webnovel

re;live - THE PROLOGUE

Ophir's Pi Programs Artificial Intelligence Incorporated... in short, OPPAI Inc. Maraming company ang sumikat dahil sa pag gawa ng gadgets at dahil na rin sa kanilang mga AI. Sa lahat ng mga kompanyang ito, ang pinaka nasa tuktok ay ang OPPAI Inc. Kadalasang ginagamit ang mga AI upang mapabilis ang trabaho ng karamihan. Kahit saan ka pumunta meron kang makikitang AI, at kahit ang kanilang smartphones ay may AI narin. Merong iba't ibang klase ng AI. Ito ay ang Narrow AI, General AI, at Super AI. Sa ngayon ay puro narrow ai at general ai ang kalimitang ginagamit ng ilan at hindi pa nag eexist ang Super AI... pero yan ang alam ng karamihan. ======================== [INFO] Title: re;live - THE PROLOGUE Date Created: 8.26.2023 Language: Tagalog, English, & Random Author: Virtual Pusa Editor: (Anonymous daw) ======================== re;live list: The Prologue (on going) Into The New World (soon) Bizzare Adventures (soon) The Ancient War (undecided / soon)

VirtualPusa · Romance
Pas assez d’évaluations
19 Chs

Family Picture

Dahil dito, alam nya sa sarili nya na.. kung sino man ang natulog dito, nalimutan patayin yung aircon. Nanliit ang kanyang mga mata at makikita sa muka nya ang pagka dismaya. Huminga sya ng malalim at pumasok na sa kwarto at inabot ang remote na nakapatong sa maliit na cabinet. 

Pinatay nya ang aircon at pinatong nya ito sa pinagkuhanan. Napatigil sya at napatitig sa litratong nasa frame na nakapatong din sa maliit na cabinet. Inabot nya ang picture frame at tinitigan niya ito ng malapitan. 

Nanlaki ulit ang kanyang mga mata na tila ba takot na takot. Nang matapos titigan, ibinaba nya ito ng nakadapa at umalis na. Makikita sa likod ng frame ang words na 'Family Picture'. Ito ang kinakatakutan nya sa kwartong iyon at ayaw nya ito makita. 

Lumabas na sya at isinara ang pinto. Makikita sa likod ng pinto ang malaking banner na may nakalagay na symbol.. at ang symbol na ito ay ';' (semicolon).

[RADIO]

NEWS: "At dahil malalaki na ang storage ng mga devices ngayon, sobrang dami nang pwedeng gawin at posibleng magawa. Nauuso din ang pag gawa ng mga Artificial Intelligent programs at mga naglalakihang open world games." sabi ng newscaster sa radio. 

Kumaliwa sya at dumeretso ng kusina upang magtimpla ng kape at kumuha ng makakain. Rinig na rinig niya ang lakas ng radio. Kumuha sya ng mug at ginamit nya ito pangsukat ng mineral water. Naglagay lang sya ng isa't kalahating baso ng tubig sa electric kettle dahil naiisip nya na ("mas konte.. mas mabiles"). 

Naghalo na rin sya ng coffee powder, sugar, at milk powder sa mug at hinintay uminit ang tubig. Napansin nya na nakabukas pala ang ilaw sa malaking banyo at may gumagalaw sa loob. Dahan dahan siyang tumingin at... nakita nyang... nandon ang kanyang lolang... nakatalikod sa pintuan. Huminga sya ng malalim dahil sa takot habang pinapakinggan ang malakas na radio.

[RADIO]

NEWS: "Ito ay dahil sa impluwensya ng kompanyang OPPAI Inc., sila ang number 1 sa pag gawa ng gadgets at artificial intelligent programs. At kahit nagkaroon sila ng patong patong na mga issue, sila parin ang number 1 choice ng mga tao pagdating sa gadgets at ai." sabi ng newscaster. 

Napatagal ang titig nya sa kanyang lola na may halong takot at... tumingin ulit sya sa kettle at sinabing "l-la... yu-yung aircon mo na-nakabukas pa... tat-tas naka bukas din pipi-pinto" na may halong takot. Pakiramdam nyang narinig sya ng kanyang lola dahil na-aaninagan niyang... lumungon ito.

[RADIO]

NEWS: "Ang CEO naman ng OPPAI Inc. na si Keon O. ay nagsalita tungkol sa bago nilang proyekto na-"

"iho.. ano itong mga pinagsasabi sa radyo?.. hindi ko maintindihan" patanong na sinabi ng lola sa apo nya. 

Sumagot naman ang kanyang apong nagtitimpla ng kape ngunit hindi ito lumingon at sinabing "ma-mga ano yan lal-la.. yu-yung mga gag-gadgets". May halong kaba parin ang kanyang pagsasalita. 

Napansin ito ng kanyang lola at tinanong na "oh.. bat parang ikay natatakot?". 

Lumingon ang kanyang apo at sinabing... "kasi ba naman akala ko walang tao, ang lakas ng radio, akala ko may multo!" ng pasigaw. 

Sumagot agad ang kanyang lola at sinabing "TARANTADO! BUHAY PA KO, ANG LAKAS LAKAS KO PA!". Bumalik ulit sa pag lalaba ang kanyang lola. At naisip ng apo na ("kasalanan to ng video na yun sa niknok e, dami ko tuloy naiimagine kanina pa").

Thanks for reading!

Feel free to leave a comment~

Please leave a vote as well~

Updates will be 3 to 7 days or sometimes 2 weeks...

VirtualPusacreators' thoughts