webnovel

Tabs

Nakatayo ako sa damuhan, kasama ang isang babae, medyo matangkad, nakaputi, at may hawak siyang pulang rosas, hindi ko makita ang kanyang mukha, hindi 'to horror, kaya hindi ako natakot.

"I don't know how to say this..." Sabi niya, habang nakatingin sa langit na puno ng bituin, hindi ko maisip kong kaninong boses yun, pero, namawis ako bigla, hindi ko maintindihan kung mabuti o masama ba yung gusto niyang sabihin. Pero being me, I chose to stay positive.

'Say it, just say it.' Ang mga salita na pinapaulit-ulit ko sa utak ko, mag didiwang na ba ko? Kami na ba? Kaso hindi ko agad narealize, na hindi rin pala 'to love story.

"I might fit in your puzzle, but I'm not the right piece, I can complete you, but it won't look right."

Sa puntong 'to, sinubukan kong magsalita, pinipilit ko ang sarili ko, pero wala talaga, walang lumalabas, kahit hikbi o pag-igik, wala.

Nakatayo ako sa damuhan, mag-isa, lumuluha ngunit nakangiti, pinulot ko ang pulang rosas, na tulad ko, ay iniwan niya, wala na akong magawa kundi tumingin sa taas, at humiling sa mga bituin.

I would choose any horror scene, over this, I would rather be chased by a madman, than turn into one, rather have someone make me eat knives, than eat my feelings.

Let's face it, heartbreak is one of the scariest things that a person could experience, it can't kill you, but it can hurt you... severely. I would rather die, than to experience heartbreak, too bad, it's inevitable.

*BEEP* "It's 30 minutes after five Seth, wake up." *BEEP*

Minulat ko ang aking mga mata. Panaginip. Pati ba naman sa panaginip narereject ako? Anong kalokohan 'to? Kinuha ko agad yung phone ko, at pinatay yung pesteng alarm. Ilang minuto ang lumipas, pumipikit pikit na uli ako, five more minutes won't hurt... right?

*SLAM*

Napabangon ako dahil dun sa nagbukas ng pinto, five more minutes won't hurt, but this demon could, if she wanted to.

"Matuto ka ngang kumatok!" Sigaw ko, sabay bato ng unan, syempre nailagan 'to ng magaling kong kapatid.

"I'll learn how to knock when you learn how to wake up on time, Seth!" Sabi niya, bigla siyang ngumisi. Ano nanaman iniisp nito? "MA, AYAW BUMANGON NI KUYA SETH, SABI NIYA HINDI RAW SIYA PAPASOK!" Ang sigaw nito, bago siya tumakbo nang mabilis, palabas ng kwarto ko.

"MA WAG KAYONG MANIWALA KAY ELLI, KANINA PA KO GISING!" Ang sigaw ko naman, speaking of horror stories, here's one: Si mama, during Mondays.

"ELLIANA! KUMAIN KA NA—SETH MALIGO KA NA, MALALATE KAYO, FIRST DAY NA FIRST DAY!" Sigaw ni Mama, hay, agang aga, sumisigaw na agad. It's a mystery how she manages to broadcast her voice all throughout the house, hell maybe even the neighbors could hear her.

Naligo ako't nagbihis, uniform agad sa first day, pwedeng hindi sumunod, pero syempre, kailangan ko ng good boy points. Tiningnan ko nang matagal yung sarili ko sa salamin. Hindi gwapo, hindi pangit, sakto lang, pero nowadays, okay pa rin ba ang "sakto lang"? Pero kailangan kong mag pag-gupit, I look like a caveman.

Dumeretsyo ako sa dining area, surprisingly, ako yung unang dumating, pero konti lang yung ulam. Umupo ako at kumain, since wala pa namang tao, I decided to record myself, I would write, pero ang hassle nun, tsaka mas madali kang mae-expose.

"Siri, record voice memo... voice memo, 18...zero...one. August 23, 2018... Hey, this is Seth Jase Vasyl, uh I don't know what to say, I had a nightmare, I guess you can call it a nightmare. Moving on, like I always do... today's the first day of 12th grade, didn't check the list, I know my section, not my classmates. Hopefully, they don't dislike me the moment they see me, you know how people are... one, two, voice memo over."

"Sir, tara na po, kanina pa po kayo hinihintay ni Ma'am Elli."

Lumingon ako, at nakita ko si Manong Rey, driver namin, he's been our driver ever since the incident that happened a long time ago... wait, kanina? Ha? Diba ako yung unang dumating dito? Anong oras na ba?

*BEEP* It's six o'clock in the morning Seth, hurry the f--- up *BEEP*

"Sir!" Pumalakpak si Manong ng isa, para mukaha niya ang attention ko.

"Ay oo sige, kuya, susunod na 'ko mag toothbrush lang ako."

Pag dating ko sa labas, nakatayo si Elli sa harap ng kotse, magulo ang buhok, namumula, at medyo nauutal. Kasama niya yung best friend niya, at syempre yung crush ko na si Kaydence. Mag ka-batch kami ni Kaydence, pero mas close niya si Elli, dahil sa banda nila. Nilapitan ko sila, at agad binuksan ni Kaydence yung pintuan ng kotse.

"O, ano nanaman sinabi mo?" Tanong ko, ngumisi si Kaydence, at tumingin kay Elli, na lalong namula.

"Wala ka na don." Sagot niya, bago humalakhak ng napakalakas. It's one of the reasons why I like her, she isn't afraid to look stupid.

"Dun ka sa gitna namin." Utos ni Elli, nanamumula pa rin. Hayst, ano nanamang kabalastugan ang kinwento ni Kaydence? I'll never find out.

"Sir, okay lang kayo dyan?" Tanong ni Manong Ray, tumango na lang ako, alangan naming sabihin ko na hindi, edi nasigawan ako ni Elli, at least katabi ko si Kaydence ngayon.

The car ride going to school was awkward, Elli kept elbowing me because she was trying to tie her hair, and Kaydence was just smiling. Nag-aaway siguro tong dalawang 'to, dapat tinatalian ni Kaydence si Elli, ako pa tuloy yung nasasaktan.

"Ah, hindi pala ko sasabay mamaya." Sabi ni Kaydence bigla, tiningnan lang namin siya ni Elli. "I have important things to do."

"What important things?" Tanong ni Elli, huminto na yung kotse, at bumaba na si Manong Rey.

"Wala ka na don." Sagot ni Kaydence, bago siya bumaba, at naglakad mag-isa papunta sa school. Tiningnan lang siya ni Elli, usually, hahabulin niya si Kaydence at babatukan, pero ngayon...

"Hoy, tama na titig, malalate ka na." Sabi ko, hinila ko palabas ng kotse si Elli, pero parang wala nang gana 'to gumalaw, wala pang isang oras sa school nanghihina na agad. "Ano ba nangyari sa inyo?"

"Wala ka na don." Ang mahinang sagot ni Elli, tumigil ako, hindi siya nakangisi, the last time I saw her like this was...

*BEEP* First period in ten minutes *BEEP*

"Hindi tayo aalis dito— Elli?" Pag lingon ko, wala na si Elli, nakatakbo na siya papasok ng school, iniwan nanaman ako, ano ba yan, kahit kapatid ko iniiwan ako.

Try lang muna, is it too short? Too long? I'll update if someone reads this, kahit isa lang--aside from myself, and my friends. I'll write for you. Share your thoughts, yeah? I'm not used to writing in Filipino, but I am trying. Weee, should I continue writing in English?

Zitellacreators' thoughts