webnovel

Reason To Stay [MR Series #4] (Taglish)

MysteryRomance#4 Xyria Haimeni Melendes and Veil Ace Gomez are friend's. They are known each other because of the party. Well, then. Veil is a heart broken man and he can't move on to his first love. He's always drunk at night and go home at the middle of the night. Sometimes he's actually want to suicide because of his first love. He got mad at her but he's still loving her. One time. Xyria Haimeni. Are joyful and careless girl found his friend in the bar. Are the two friends are going to a lovers? You'll see it soon.

ItsMeJulie · Histoire
Pas assez d’évaluations
41 Chs

Chapter 18

Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin ngayon at nang maalala ang pinagsasabi ko noong gabi na iyon. Napabuntong hininga ako at parang ayaw nalang muna umuwi ng condo pero kahit anong iwas ko ay makikita ko sya.

May pakielam ba sya? Narinig niya kaya iyon?

Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko na kahit ako ay hindi ko alam ang sagot sa tanong ko na iyon. Nasa training room kami at kakatapos ko lang kaya uminom muna ako ng tubig bago magpunas ng pawis ko gamit ang bimpo.

"Ok ka lang? kanina kapa tulala," Nagulat ako ng magsalita si Rico at nasa harap ko na pala siya.

"O-oo, ayos lang" Tumango ako sa kanya pero tinignan lang nya ako nang naka kunot ang noo.

"Ano ba ang tumatakbo sa isip mo, tao ba?" Sabay ngisi nito at gulat akong napatingin sa kanya.

"H-hindi, wala, ibang bagay lang," Sabay iwas ko nang tingin at gusto nang umalis sa pwesto ko dahil sa itsura nya.

"Mahihintay mo kaya sya?" Tanong pa nya ulit at parang gustong mangulit dahil curious sya.

Napabuntong hininga ako at iniisip kung sa sabihin ko ba o hindi. "Fine, I always thought my.. friend," Sabay tingin sa paligid habang narinig ang tawa nya.

"Do you like him?"

"I don't know, okay? Hindi ko nga dapat iniisip to," Nagsisimula na akong mainis dahil kahit ako ay naninibago sa sarili ko.

"Hindi mo mapipigilan yan, Xyria. Just go with the flow, kapag hindi ka nya gusto edi accept it. Mahirap kung nagpa-plano ka pero hindi mo naman masabi, and it's alright if broken sya. Parang crush lang eh," Tinignan ko sya ng masama sa sagot nyang iyon.

"Talagang pinatunayan nyo ang 'ladies first' word, then fine!" Inis na sambit ko at umalis na pero may pahabol pa siya.

"Huyy, joke lang! baka seryosohin mo ha, pwede rin kung hahanap ka ng timing!" Umirap nalang ako bago magpaalam na aalis na.

****

Pagpasok ko ng unit ko ay nagulat ako ng nandoon si Veil. Nilingon naman ako nito bago tumayo at sinalubong ako nang yakap at niyakap ko naman ito ng pabalik.

"Kamusta training?" Tanong nito habang sinusundan nya ako sa kitchen upang kumuha ng bagong tubig.

"Tired, pero ayos lang din dahil magaling na Leader si Krisha. Mawawala ako next month," Sabi ko sa kanya at kumunot naman ang noo nya don.

"Para saan?"

"For mission," Kibit balikat na sagot ko at pumunta ng living room upang manood ng netflix. Ramdam ko ang pagsunod nito sa akin.

"Xyria, alam mong delika-"

"- I already know at pinag usapan na natin to diba?" Pagputol ko sa sinabi nya at bumalik ulit ng kusina upang kumuha ng beer in can.

"Pero," Bumuntong hininga sya bilang pagsuko. "Fine, do what you want pero mag-iingat ka"

"Of course, I will. Now, let's watch netflix!" Excited na sambit ko at umupo sa tabi nya bago manood.

****

"I'm still broken," Pag-oopen ng topic nya nang matapos ang movie na pinanood namin at umiinom nalang kami ngayon.

Hindi ko alam kung bakit bumigat bigla ang pakiramdam ko habang nakatingin sa kanya at hinihintay pang magsalita siya.

"I still love her, xy. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko" Bigla siyang umiyak, umiyak na naman ng dahil sa kanya.

Uminom ako ng pang labing walong can na beer bago magsalita. "Umiiyak kana naman," Nahihirapan na sambit ko at itinuon ang atensyon sa beer na hawak ko.

"Gusto ko syang bumalik sa'kin," Napalingon ako ng tignan nya ako.

"Pero... wala ka ng magagawa Ace, masaya na sya sa iba" Lalo kong narinig ang mga hikbi nya nang sabihin ko iyon sa kanya.

Pakiramdam ko ang sama ko'ng tao dahil sa sinabi ko. Umiwas ako ng tingin at huminga nang malalim upang pigilan ang luha na gustong gusto ko na ilabas.

"But I still love her, Xy please tulungan mo akong makumbinsi sya na bumalik sa akin," Nagulat ako ng halos lumuhod na sya sa harapan ko.

"Pakitigil ng ginagawa mo, please lang ace." Huminga ako ulit ng malalim bago magsalita. "Tama na ang pagpapaka t*nga sa isang tao na ipinagpalit ka lang. Maawa ka naman sa sarili mo oh" Galit na sambit ko sa kanya.

Hindi ko na napigilan ang luha ko at napaiyak na sa harap nya na ikinagulat nya.

Tang ina ang sakit.

Ang sakit na yung taong gusto ko ay nagmamakaawa upang kumbinsihin ang taong mahal nya na bumalik sa kanya at sa akin pa niya na gusto iutos iyon.

"Please, tama na ace.. parang awa mo na," Hikbing sambit ko at dumaan ang pag-aalala na mata nito at agad akong niyakap ng mahigpit.

"Bakit ka umiiyak, anong problema?" Manhid na tanong nya na halos ikinaiyak ko ng husto.

Itinulak ko sya ng mahina upang kumalas sya sa pagkayakap sa akin. "You're my problem and myself too. I don't want this kind of sh*t feeling ace! hirap na hirap na akong mag advice sayo at iniintindi kita palagi! pero itong pabor mo ang hindi ko magagawang gawin,"

"Ano? Please Xyria mahal ko sya, iniiwasan nya ako kung ako ang gumagawa ng paraan. Please xy-"

"-I don't want to hear it! I care for you because you're my... friend. But I'm sorry If I declined your sh*t favor!" Sigaw ko at umalis nang unit ko.

Umiiyak akong nag drive at tinawagan si Lia upang magkita kami sa bar. Nagsalita na ako agad nang sagutin nito ang tawag ko.

"You're right, I like him and I love him also,"