webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Politique et sciences sociales
Pas assez d’évaluations
366 Chs

Nakaw

Chapter 25. Nakaw

      

      

JAVE was really surprised seeing Nicolea at his cousin's office. He didn't have any idea why was she there but he's certain that she was expecting to meet Rexton.

"Why don't you take a seat first? I'll make a coffee. You look..."

He could not finish his sentence as Nicolea lowered her gazes. Napadako ang tingin niya sa mga paa nito at bahagya siyang nagulat na naka-tsinelas lang ang babae. Malaya niyang napagmasdan ang maliliit na mga paa nito't magagandang hubog ng mga daliri sa paa. Her nails were trimmed as well and they looked so clean. He suddenly had the urge to touch and massage them.

He shook his head to drive his thoughts away. She's pregnant, He reminded himself.

"I know. I look haggard. I didn't do my hair and makeup because I thought I was already late."

He scowled when she said that. Nicolea may not be dressed to perfection as how she was before yet her beauty stood naturally.

Nag-angat ito ng tingin at nagtama ang paningin nila. His jaw clenched when he noticed her cheeks were glowing as they stared into each other.

"C-Congrats. Nakapasok ka na pala sa Navy."

Bahagya lang siyang tumango at tumayo sa swivel chair. "Maupo ka muna." He needed to check if what he's thinking was right.

"Hindi na. Nagmamadali rin naman ako. Babalik na lang ako mamaya."

Hinayaan na rin niyang makaalis ito dahil ayaw niyang mahalata nito ang matinding pangungulila. He said he'd understand if she ever found a new man. He thought he'd be okay since he let her go. 'Coz he thought that everything was going to be alright once he came back, and he would just take her back. He would do that at all cost. On top of those things, he thought that she would never go into another relationship. Dahil ganoon ang tinatak niya sa isip niya noong maghiwalay sila, na bibigyan niya ng pansin ang karera't hindi makikipagrelasyon. Kaya ganoon din ang inakala niyang gagawin ni Nicolea. But he was wrong.

At ngayo'y buntis pa raw. 'Tangina.

He decided to go and follow her.

Dahil naka-uniporme ay nakakuha siya ng atensyon, mabuti na lang at hindi napansin ni Nic na nakasunod siya. She looked so preoccupied.

He followed her and saw her go inside her favorite boutique. She remembered those times when he was helping her buy clothes on that same clothes store. Hanggang ngayon ay roon pa rin pala ito namimili.

Pasimple siyang pumasok sa kabila, kung saan mayroong panlalaking mga damit. Mabilis na pumili siya ng blue t-shirt na size niya at nagpalit. Hinila niya ang price tag bago sinuot ang shirt sa fitting room. Binayaran niya rin iyon at nilagay ang hinubad niyang pang-itaas na uniporme sa paper bag. Nagpasalamat siya sa mga nag-assist sa kanya at lumabas na ng store.

Binalikan niya si Nicolea at hindi na siya nagulat nang mamataan niyang pumipili pa rin ito ng damit.

Halos labinglimang minuto ang nakalipas nang lumabas na ito ng fitting room, at nakabihis na ng mga damit na pinamili.

She wore a tight faded jeans and a fitted statement t-shirt. Its color was red and her creamy skin stood out.

He watched him pay for her clothes. The saleslady assisted her to remove the price tag at the back of her shirt.

She also went inside a shoe store and bought a sandals.

Jave was like a stalker stalking Nicolea. Hanggang sa salon ay sinundan niya ito. Hindi siya pumasok pero nasa Lemonade Stall siya malapit sa salon na pinasukan nito kaya makikita pa rin niya kung lalabas na ito.

Matagal-tagal din siyang naghintay at nang lumabas ito ay napansin niya agad ang pagbabago sa buhok nito. Hindi na magulo ang pagkakaayos niyon. She's also wearing a light makeup.

Nagpaganda ka ba nang husto dahil sa 'kin?

Gusto niyang sapakin ang sarili nang magising siya sa katotohanan. Paanong magpapaganda ito para sa kanya, eh ikakasal na ito?

Get the shit out for your head, Kastigo ng kanyang isipan.

Bakit nag-ayos si Nicolea? Simple. Dahil may oras na ito. Naalala niya kasing nabanggit nito kanina na akala nito'y late na sa meeting. Kung ano man ang pagmi-meeting-an nito at ng pinsan niya ay 'tsaka na niya aalamin.

He'd just go back to the office to see his cousin later. Siguradong tapos na ang meeting nito.

Nagpunta siya sa isang sikat na coffee shop at bumili ng kape, at chocolate frappe. Kung hindi siya nagkakamali ay sa opisina na rin didiretso si Nic kaya binilhan na rin niya ito. Dinagdagan na rin niya ng isang buong cake dahil naisip niyang baka hindi pa ito nagmi-meryenda.

Hindi nga siya nagkamali nang pagdating niya ng opisina ay nandoon na ang babae.

"O, akala ko ba, hihintayin mo ako rito?" si Rexton.

"Nagutom ako," dahilan niya at nilapag ang mga biniling pagkain sa mesita habang ang paper bag kung nasaan ang damit niya ay sa lapag niya nilagay. Hindi man lang nag-angat ng tingin si Nicolea sa kanya kahit sinadya niyang sa malapit sa pwesto nito niya nilapag ang paper bag.

"Bakit tatlo ang kape?"

"Baka mabitin ka," aniya.

Ngumisi lang si Rexton.

"Kumain ka muna?" baling niya kay Nic.

She raised her head and she scowled.

"Marami naman ang binili kong meryenda."

"I'm fine. Nagpatimpla na ng kape si Kuya Rexton sa sekretarya niya."

As if in cue, the secretary came in, holding a tray with two cups of coffee and some bread.

Ang akala niya'y magsasalita pa ulit ito pero nanatili itong tahimik.

"Bakit ka pala nandito?" he curiously asked.

Bumaling ito kay Rexton.

Nagtaas lang ng kilay ang pinsan niya.

"Nagkita na pala kayo?"

"Kanina. Dito," tipid na sagot ni Nic.

"Nagkumustahan naman ba kayo?"

"Oo. Kuya Rexton, gusto ko sanag mag-usap tayo." Halata na pilit nitong tinataboy ang usapan tungkol sa kanilang dalawa.

"We're already talking."

"Ng tayong dalawa lang," Nic added.

Nangunot ang noo niya. Ano naman ang pag-uusapan ng mga ito at bakit kailangang lumabas pa siya?

"Can't I stay? I want to take a rest. Nangalay ako katatayo."

"Mahaba ba ang pila sa coffee shop?" tanong ni Rexton.

Hindi siya nangalay. Batak siya sa mga trainings na nagsilbing ehersisyo niya na rin, at wala lang ang pagtayong ginawa niya kanina habang sinusundan si Nic.

"Babalik na lang ako," sabad ni Nic.

"No, I'll go outside," awat niya nang akmang tatayo ito.

Lumabas siya at hindi rin nagtagal ay natapos na ang pag-uusap ng dalawa. Alam niya dahil lumabas na rin si Nicolea.

"Nic, wait," habol niya rito bago pa makasakay ng lift.

Pinindot naman ng staff ang open button kaya nakahabol siya. Nang makapasok ay 'tsaka pa lang nagsara ang pinto.

"Aren't you hungry?"

Umiling ito.

"Baka may gusto kang kainin?"

Nanatili itong tahimik.

Ilang sandali pa ay bumukas ang lift at pumasok ang ilang tao. Bahagya silang napaatras ni Nic.

Pagkababa ay hindi niya ito tinigilan. Gusto niya itong makausap kahit sa mga nakaw na sandali lamang.