that they want to live together in one house except for the man deprived of emotions.

Pinagmasdan ko ang matatayog na mga gusaling nadaanan namin, hindi maitatanggi na ang bansang Arcadia talaga ang pinakamaunlad na bansa dahil kahit saan ka tumingin mahahanap mo pa rin ang dahilan. Nasa Finnegan palang kami, paano pa kaya kung nasa Loford na kami? Alam kong mas matataas ang gusali roon dahil ito Ang Lungsod na pinakamalaki sa lahat.

''Mahal na Prinsesa, kailangan nyo na'po gumising, nandito na tayo sa Lungsod.''

Nagising ako dahil sa tinig na narinig ko, hindi ko namalayang nakatulog ako sa byahe kakatingin sa mga nagtataasang gusali. Dalawang oras bago ka makarating sa Loford at ngayon ay alas dos na ng hapon, kung uuwi pa ako pagkatapos kung maglibot ay baka gabihin na kami sa daan kaya pina-una ko na lang ang aking driver at ako naman ay sa Hotel na lang magpapalipas ng gabi.

Nagtataasang mga gusali, malalaking parke na maraming mga tao ang nagkakasiyahan, makukulay na tindahan at mamahaling mga sasakyan ang makikita sa lugar, marami ring mga bantay na pakalat-kalat dala ang malaki at mahabang baril.

Hawak ang aking camera ay naglibot ako at tumitigil para kunan ng litrato ang magagandang tanawing nakikita ko. Nagsigawan ang mga taong nasa likod ko na parang nakakita ng isang artista ngunit hindi ko na ito pinansin dahil nakatuon ang aking atensyon sa paro-paro na nakadapo sa Asul na bulaklak. A Blue Rose

''Uhm Hi, miss beautiful, can you take a picture of me and my friends with your camera?'' 

Isang matangkad na lalaki ang nakaagaw ng atensyon ko. Hanggang baba lang ako kaya kailangan ko siyang tingalain para makita siya. Bumungad sa akin ang kulay abong mata, perpektong ilong, at manipis na mapupulang labi, napatagl ang tingin ko sa nakangiti niyang labi at mapuputing ngipin. Mukhang masarap halik--

''Baka matunaw ako niyan, Miss Beautiful'' 

''I just love the view'' 

Huli na ng mapagtanto ko ang aking nasabi, pagtingin ko sa kanya ay may malaking ngisi na ang mapupulang labi habang nakatingin sa akin ng nanunukso. S-shit!

''sabihin mo lang kung gusto mong matikman ang aking mga labi, handa akong magpahalik sa isang dyosa na kagaya mo.'' Mayabang niyang sabi at bahagya pang binasa ng dila ang ibabang labi. G-gosh! Calm your hormones, Jane.

''what do you want, mister?'' Kunyaring inis na aking wika kahit pa sa kalooban ko ay  kilig na kilig ang mga paro-paro. Ehe! ang gwapo 

''what about you? what do you want, miss beautiful?'' Nakangiti siyang tumawa na lalong nagpagwapo sa kanya kahit na malandi siya.

''I want your li--''

"Stop flirting with my Sister, you moron!" Gulat akong napatingin sa lalaking kadarating lang habang masama ang tingin na ibinabato sa lalaking kausap ko.

"What?!"

gulat na gulat ang mukha ng lalaking kausap ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. What's wrong with him?

''Sister? magkapatid kayo?!''

Lumapit sa amin ang apat na lalaking kasama pa nila na bakas sa mukha nila ang pagtataka sa nangyayari.

''What's happening?''

''Are you vying for this beautiful lady?''

''Chix!''

tanong nila nang makarating sa pwesto namin

''Stay away from my sister!'' Helbert shouted as he wrapped his arm around my waist

''Your sister?''

''Akala ko dalawa lang ang babaeng kapatid mo?''

''Kailan ka'pa naging ganyan sa kapatid mong babae?''

''May I remind you, Prince Helbert, that you only have two sisters and they are Princess Phoebe and Princess Hellevi?'' 

''Shut up!'' Namangha ako sa gawi nila at sa pagsagot nila kay Helbert na isang Prinsipe. Hindi siguro nila alam kung ano ang pwedeng ipataw na parusa sa kanila.

Hindi ko makita ang mukha ng mga bagong dating na lalaki dahil nakaharang sa paningin ko ang malawak na katawan ni Helbert.

 ''Brother, what are you doing?'' I asked softly while peeking ahead but I couldn't because he was blocking his body.

''Wow, her voice is sweet, whereas before it was like seducing me.'' I know the man with the gray eyes spoke because he was the one I flirted with earlier.

''Huh? I'm not seducing you!'' Itinatanggi ko ang kanyang akusasyon kahit na totoo ang sinasabi niya. duh! kasalanan ko bang malandi ang hormones ng katawan ko?

''Not my sister, Kiel. I know you'' Banta ni Helbert sa lalaking kulay abo ang mata. 

''K-Kiel?'' no! he's not the only Keil in the world anyway.

''Oh, By the way, Miss Beautiful, My name is Kiel Albrecht, the second prince of the Albrecht royal family.''

Hindi!

Why did I flirt with the second most flirtatious male lead?

Albrecht- The family that owns Albrecht Shipping Company S.A. (ASC) which is an international shipping line in Albrecht, Arcadia. The private company is owned by the Albrecht family. It is the largest container shipping line in the world. The company operates in all major ports of the world. The family has two heirs and they are;

Aiden Albrecht (Kyel Albrekt)- Unang lumabas sa sinapupunan ng ina. Rude, snobbish, and unfiltered mouth. Isang male lead

Kiel Albrecht (Keyl Albrekt)- Huling lumabas.Flirty and Womanizer. isang male lead

''Stop it, Albrecht!''

''What? I am just introducing myself to the beautiful young lady.'' may nakakalokong ngiti sa labi na halatang nang-aasar lang kay Helbert.

''So, why don't you introduce her to us?'' pag-iiba ng usapan ng lalaking may kayumangging mata at perpektong katawan

''Why would I do that?!'' pagmamatigas ni Helbert. He's so weird!

''For us to know your sister?'' The man with the amber eyes said questioningly.

Lahat sila Prince kaya ang hula ko ay siya si Warren Snyder.

Snyder- Snyder Inc. owned by the Royal Family of Snyder is a multinational technology company. Snyder is the largest technology company by revenue and the largest company in the world by market capitalization. the only child is;

Warren Snyder- Palaging nakangiti at mapang-akit ang dating. Isang male lead

''Ugh Fine, she is my sister Hellevi Thana.''