webnovel

Pinky Promise (chingniii)

What if kailangan mong magpanggap bilang kakambal mo. Ang malala pa pati sa boyfriend nito. Matatagalan mo ba? Makakaya mo bang hindi mafall? Ehh, paano kung yung boyfriend ng kakambal mo ay ang childhood sweetheart mong matagal mo nang hinihintay dahil sa "Pinky Promise" nyo? Tunghanayan ang istorya ni Laine.

chingniii · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
11 Chs

Prologue

Prologue

"Cheska," napalingon ako kay Rence ang aking kaisa isang kaibigan. Matagal na kaming magkaibigan, noong kinder palang at ngayong grade three. Malawak ang ngiti niya sa akin.

"Bakit?" takang tanong ko. I smiled back.

"May ibibigay ako sayo." may kinuha syang necklace na dalawa. May pendant na tighalf ng heart. Hindi ko maiwasan ang mamangha sa nakita ko.

"Para saan iyan?"

"Para sating dalawa, tig isa tayo." sabi nya, nginitian ko naman sya.

"Talikod ka, isusuot ko sayo." agad naman akong tumalikod at isinuot nya sa akin. Hinawakan ko iyon ng humarap ako sa kanya.

"Yan, wag mo yang tatanggalin ha?" sabi nya, nagnod naman ako habang nakangiti.

"Laine!"

"Rence, tawag na ako ni Lola, bukas nalang ulit." paalam ko. Tumakbo na ako pero tumigil ako at bumalik kay Rence.

"Thank you. Bye. See you tomorrow." tuluyan na akong umalis, binigyan ko lang sya ng isang mabilis na halik sa pisngi.

Maaga akong nagising dala ng pagka excited kong makipaglaro kay Rence. Dare-daretso akong tumakbo sa pinto para pumunta kina Rence.

"Hep! Saan ka pupunta?" Hinarangan ako ni Lola ng dare-daretso lang ako at hindi nagpapaalam.

"Kina Rence po. May usapan po kasi kami." sagot ko habang nakangiti.

"Apo, wala na sina Rence, nagpunta na sila ng Manila. Kahapon pa pagkauwi mo. Hindi ba sya nag paalam sayo?" Nanlamig ako sa sinabi ni Lola.

Hindi ko na napigilan ng bigla nang nag-init yung mata ko. Nagbabadya na umiyak.

"No lola, hindi nya ako iiwan!" mangiyak ngiyak kong sabi.

"Nagawa na nya, apo." sabi nya.

Wala akong nagawa kundi umiyak. Bumalik ako ng kwarto ko at doon umiyak ng umiyak.

Simula noon natakot nakong makipagkaibigan, kaya nasanay nakong mag-isa.