webnovel

SECOND

Shan

Medyo madilim na nung mag desisyon akong bumalik sa House na tinutuluyan ko .

Nanatili ako sa isang malaking puno sa isang secluded forest na nasa likod ng pinakadulong building ng Academy na to

Naglakad lakad lang ako kanina nang makita ko yun na nasa liblib na lugar kaya dun ko na naisipang magtambay muna habang pinapalipas ang oras ..nakakapagod rin kasi ang paulit ulit na pagtakbo sa loob ng apat na oras na hindi gumagamit ng kahit na anong kapangyarihan para daw lumakas ang stamina namin .

Kakapasok ko lang ng makita ko kaagad si Luigi

"Nandito kana pala ,kanina pa kita hinihintay " sabi niya sakin habang seryosong tinitingnan ang isang bato ..

Hindi ko na siya sinagot at dumiretso nalang sa kwarto ko pero sumunod siya sakin ,at nakita kong binigay niya kay Neon ang bato.

"May mahalaga tayong pag uusapan kaya humingi ako ng permiso sa lider natin na lalabas muna tayo para walang sinuman sakanila ang makarinig , kamahalan " sabi niya sakin ng sabayan niya ako sa paglalakad papunta sa kwarto ko .

Tiningnan ko muna siya ng ilang sandali .

" sige , magpapalit lang ako sandali,hintayin mo nalang ako sa labas " sagot ko sakanya

Mabilis akong nagpalit ng damit at lumabas na , nakita ko siyang nakaupo at parang may malalim na iniisip .

Mabilis siyang tumingin sakin nung makita niyang naglalakad na ako palapit sa kanya

" halika na kamahalan "

Hinawakan niya ang kamay ko at sa isang iglap lang nandito na kami sa isang silid na hindi ko alam kong saan,wala kang makikitang kung ano kundi ang itim at apat na sulok ng silid na ito

"Isa itong madilim na dimensyon ng mundo natin ,kung titingnan mo isa lang itong silid pero napakalawak nito kamahalan.wala itong hangganan.Sa lugar nato walang makakarinig sa pag uusapan natin kahit ang makapangyarihang nilalang na andito" pag uumpisa niya

"Ano bang mahalagang pag uusapan natin ang sinasabi mo ?"

hindi ko mapigilang itanong sakanya

" Hayaan mong kwentuhan muna kita kamahalan."

"Mahigit 40 taon na ang nakakalipas nang magkaroon ng huling malaking digmaan ang ating mundo kamahalan , nasa ika-dalawampung taong gulang noon ang Reyna na si Queen Tatiana ngunit gayun paman siya na ang namumuno sa mundo na to at kasabay noon ang pagtatag niya sa paaralan na Precious Academe sa pamumuno ng Ephria..Subalit kalauna'y

Umibig siya kay Remus , isang nilalang na nagtataglay ng pambihirang lakas at kapangyarihan , at di naglaon ay biniyayaan sila ng supling , si Prinsesa Ciara .

Si Queen Tatiana ay tumalikod sa kanyang tungkulin bilang reyna na naging dahilan ng pagkakaroon ng sigalot dito sa Ephtermia , ang mundong ginagalawan natin

Ito ay dahil sa pag ibig niya kay Remus,

nag alsa ang mga taga Okalius , sila ay mga alagad ng reyna na kabilang din sa malalakas na grupo ng Ephtermia

Mismong ang kanang kamay ng reyna na si Hindaru ay nagtraydor sa kanya at pinabagsak siya .Nawala sa trono ang reyna at pinalitan ni Dilfeur , ang pinuno ng mga taga Okalius

Tatlong taong gulang na si Princess Ciara , nang matapos ang hidwaan na tumagal ng dalawang taon , kasabay ng muling pagbawi sa kaharian ng Ephtermia at muling pagbalik sa pamumuno ni Reyna Tatiana

ngunit kasabay naman nito ang unti unting panghihina ng reyna ..

Huli na nang malaman nilang unti unti pa lang nilalason ni Remus ang kanyang asawa,at pilit na kinukuha ang kapangyarihan nito ..pati na ang buong hukbo ng reyna ..

Kasabay rin ng rebelasyong siya pala ang utak ng rebellion

Limang taon ang prinsesa nang tuluyang mamatay ang kanyang ina , ngunit naging matatag siya at malakas .Nagsanay siya ,at nag aral araw at gabi sa ilalim ng gabay ng limang lider ng lima sa mahahalagang sangay ng kaharian , ang Celestia , Ignisia, Aquamia , Terraria at Aeromia.

Sa edad na sampo ,tuluyan nang napa

sailalim ng kapangyarihan niya ang buong kaharian ng Ephtermia .

Sa edad na labing walo tuluyan siyang naging reyna .

Naibalik sa ayos ang buong kaharian sa pamumuno niya ..

Naging isang malakas at karapat dapat na reyna at lider siya ng lahat .

Binubuo ng dalawang pangkat ang kanyang alagad na pumoprotekta sa bagong reyna , ang hukbo sa liwanag na pinamumunuan ni Sir Timothy at hukbo sa dilim na hindi kailanman nalaman kung sino ang namumuno.

Sumapit ang ika dalawampu't limang kaarawan ng mahal ng reyna ,at bilang paghahanda sa susunod na tagapag mana ang reyna ay nagpakasal sa isang Ephter mula sa angkan ng Ghashiyam.

Sila ang angkan na karapat dapat na maging katipan ng reyna .

Nagluwal ang reyna ng sanggol na pinangalanang Kiana, si Princess Precious Kiana Williams

Naging mabuting ina ang reyna at mabuting asawa at higit sa lahat mabuting pinuno ngunit sa pagsapit ng ikaapat na kaarawan ng prinsesa ,isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap .

Lumusob si Remus , ang ama ni Reyna Ciara ngunit tanging ang asawa lamang nito na si Adam ang nakuha

Hindi naging handa ang kaharian sa paglusob na ito kaya marami ang nasawi at binihag kabilang ang mismong asawa ng reyna

Isinailalim ni Remus si Adam sa isang napakalakas na itim na mahika na unti unting lumamon sa katinuan at buong pagkatao nito ..

Naging kampon ni Remus si Adam

Isang taon makalipas , muling lumusob ang pangkat ni Remus kasama si Adam

Hindi matanggap ng reyna ang sinapit ng kanyang asawa ganun din ng mga Ghasiyam kaya lumaban sila , hindi ito tinaguriang malaking digmaan dahil dalawang araw lang ang itinagal nito.

Namatay si Remus

Sa kamay ng sarili niyang anak , sa mga kamay ng Reyna Ciara .

Akala ng lahat doon na magtatapos ngunit nagkamali sila

Si Adam ,ang nagtataglay ng pinakamalakas ng kapangyarihan sa pangkat ng Ghasiyam ay tuluyan ng nilamon ng kapangyarihan ni Remus

Si Remus na ang naninirahan sa katawan ni Adam dahil sa ritwal na ginawa nito dahil alam niyang papaslangin siya ni Reyna Ciara ngunit hindi ang asawa nito ,kaya ipinagpalit niya ang kanilang kaluluwa ,kaya ibig sabihin

Namatay si Adam , siya ang napatay ng reyna at hindi si Remus

Sinisi ng reyna ang sarili niya sa nangyari

At kasabay noon ang pag talikod rin niya sa kanyang trono at tungkulin sa buong kaharian

Dahil sa Labis na hinagpis at kalungkutan nilisan ng mahal na reyna ang mundo ng Ephtermia kasama ang prinsesa

Labis na ikinagalit ng buong Ephtermia ang ginawa ng reyna na pagtalikod sakanila ngunit wala silang nagawa

Bagamat muling nanumbalik ang kapayapaan sa lugar na to

Muling nagbabalik naman ang lakas ni Remus

Sa pagsapit ng ikalabing limang taon na pamamahinga niya matapos ang huling laban nila ng reyna Ciara,siya ay muling lalakas ,

Ayon sa propesiya , tanging ang nag iisang prinsesa na tagapagmana na nagtataglay ng pambihirang kapangyarihan ang tanging makakapatay sa matagal na natulog na kapangyarihan ni Remus na nasa katawan na ngayon ni Adam ..

At kasabay nun , ang limang tagapag mana ng mahahalagang sangay ng Ephtermia ay gaganap ng mahalagang tungkulin bago pa man sila isilang , at iyon ay ang paglingkuran ang prinsesa at maging instrumento para maisakatuparan ang kanyang tungkulin

At ikaw Shaninah o Prinsesa Kiana ay ang prinsesang iyon

At ako ,si Luigi Alferez mula sa sangay ng Celestia ay buong pusong nanunumpa na paglilingkuran kita hanggang kamatayan."

Labis na nagpakaba sakin ang huling sinabi niya

"P-paano ...."

Hindi ko halos maituloy ang gusto kong sabihin dahil sa sobrang pagkabigla .

"Kamahalan ,isang taon bago ka pa man isilang ,ipinanganak ako ng aking ina ,at ako ay nakatakda na maging alagad na ninyo .Apat na taon ka ng magkita tayo ay batid ko na ang tungkulin ko ,nararamdaman kita kamahalan.May koneksiyon na nakakabit sa pagitan nating dalawa kung kaya't naging madali para sakin na malaman ang totoo mong pagkatao kahit tinatago mo ang totoo mong mukha at pangalan "

Sabi niya pa sa akin

Hindi maaaring may makaalam sa tunay kong pagkatao, walang pwedeng makaalam.

"Huwag kayong mag alala ,hindi makakalabas kanino man ang tunay na ikaw kamahalan ,kung iyon ang nais niyo "

Nabasa ba niya ang isip ko? Akala ko ba hindi siya makakabasa ng isip?

Napatawa ito .

"Bilang alagad niyo o sentinelle ninyo kamahalan ,kaya kong basahin ang inyong isipan .Iyon ang isang espesyal na abilidad na aking tinataglay ,tanging ang isip mo lamang mahal na prinsesa ang aking pwedeng basahin nang sa gayon malaman ko ang utos niyo kahit sa isip ko lang .

Hindi ko mapigilang maniwala sa kanya .Kilala niya ako , ang tunay na katauhan ko ,

Hindi ko alam kong matutuwa ba ako o kakabahan sa maaaring mangyari

" Ang ibang sentinelle ko paano nila ako matatagpuan ? tanung ko sakanya

"Sa oras na lumabas kayo kamahalan at sabihing kayo ang prinsesa ,doon lamang sila mag aalay ng kanilang sarili bilang inyong lingkod " sagot niya sakin

"Kung ganun bakit ikaw nalaman mo kaagad ?". tanong ko ulit sa kanya

" katulad ng sinabi ko kamahalan konektado tayong dalawa, lumalakas ng sobra ang kapangyarihan ko ,na ramdam na ramdam ko dahil sa pagdaloy nito sa katawan ko , bagay na una kong naranasan ng una tayong magkita .Halos mawalan ako ng ulirat noon mahal na prinsesa kaya tiningnan ako ng iyong inang reyna ,at doon napag alamang ako at ikaw ay may kakaibang pisi na nag uugnay sa ating dalawa.Dahil na rin sa marka na binigay niyo , mas lalo ko na kayong nararamdaman ngayon kamahalan.Malalaman ko kung nasa peligro ba kayo o ligtas kayo kamahalan , oras na may mangyaring masama sa inyo sasakit ang kamay ko na may marka at kung sakali man na mamatay ka , mawawala ang marka na to .Ngunit hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa inyo kamahalan.'

"Pag nawala ang marka na yan ,anung mangyayari sayo ?

Matagal muna siyang tumitig sakin bago nagsalita

" ibig sabihin nun , kaunti na lang ang natitira kong buhay ..Unti-unti akong manghihina sa paglipas ng mga dalawa o tatlong taon ,at hindi maglalaon , mamamatay rin ako .." sagot niya

Hindi ako makapaniwala

"B-bakit ? Bakit mo pa ginawa yun kung ganun ? Pwede mo naman siguro akong pagsilbihan nang hindi kita minamarkahan diba ?

Hindi ko alam pero nalungkot akong isipin na maaaring may mapahamak dahil sakin .

" karangalan para sakin ang mapagsilbihan ka kamahalan , bata pa lang tayo hinintay ko ang pagkakataon na to ,ang muli kang makatagpo.Ano man ang mangyari masaya ako dahil magkakaroon din ako ng silbi dito sa mundo kaya wag kang malungkot prinsesa dahil nararamdaman ko ang labis mong kalungkutan ngayon " sabi niya sakin

Tiningnan ko lang siya at mabilis ring iniwas ko ang tingin

Ngumiti lang siya ,

"Nakakamiss makita ang tunay niyong mukha kamahalan" sabi niya matapos ang ilang saglit na katahimikan

"Kung totoong nakita mo na ako ,anong itsura ko ? panghahamon ko sakanya

" kulay pilak ang buhok niyo kamahalan, may bilugan kang mata na may kulay asul at kulay pilak sa paligid nito ...matangos ang iyong ilong ,at hugis puso ang inyong mukha ,may dalawa ka ring biloy sa magkabilang pisngi " nakangiti siya habang sinasabi yun

At isa lang ang masasabi ko

tama siya

Ibig sabihin totoo ang lahat ng sinasabi niya ?

Hayyy!

" tayo na kamahalan, bumalik na tayo dahil malalim na ang gabi "

Napukaw ang pag iisip ko nang magsalita siya ...

Tumango lang ako at hinawakan niya ang kamay ko

Pagtingin ko sa paligid nasa ,Bahay na ulit namin kami ngayon ..

At may mga matang nakatingin samin

partikular sa magkahawak naming kamay

kaya mabilis na bumitaw si. Luigi

"Magpapahinga na ako " sabi ko sabay talikod papunta sa kwarto ko .hindi ko na hinintay ang sagot .

Nakakapagod ang araw na toh !

Nahiga ako sa kama at mabilis nang nakatulog