webnovel

EIGHTH

THIRD PERSONS POV

Seryosong nakatingin lang si Shan ngayon sa pamilya ni Dale

Wala ni isa ang nagsalita

Pero nabasag ang katahimikan ng may pumasok na batang babae

"Ina ? Ama?" sabi nito ngunit may nakaalalay sakanyang dalawang babae

"Bakit ka lumabas ng iyong silid ,mahal ko ? " tanong ng ina nito

"Narinig ko po kasing nandirito si Kuya .'Nasaan po siya ,Ina ?" sabi nito sa mahinang boses ngunit napakalambing

Nagtaka naman si Shan dahil

Katabi lang nito si Dale bakit hindi niya alam

Tumingin ang prinsesa kay Dale at nakita niya ang lungkot sa mata nito

"Nasa tabi mo siya anak " sagot ng ina nila

Napangiti naman ang batang babae ,ngunit malungkot na ngiti

"G-gusto ko po siyang makita " sabi nito

"Manghihina ka anak ,kaya wag nalang muna ,may gusto ka bang sabihin sakanya tiyak na makikinig siya ?" sabi ulit ng ina nila

Napailing iling lang naman ang batang babae ngunit may tumulo nang luha sa kanyang mata

Ano bang nangyayari ? Tanong ni Shan sa isip niya

Tumingin sa banda niya ang bata

Mabilis nitong pinahid ang luha niya at ngumiti kay Shan

"Sino siya ina ? tanong nito habang nakatingin sa prinsesa

" Panauhin siya ng iyong kapatid " -Ina nila

Lumapit ng dahan dahan ang batang babae at hinawakan ang dalaga

Nagulat ito sakanya dahil nakaramdam ito ng panghihina

" Bitawan mo siya anak , " sabi ng Ina niya

"Bakit ina ?" tanong naman nito

" dahil- dahil ,nilalason mo ang katawan niya " mahinang sambit ng ina nito

Parang takot naman na binitawan ng batang babae ang dalaga

"P-patawad , hindi ko alam,hindi ko sinasadya,ngunit paano ? Hindi naman kita kadugo o kamag anak hindi ba ? " parang naiiyak nitong turan

Maging si Dale ay nagtaka rin

Dapat walang maging epekto kay Shan dahil hindi naman nila ito kadugo pero bakit nanghina ito ?

Sa isip naman ni Shan , may mga katanungang tumatakbo

Bakit ganito ? Isinumpa ba siya ?

Huminga siya ng malalim at pumikit

Nanumbalik ang lakas niya

Inarok niya ang nakaraan ng bata

Isa nga siyang isinumpa

Hindi niya makikita ang kapatid

Hindi niya pwedeng hawakan ang pamilya niya dahil mamatay ang mga ito

At unti unti nang kinakain ng itim ang katawan niya

Malapit na siyang maging ganap na

Dark phentrix

Kung hindi siya matutulungan na makalaya sa sumpa

Isa siya sa magiging malakas na kaaway

At siya mismo ang papatay sa buong pamilya niya

Pati na sa buong Ignisia

Nagimbal ang prinsesa sa nakita

Iminulat niya ang mata

Nakatingin sila lahat sakanya

"Anong nangyari kamahalan ? tanong ni Dale dito

Nanlalaki lang ang mga mata nito na nakatingin sa kapatid ni Dale

Paano ?

Paano ko mapipigilan ang lahat ng iyon ? tanong nito sa isip nito

" May problema ba kamahalan ? " tanong ng Ina nila Dale

"Kailan pa ? " tanong niya

Napakunot noo sila sakanya

" kailan pa isinumpa ang anak niyo? " tanong nito

" Isinumpa ? Anong sinasabi niyo kamahalan ? Si Lara ay nagkaroon lamang ng malubhang karamdaman ng pitong taong gulang siya ,at apat na taon na ang nakaraan mula ng mangyari iyon " si Dale

"Hindi isang simpleng karamdaman lang ang meron siya " sagot naman nito

"Ngunit iyon ang sinabi ng pinakamagaling na manggagamot sa buong Ephtermia , bawal siyang lumapit kay ama at ina ,hindi naman niya ako makikita pero pwede siya sa ibang tao hanggat hindi namin siya kamag anak" - Dale

May duda na ang prinsesa pero ngayon napatunayan na niya iyon

"Sino ang manggagamot na tinutukoy mo ? Gusto ko siyang makaharap ngayon " sabi nito

Nagtataka lang sila na nakatingin pero mabilis ding iniutos ng ama nila na ipatawag ang manggagamot

"Ano bang nangyayari kamahalan ?- Dale

" Hayaan mo ang kamahalan ,Dale" - ama nila

Ilang minuto ang lumipas ng nag bukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki

May katandaan na siya

Ngunit batid ang malakas na enerhiyang nilalabas niya

" Magandang araw pinuno ,ako daw ay pinatawag ninyo pero ako ay nagtataka dahil nanggaling na ako dito kahapon ,may nangyari ba ? sabi nito

"May panauhin kami na gusto kang makaharap " sagot naman ng ama ni Dale at itinuro ang prinsesa

"Ano bang maipaglilingkod ko sa inyo binibini? tanong niya

Tumingin muna ang dalaga sa paligid

" Maaari niyo po bang palabasin muna ang ibang tao na narito maliban sa buong pamilya niyo ? tanong nito sa ama ni Dale

Tumango naman ito at sumenyas ,naglabasan sila lahat

Maliban sa kanilang anim

"Ginoo ,nag papasalamat ako sa pagdating niyo

Ngunit may mahalaga akong katanungan na gusto kong sagutin niyo ng tapat " sabi nito

Pero ipinulopot nito sakanya ang isang tali

Sa buong katawan niya

"Napakahiwaga ng tali na yan , isang maling salita mo lang ay pwedeng magpahina sa kapangyarihan mo at kapag patuloy ang hindi mo pag sasabi ng totoo ikamamatay mo iyon ' paliwanag pa nito

" ano bang ibig sabihin nito ,binibini ? Parang naguguluhang tanong ng manggagamot kaya napangisi na lang ang dalaga

"Apat na taon ang nakakaraan ,dinapuan ng malalang sakit ang batang iyan "sabi nito sabay turo sa kapatid ni Dale

Tahimik lang ang mga magulang niya

" at ikaw ang gumamot sakanya " dugtong pa nito

"Ako nga binibini ,ngunit ano ba talaga ang pinupunto niyo ?" saad naman niya

" Gusto kong sabihing imbes na gamutin ,siya ay iyong isinumpa .Apat na beses sa isang buwan kung bumalik ka para tingnan ang kalagayan niya "

" ano bang sinasabi mo ? Masama ang magbintang ng ganyan kalaking bagay ! " tila parang galit na sambit nito

Pero walang emosyon lang siya na tiningnan ng prinsesa

" apat na taon ang nakakaraan , ikaw ay wala ng kakayahang manggamot ngunit ipinilit mo ang sarili mo na ikaw ang tumingin sa batang ito

Kapalit ng pagbibigay mo ng sumpa sakanya ay ang walang humpay naman na kapangyarihan ang kapalit na nakuha mo

Apat na araw sa isang buwan , dinadalaw mo siya upang higupin ang enerhiya niya sa katawan

Ikaw ang nag bebenipisyo ngunit siya ang nagdurusa .

Ngayon sagutin mo ako

Sino ang nag utos sayo na gawin ang bagay na yun ? " tanong ng prinsesa

" Wala akong alam sa sina sabi mo !" Sigaw ng manggagamot

Pero biglang nagliwanag ang tali na nakapalibot sakanya

"Ahhhhhhh!" Sigaw niya

"Sinabi ko sayong wag kang magsisinungaling Ngayon magsabi ka ng totoo "

"Wala nga akong alam sa sinasabi mo !" Sigaw niya ulit pero napasigaw siya ulit dahil sa sakit

" Hmm, ang tigas mo rin nuh ? May sikreto akong sasabihin , alam mo bang may kakilala akong kakilala mo sa akademya

Maganda siyang babae , maputi parang nasasabik akong paglaruan siya

Tiyak baka siya may alam

Kaya siya ang pipilitin kong magsalita" sabi nito habang nakangisi

"W-wag ! Parang awa mo na ! Wag siya ! Wala siyang alam ! " parang nanghihina namang pakiusap ng manggagamot

"Kung ayaw mong galawin ko siya magsalita ka " saad nito

"N-nasa akademya siya ,ang nag utos sakin na isumpa ang bata ,pero tauhan lang din siya , meron sa konseho ng - ng Ignisia isa , tapos sa Aquamia d-dalawa sila at sa Terrania ,isa din ,y-yun lang ang alam ko ,pero tauhan lang din sila ,h-hindi ko alam kong sino ang pinuno " sabi nito na umiiyak

"P-parang awa mo na k-kung sino ka man at nalaman mo ang totoo, iligtas mo ang anak ko, w-wala siyang alam sa lahat ng ito

Inosente siya " sabi nito

Hindi umilaw ang tali ibig sabihin totoo ang sinabi niya

Napaisip ang prinsesa

Sinu-sino ang mga iyon ?

Pero nagulat nalang sila ng galit na nagsalita si Dale

"Bakit ang kapatid ko pa ? Bakit siya pa ang napiling isumpa ?! " - Dale

Nagulat ata si Lance kaya biglang umiyak ito , tila natauhan naman si Dale na may hawak pala siyang bata kaya kumalma ito

"Sorry baby ,nagalit lang si Dada , ssshhhhh tahan na " sabi nito kay Lance

Mabilis namang tumigil sa pag iyak ang baby at isiniksik nalang nito ang ulo sa leeg ni Dale

Nakatingin ang lahat kay Dale pero wala siyang pakialam dahil pinapatahan niya ang anak niya

Bagamat nanghina si Cassandra sa natuklasan na nangyayari sa bunso , hindi pa rin niya mapigilang mapangiti ng makita niya ang panganay na anak karga ang anak nito ,hindi niya akalaing sabay na makikita ng dalawa ang anak nila pero masaya siya na malungkot

At nag aalala lalo na't may traydor pala sa kasamahan niya

"Dale , " sabi ng dalaga

Napatingin naman sakanya ang mga magulang nito

"Kailangan matanggal ang sumpa sa lalong madaling panahon bago pa mahuli ang lahat " seryosong saad nito

" Anong dapat gawin ?" - ama

"Pakiusap tulungan mo ang anak kong makabalik sa dati " naluluhang pakiusap ng ina ni Dale

Bagamat naguguluhan ang prinsesa dahil nag dadalawang isip siya na tumulong

Napatango pa rin siya

Sa isip niya

Ito ang unang hakbang ko sa paghahanap sa mga taong pumatay sa mommy ko

______