webnovel

Platonic Hearts

Meeting her was DESTINY… Becoming his boon companion was a CHOICE… But falling in LOVE with each other was out of CONTROL… Haley Miles Rouge and Reed Evans loved each other but their love is kind of platonic… They don’t realize that they’ve been ignorant of the magic that pulls the beauty of one other and heed the attraction they felt to each other. Love is never as painless as sharing the same track kaya hindi rin nila alam kung pa’no nila ito sisimulan. For them, mas kumportable sila na magkaibigan lang pero lagi silang magkasama. But what if one day, may isa sa kanila ang sumuko para mahanap ang totoong kasiyahan? Will their reach their love or this will be the downfall for the both of them?

Yulie_Shiori · Urbain
Pas assez d’évaluations
52 Chs

Caleb’s Route XI - Tender

Chapter 47: Caleb's Route XI - Tender 

Haley's Point of View 

  Sa canteen pagkatapos na pagkatapos ng klase ay pasimple kong sinusundan si Caleb kasama ang mga kaibigan niya na kumakain sa isang table. Iniwan ko sila Claire sa classroom dahil sabi ko bet kong kumain mag-isa pero heto't nakasunod pa rin sila sa akin at sinasamahan ako sa Operation: Tailing Mr. Caleb and Find His Problem. 

Lame title, wala na kasi ako maisip. 

  'Tapos kasama pa 'tong bruhang si Aiz. Bakit nandito rin 'to? 

 

  "Ghaad, isusumbong kita kay Jin. Ang creepy mo, nakakapagtaka bakit pati siya nagkakagusto sa isang tulad mo. Jin--" Tatayo na sana si Aiz sa pinagtataguan namin sa may makapal na poste nang kunin ko pahila ang buhok niya para ibalik siya sa puwesto niya. 

 

  "Subukan mo, papakainin kita ng ipis sinasabi ko sa'yo." Babala ko tsaka humalukipkip si Rose. 

  "Hindi siya nagbibiro, alam mo bang pinakain niya ng ipis 'yung mga maton sa kanto? Grabe kawawa nga." Pakikisabay ni Rose sa biro ko. 

 

  "Sinasabi ko na nga ba demonya ka! Ji--" Tinakpan ko ang bibig niya at muling tiningnan si Caleb. 

  Uminum sa Coffee in a box si Claire. "Bakit hindi mo na lang siya kausapin nang diretsyo?" Tanong niya sa akin. "Kaysa 'yung kung anu-ano iniisip mo diyan." 

  Naglayo ako ng tingin. "Kung may problema siya, bakit hindi siya 'yung dumiretsyo sa akin?" Tanong ko bago alisin ni Aiz 'yung kamay ko sa bibig niya. 

  "I can't believe you, alam mong may concern ka pero nagpapaka pride ka pa rin?" Tanong niya at inirapan ako. "No wonder bakit hindi kayo nagkatuluyan ni Reed." Napaurong ang ulo ko sa biglaan niyang pagbanggit kay Reed. 

  Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit siya nabanggit?!" 

  "Emotional. Damage." Ginaya pa ni Rose 'yung tono nung nakita niyang meme nung nakaraan sa social media kaya siya naman itong sinabunutan ko. 

  Nagkibit-balikat siya at bumuntong-hininga. "Kapag may gusto kang sabihin o iparating sa tao, walang problema kung kinakailangan mong maging aggressive para lang malaman mo 'yung nararamdaman ng tao." Umismid siya. "Pero dahil tanga ka, hindi mo 'yon gagawin kasi ang pangit pangit mo." 

  Napa-bored look ako habang napangiti nang pilit si Rose. 

  "Okay na sana 'yong first part, eh." 

  "Ilang taon ka na ba?" Tanong ni Claire na may blankong tingin. 

  Wala lang akong sinabi pero napatingin ako sa harapan noong kalabit-kalabitin ako ni Rose. "Huy, paalis na!" Aniya kaya napatayo ako bigla mula sa pagkakaluhod ng isa kong paa. I want to talk to him but! 

  Umawang-bibig ako dahil akma ko siyang tatawagin pero hindi ko tinuloy. "Girl, walang pasok tomorrow at wala na tayong klase. Baka gusto mong gumalaw riyan?" Walang ganang tanong ni Aiz pero palihim lang akong napakagat labi. Bakit ba kasi sinama-sama ni Rose 'tong babaeng 'to, eh. 

  Ramdam ko 'yung titig ni Claire sa akin nang bigla niya akong binigyan nang kaunting push. 

  Napaabante ako nang kaunti bago ko siya dahan-dahang nilingunan. 

  Tinanguan niya ako na animo'y sinasabing sundan ko na si Caleb. 

  Totoo nga ang sabi nila. Ikaw lang tutulong sa sarili mo pero minsan, kailangan mo rin ng moral support ng ibang tao para ma-push ang sarili mo na tulungan ang sarili. Kahit pa na in a simplest way nila ginawa iyon. 

  "Hmm, mukhang determinado ka na." Taas-noo na nagpameywang s Rose matapos niyang tumayo. "Kung ganoon. Gawin mo 'yung sinabi namin sa'yo, ha?" Ngisi ni Rose dahilan para mamula ako dahil naalala ko nga 'yung binigay niyang advice. 

  "I won't do that, you idiot!" Bulyaw ko kaya kaliwa't kanan na lumingon si Aiz sa amin. 

  "What are you guys talking about?" Curious na tanong ni Aiz bago ako naglakad nang kaunti. Pero binigyan ko rin nang panandaliang sulyap sina Claire bago sila tanguan tsaka sinundan si Caleb na nauna na pala. 

  Na amaze nga ako kasi ang bibilis nilang maglakad tipong hindi ko na sila naabutan. Saan kaya sila dumaan? 

  Tanong sa isip bago ko pinag desisyonan na I-take ang hagdan. Nagmadali pa ako dahil baka mamaya, hindi ko na makita. Eh, ayoko na rin namang ipagpabukas. 

I don't want to repeat the same mistake. 

  Wala pa rin kasiguraduhan kung ano 'tong nararamdaman ko pero isa lang ang masasabi ko. I don't like how he acts right now because… 

  Napahawak ako sa aking dibdib. It's aching right here. 

  "Ngh." 

 

  I'm used to him pestering me but I found it reassuring. 

He was always there without me asking, and before I realize it. Hinahanap hanap ko na siya bawat segundo, I'm always waiting for him in front the gate and after school. 

Simply smiling with his corny jokes, kickin' his butt to cover up my embarrassment. 

  So, I don't want to waste this opportunity to confront him. 

  Nakatuntong na ako sa isang palapag, hoping that I can find him here. 

Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko sa hindi kalayuan si Caleb at nagpapaalam na ro'n sa mga kasama niya. Mukhang uuwi na rin siya. 

  Sabi ni Claire wala naman silang practice ngayon kaya baka diretsyo na siya sa condo niya. 

  Naglakad na ulit siya habang sumunod lang ako sa kanya, naghahanap ako ng magandang tiyempo na kausapin siya. 

It'd be weird kung magkakaroon kami ng eksena na maraming tao kaya gusto kong makahanap ng magandang oras para makausap siya na kaming dalawa lang. 

  Edi ayain mo na lang siya sa isang lugar para hindi ka magmukhang tanga riyan na nakasunod sa kanya nang palihim. 

  Pakikipag-usap ko sa sarili ko kaya napahawak ako sa aking ulo at umiling nang kaunti bago ko binilisan ang lakad upang abutin siya. 

"Caleb!" Tawag ko sa pangalan niya kaya huminto siya at lumingon sa akin. 

  Nakaramdam ako nang pangangamba pagkatapat ng tingin niya sa mata ko, at sa sobrang nerbyos ay kinuha ko ang kamay niya at hinila siya. "Come with me." Nagpahila siya sa akin at hindi nagtanong kung saan ko siya dadalhin. 

  Pero habang iginigiya ko siya sa kung saan, nandoon 'yung malakas na pagtibok ng puso ko sa kaba. Kinakabahan ako! Ano ba 'tong ginagawa ko?! 

  Hiyang hiya ako! Pero hindi! Alangan namang umurong pa ako! 

  Dinala ko siya sa rooftop kaya binitawan ko na ang kamay niya na hawak-hawak ko. 

 

  Huminga ako nang malalim bago ko siya harapin na nanatili pa ring nakatitig sa akin. "Bakit iniiwasan mo 'ko?" Panimula ko. "Pagkatapos mong sabi-sabihin sa akin na hihintayin mo ako? Na gagawin mo 'tong mga bagay bagay para lang mahulog ako sa 'yo bigla ka na lang aarte na parang hindi mo ako kilala? Ilang araw mo na akong ginaganyan? Kapag kakausapin kita, bigla bigla mo na lang akong tatalikuran at magmamadali na umalis. May problema ba tayo?" 

  Nakita ko ang panlalaki ng mata niya at alam ko kung bakit kaya muli akong huminga nang malalim. 

  "I know I'm being selfish pero mahirap ba sa 'yo na sabihin sa akin na ayaw mo na at pagod ka na?" Pagkatapos kong tanungin 'yan, bigla niyang nilingon ang ulo niya sa kung saan. Animo'y tinatago ang reaksiyon kaya iniisip ko na baka guilty siya. 

  Tumungo ako nang kaunti. "I'm sorry, I shouldn't be saying this to you but--" 

  Bigla siyang natawa kaya napahinto ako't napaangat ang tingin. 

Naguguluhan sa biglaan niyang pagtawa. 

  Kumunot-noo ako. Kung anu-ano rin iniisip ko na baka kako mamaya kaya siya tumatawa kasi nagmumukha akong tanga na umaasa sa kanya. 

  Teka, umaasa? 

  "Hindi ko na alam gagawin ko sa'yo." Kinuha niya ang pulso ko at hinila ako papunta sa kanya. 

  "Wai--Mmh!" Before I even finish what I'm saying, he already kissed me. 

 

  May nagbukas ng pinto tsaka lumabas ang isang estudyante. Pareho kaming napatingin ni Caleb doon gayun din 'yung isang babaeng estudyante na natulala sa amin. 

  Ta's mabilis na lang din siyang pumasok ulit kasabay ang kanyang pagsara ng pinto. "Sandali! Huwag kang magsusumbong sa principal!" Sigaw ko tsaka ko inis na tiningnan si Caleb. "Bakit ba nanghalik ka nanaman?! Pagkatapos mong mang ghost--" Tinulak niya ako sa pader na nasa tabi ng pinto. Napapikit ako pero iminulat din para makita siya. 

  "I'm sorry, ang saya lang sa pakiramdam na narinig ko 'yung mga salitang 'yon galing sa'yo." Ngiti niyang sabi sa akin at tukoy niya sa mga pabato kong salita kanina. "And you're so cute, I can't help but kiss you." Sabay hawak niya sa baba (chin) ko para umangat pa ang tingin ko sa kanya. Sandali akong hindi umimik. He's always like that pero feeling ko hindi ako masasanay. 

  Nagdikit ang kilay ko. "Pinaglalaruan mo ba ako?" 

  Naramdaman ko ang paglabas ng hangin mula sa kanyang ilong bago niya ako binigyan ng matamis na ngiti. "Mahal kita, sobra." 

  "Then why are you avoiding me? I thought you're already tired." 

  Humagikhik siya bago ibinaba ang kamay na nakahawak sa baba (chin) ko. 

Nalungkot siya. "Sorry, hindi sa iniiwasan kita," Humawak siya sa batok niya. "Pero siguro ganoon na nga rin?" Parang hindi niya siguradong tanong kaya sinipa ko ang tuhod niya.  Pero hndi naman 'yon malakas. 

  "Ano ba talaga?" Iritable kong tanong. 

  Nakababa ang tingin niya sa akin nang iwasan niya ang tingin sa akin. "The more we spent our time together, the more I deeply fall in love with you." 

  Tumaas ang kilay ko. Hinihintay ang susunod niyang sasabihin. 

  Mas inilayo pa niya ang tingin. "Mas dumadagdag 'yung urge ko na maging clingy sa'yo, gusto kitang hawakan sa beywang, yakapin, hawakan palagi ang kamay mo, at…" Ibinalik niya ang tingin sa akin. At sa unang pagkakataon, ngayon ko lang siya nakitang mamula kaya unti-unting namilog ang mata ko habang nakatitig sa kanya. "Halikan ka kahit sa pisngi." Dagdag niya at pumikit nang mariin. "I told you that I'm not going to hesitate to do what I want pero naisip ko na kapag ginawa ko mga 'yon, baka magkaroon ka na ng dahilan para ayawan ako, at ayoko mangyari 'yon. Kaya ikinalma ko muna sarili ko by avoiding you." Mahabang paliwanag niya. 

 

  Naintindihan ko na siya kaya ikinalma ko na ang reaksiyon ng aking mukha. "But you don't have to do that, pwede mo namang ipaliwanag sa akin para maintindihan ko, eh." 

  Binigyan niya ako nang malalim na tingin. "Ipaliwanag?" Ulit niya sa aking sinabi. "May magagawa ka ba kapag sinabi ko sa'yo?" Biglang nag-iba ang tono ng boses niya kaya natahimik ako sandali. 

  Niyakap niya ako bigla. "I miss you…" Mahina pero sapat lang para marinig ko. 

Humigpit din ang yakap niya sa akin. "Mali ako. I'm sorry for avoiding you, I'm sorry for making you feel na magaling lang ako sa una at madaling mapagod. But swear, that's not true. Araw-araw kitang mamahalin, hindi ako magsasawa, gagawa at gagawa ako nang paraan para tuluyan kang mahulog sa akin. Nalilito lang ako sa kung ano ang dapat kong gawin, ewan ko. Ganoon talaga siguro kapag in love ka, nagiging tanga na hindi malaman kung ano ginagawa sa buhay." Nakikinig lang ako sa kanya at hindi nagsasalita. 

  Base sa sinasabi niya, mukha ngang hindi niya alam 'yung gagawin niya. 

Naiintindihan ko 'yan dahil ganyan din ako kay Reed dati. 

  Matalino akong tao pero pagdating sa kanya, pakiramdam ko, ang bobo ko mag desisyon sa buhay. 

  "Words are not enough to show how much I really love you, Hailes." Humiwalay siyang muli sa akin kaya nakikita ko ang sincere niyang tingin. "Pero kung kaya kong sabihin lahat ng lengguwahe ng mahal kita, gagawin ko." 

  Muli siyang humawak sa aking pisngi. "Kung aksiyon naman, gagawin ko rin." 

  Walang imik akong nakatingin sa berde niyang mata nang pumikit ako't hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa aking pisngi. Huminga ako nang malalim bago ko iminulat ang mata ko kung saan nakikita ko ang paglapit ng mukha niya sa akin. "I believe you." 

  Nagdikit ang mga noo namin at tsaka siya pumikit kasabay ang kanyang pag ngiti. "Let me fall in love with you, Caleb."