webnovel

Forty Five

Forty Five

Billy Christia Corpuz POV

Walang mapaglagyan ang saya ng dibdib ko. Nakangiti ko ring binabate ang mga katrabaho ko, maging si Liyan at John ay nagtataka sa kinikilos ko.

"Ano pong nakain niyo Ma'am at ang saya niyo?"

"W-Wala." Umupo na ako ng maayos. At masiglang binuklat ang mga ire-review ko for the next cover story. Kanina ko parin hinahanda ang sarili ko sa mga pagalit ng Boss ko.

Maaga pa naman at alam kong late na naman ang boss ko na iyon kaya sinulit ko muna ang mga trabahong mga kailangan, dahil alam na alam kong ako na naman ang bukambibig nun sa oras na dumating ito.

Hindi nagtagal ay lahat kami natigilan ng may biglang pumasok na delivery man, may dala-dala itong napakalaking boquet of roses.

Biglang nabalot ng hiyawan ang buong opisina habang naghihintay na magsalita ang delivery man at tanungin kung sino at para kanino ang dala niya. Lahat kami nakaabang kung para kanina ito.

"Si Ma'am Billy po?" Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang pangalan ko. Si Liyan naman ay hindi mapigilang kiligin at panay ngiti ng kakaiba saakin.

"Wow Ma'am Billy, admirer. Sino yan?" Tukso saakin ng mga tao roon.

Hindi ko maitago ang aking ngiti habang papalapit na ng papalapit sa Delivery Man.

"Si Ma'am Billy po?" Agad akong napatango sa tanong niya, pinapirma niya lang ako sa Delivery Receipt at tuluyan ng umalis. Mas lalong lumakas ang hiyawan nila ng hawak ko na ang bulaklak.

Lahat sila ay nakatutok saakin. Kinuha ko ang card na nakapaloob doon at ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi habang binabasa ang nakasulat doon.

"Enjoy your day"

From your student who want to learn about dating.

My another dream, came true, to receive a flower coming from you.

~*~

"Sino kaya si Student?" Panunukso saakin ni Liyan habang lunch break na. Simple ko lamang silang nginitian habang nagsimula ng sumubo ng pagkain.

"Wala iyon..."

"Ma'am sino nga?" Pangungulit niya ulit. Maya-maya ay biglang umingay ang buong paligid. Nagsalubong ang kilay kong tiningnan kung sino ang pinaguusapan nila ng bigla kong maaninag si Liam habang naka-uniform na papalapit ngayon sa kinaruruonan ko. Kinusot ko ang aking mga mata upang mangumpirma at hindi nga ako nagkamali, nandito nga siya.

"Ma'am is Mr. Liam your student?" Wala sa loob na tanong ni Liyan saakin habang nakatitig sa malapit ng si Liam.

Napalunok ako at hindi makakuha ng sasabihin, tuluyan na siyang nasa tapat ko at walang alinlangang umupo.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Napasulyap ako sa mga tao at masama na nila akong tinitingnan.

"To eat with you, did you receive my flower?" Bigla akong nabilaukan sa sinabi niya. Si Liyan na katabi ko ay nagpipigil na ng ngiti habang mapanukso na akong tinitingnan.

"Ah i-iyon ba-" napatigil ako sa pagsasalita ng biglang tumayo si Liyan at iniwan ako roon.

"Saan ka pupunta?" Pigil ko sakanya.

"D-Doon po sa kabilang table..." nginitian siya ni Liam dahil sa ginawa niya pero nahiya ako. Bigla akong nailang sakanya, dala na rin siguro ng kaba at tingin ng mga tao.

Masama ko siyang tiningnan ng dalawa nalang kami ang natira sa upuan na inuukupa ko.

"I thought hindi ka marunong manligaw?"

Napakamot siya sa kanyang ulo at lumapit saakin. "Google..." simple akong napangiti sa sinabi niya.

Ou nga naman, may google nga naman. Hindi ko naisip iyon.

Sandali muna siyang umalis para kumuha ng makakain, at ang mga tingin ng iba ay sakanya parin naka-focus. Hindi rin matigil ang mga pagbulong-bulong nila habang tinitingnan ako.

Umupo na ito sa harap ko habang may dalang pagkain.

"W-Wala ka bang duty ngayon?"

"Meron, nasa malapit lang kasi kami kaya naisip kong puntahan ka dito para mayayang mag-lunch." Simpleng sagot niya habang ngumunguya na ng pagkain.

"How's your day?" Sumusubo na din ako ng pagkain.

"Medyo busy, nag pe-prepare for the next month cover." Nagtama ang tingin namin pero napakunot noo ako ng biglang gumalaw ang kanyang kamay patungo sa aking mukha, may itinanggal siya rito at walang salitang sinubo.

Parang ang natural lang sakanya ng lahat, pero yung puso ko mas lalo nang nagwala.

"M-May kanin ka sa bibig mo, tinanggal ko lang..."aniya in a simple way.

"T-Thanks."napalunok ako at winala sa mga mata niya ang paningin ko. Pakiramdam ko ang pula-pula ko na naman.

Matapos namin kumain ay nagpaalam narin siya kaya nakakapit na naman saakin si Liyan.

"Ma'am, umamin ka nanliligaw sayo si Sir Liam diba?" Hindi ako nagsalita bagkus ay mas lalong may gumuhit na ngiti sa aking labi.

"Woah, confirm iyang mga ngiti mong iyan. Alam ko!" Napatigil kami sa paglolokohan ni Liyan ng buglang tumunog ang phone ko at bumungad saakin ang pangalan ni Lovely.

"Billy, Billy. S-Si Mom, anong gagawin ko? Si Mom." She daid in a panic mode. Napatigil ako sa paghinga.

"B-Bakit? Anong nangyare?"

"W-Wala siyang malay...." mas lalong kumabog ang dibdib ko at dali-daling napatakbo paalis doon.

Hindi na ako nakapagpaalam sa office at ang mas inaalala ko na lang ngayon ay ang kalagayan ni Tita. Sobrang kabog ng dibdib ang nararamdaman ko.

"Love, tumawag ka ng ambulansya. Dali..." matapos kong sabihin iyon ay tuluyan na niyang pinatay. Bigla akong napaiyak habang nasa loob ng taxi. Nanginginig din ang kamay ko dahil sa nerbyus.

H-Hindi ako papayag na pati si Tita ay mawala saakin.

Pagkarating ko sa bahay nila Love ay naabutan kong nakaupo na si Tita sa Sofa, si Love naman ay naruon din pinapa-inom niya ito ng tubig.

"A-Anong nangyare?" Pagaalalang tanong ko. Lumapit na din ako kay Tita at niyakap ito.

"Okay lang ako, nahilo lang ako kanina kaya nawalan ako ng malay. Hiwag na kayong magaalala."

Napaluha ako habang yakap siya. "Tita naman, huwag mo nga kaming tinatakot." Simple siyang ngumiti at hinahod hagod ang likod ko.

"Im fine Billy..." pati si Love ay sumali nadin sa yakap namin.

"Hay, my two daughter..." nagkatinginan kami ni Love at sabay na napangiti.

"I'm sorry kung pinagalala ko kayo."

Matapos ng pagdadrama naming iyon ay hindi na ulit ako bumalik ng opisina, nagpaalam nalang ako kay Sir Ver na may emergency at as usual sandamakmak na naman ang mga pagalit niya saakin.

Inamoy amoy ko ang kapeng ibinigay ni Tita habang nakatayo sa kanyang hardin.

"Are you happy Billy?" Kaagad akong nagtaka sa tanong ni Tita saakin.

"Ou naman po..."

"Alam mo bang after mawala ng magulang mo, ngayon nalang ulit kita nakitang ngumingiti."

Hindi ako nagsalita at ininom ko lang ang kape.

"Liam came here yesterday."

"Liam?" Tumango si Tita sa tanong ko.

"1:00am ata yun but I refuse to see him. H-Hindi padin ako handang patawarin siya sa ginawa niya saatin at mas lalo na sayo..."

Hinayaan kong magsalita si Tita.

"A-Alam ko kung gaano niyo kamahal ang isat isa but please give me time para tanggapin lahat. K-Kaya din siguro ako nawalan ng malay ay dahil sa kakaisip ko."

"He stayed until morning sa labas ng bahay, umaasang kakausapin ko siya pero hindi ko magawa. The pain of losing someone is coming back to me... I lost my brother, my only brother and sister in law because of his family kaya hayaan mo nalang muna akong tanggapin ang lahat." Niyakap ko si Tita at napaluha na din.

"And I'm sorry if I tell him to let you go, alam kong nahirapan siya mag come up sa desisyon niya ngayon pero I'm sorry kung mas inuna ko ang feelings ko kaysa sayo..."

Kaya ba ganun si Liam kahapon?

Is Tita really told him to stay away from me?

"Billy, I know hes courting you dahil iyan ang bukambibig niya kagabi and he wants my permission pero pwede bang hayaan mo muna ako mag-isip." Seryoso akong tiningnan ni Tita.

"Ayokong hadlangan kayo kaya kailangan ko pa ng konting oras at panahon."

"Okay lang po Tita, naiintindihan ko po." Nginitian niya ako at tuluyan na ring ininum ang kape'ng hawak niya.

"Pumasok na tayo sa loob..."

I smile at her habang nakahawak sakanya, hindi ko naman masisisi si Tita because aside from me, she's also hurt I mean we both are. At kung ito ang gusto niya, wala naman akong magagawa.

All we can do now is to wait for the right time that she will accept and forgive.