webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Politique et sciences sociales
Pas assez d’évaluations
366 Chs

College

Chapter 15. College

    

    

EVERYTHING had changed when Nicolea and Jave entered college. Hindi na sila gaanong nagkasama nang summer na iyon dahil kinailangan nang lumipad ni Nicolea pa-Japan. Third week of April kasi ang simula ng klase niya habang si Jave ay lumuwas na ng Maynila, at sa Agosto pa naman ang pasukan nito.

Gayunpama'y pinipilit pa rin nilang maglaan ng oras sa isa't isa. They made sure to exchange chats or text messages, and call each other whenever they had free time. Pero kadalasan ay busy siya lalo pa't nag-aaral din siya ng Nihonggo. Kahit International School ang pinapasukan niya ay gusto pa rin sana niyang matuto ng lenggwahe ng mga Hapon para magkaroon din ng kaibigan.

On her eighteenth birthday, her family flew to Japan and they celebrated it simply.

What surprised her the most was that the next day, Jave was there as well. She just woke up when she opened the door and was greeted by her boyfriend who was holding a bouquet of tulips. Studio-type apartment ang tinutuluyan niya roon at nag-check in naman sa hotel ang mga magulang niya.

"Akala ko ba, napag-usapan na nating sa Summer break ko na tayo magkita?" tanong niya rito nang papasukin na niya sa apartment. Nakaupo ito sa couch.

"Pasukan na namin ng August, baka hindi na tayo magkasama ng matagal."

May punto ito. "Pero may klase ako."

"It's alright, I'll be here for five days, hihintayin kong matapos ang klase mo."

She nipped her lower lip. "Sana pala sa Pilipinas na lang ako nag-aral."

Tinapik nito ang pwesto sa tabi, indikasyon na pinapaupo siya nito roon.

"Nakakapagod ba?"

Tumango siya't umupo sa tabi nito. Hinilig din niya ang ulo sa dibdib nito. "Nagwo-work out ka yata?"

She felt his chest moved because he was chuckling. "Yes."

"Baka naman sumobra ang pagpapalaki mo ng katawan niyan."

"Payat pa rin ako, Nic. Hindi bagay sa tangkad ko."

"Sabagay, mukha kang tingting noon. Mas mukha kang tomboy."

She could almost imagine him rolling his eyes. Lagi niya itong mine-make-up-an noon, at minsa'y nagpapanggap na girlfriend niya habang titibo-tibo naman kunwari siya.

Bahagya nitong sinundot ang tagiliran niya kaya napatuwid siya ng upo at impit na napatili.

"Nagkakabilbil ka na ulit," pansin nito

Wala sa sariling pinisil niya ang tiyan. "Oo nga... Pana'y kain kasi ako."

"That's fine. Mas masarap yakapin." He pulled her closer again. "I miss you."

"I miss you, too."

"Alam mo ba'ng kamuntikan na akong hindi matuloy rito?"

"Syempre, hindi," pamimilosopo niya.

"Your dad didn't want me to see you. Baka raw pikutin kita."

"Nagpaalam ka sa kanila?"

"Oo. Sa kanila ko rin naman kung saan ang eksaktong address ng apartment mo."

Napatangu-tango siya.

May kinuha itong kung ano sa bulsa at mabilis na isinilid sa kanyang daliri.

"What's with this ring?" tanong niya, tinatago ang kilig na nadama.

"Just a promise ring."

"Promise saan?"

"That you will marry me someday."

"Kahit wala namang singsing, pakakasalan kita."

He smiled lovingly.

After that, he always waited for her and they ate dinner anywhere they wanted to. Umuwi na rin ang parents niya at hinabiling huwag niyang patutulugin si Jave sa apartment niya. Sinunod naman nila. Iyon nga lang, nang huling araw na ni Jave sa Japan ay siya ang nakitulog sa suite nito. Bigla yata siyang nagka-seperation anxiety dahil ayaw niyang mawalay sa binata.

"Gusto ko nang umuwi," naluluhang bulalas niya nang magising kinabukasan, ang araw ng flight nito. Nasa malaking kama sila at nakaupo ito sa gilid. Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama.

"Huwag ka namang ganiyan, mas mahihirapan ako... tayo..."

"Ang hirap palang hindi maging mapusok."

"But we have to control ourselves."

"Magta-transfer ako sa University mo next year."

"Baby..."

"Ang hirap kasi ng ganito. Ang hirap na madalang na lang tayong nagkakausap, limitado lang din ang oras ng pagkikita natin. At higit sa lahat, natatakot akong baka makahanap ka ng iba."

"Don't you trust me?"

"I... do."

"Then do not overthink. Ganoon din ang gagawin ko. Hindi mo lang alam kung gaano akong nag-aalala na baka may nakilala ka nang iba rito, na baka kaya hindi ka na laging nakakatawag ay may ibang lalaki kang linagkakaabalahan dito—"

"That's not true!"

"I know. That's why I immediately shove those thoughts aways and reminded myself how much you love me, and how do I trust you."

"Kahit bata pa tayo?"

"Kahit bata pa tayo."

Napakagat-labi siya at tumango.

Lumapit ito sa kanya at kinintalan ng malalim at nangungulilang halik. Nang lumayo ay parehas na namamasa ng luha ang mga mata nila.

"Sabagay, lahat naman ng bagay, pinaghihirapang makamtan. Walang bagay na nakukuha ng madalian. Hindi bale, kakayanin natin ito, okay?"

Ngumiti si Jave at hinagkan ang kanyang noo.

"Sige na, kumilos ka na't baka mahuli ka pa sa flight mo," aniya. Alas siyete na kasi at alas onse ang flight nito.

"You should take a shower first. May klase ka ng alas diyes."

"I want to skip class so I'd see you go."

"Huwag na. Mas importante ang pag-aaral mo ngayon."

Halos manulis ang nguso niya dahil alam niyang tama ito.

"Kumilos ka na, ihahatid muna kita sa apartment mo bago ako tumuloy sa airport."

Ganoon na nga ang nangyari. Pero bago maghiwalay ay kumain muna sila ng almusal.

Nang summer break niya ay hindi siya nakauwi ng Pilipinas gaya nang plano. Nag-take kasi siya ng summer classes. Nang Winter break nama'y hindi rin siya natuloy, ang pamilya niya ang bumisita sa kanya habang sina Jave na'y lumipad sa States dahil namatayan ng kamag-anak doon.

Habang nag-aaral siya ay nakilala niya si Sage, kaklase niya ito sa ilang minor subjects. Nalaman niyang may dugong Pinoy ito at lumaki sa Pinas.

"Uuwi ka ba ngayong bakasyon?" tanong nito.

Tumango siya. Uuwi talaga siya dahil magta-transfer na siya sa Pilipinas.

Naging magkaibigan sila ng huli at kahit nang makauwi na siya sa Pilipinas ay kino-contact pa rin niya ito.

Ganoon din siya kay Lacey. Lacey was the one who introduced her to Arellano International Agency. S-in-end-an siya ng website link kung saan humahanap ang mga ito ng willing na mag-training para maging agent. She grabbed the chance since she knew her skills would be enhanced. Alam din ni Sage iyon kaya pinakiusapan siya ng huli na imbestigahan ang dalagang natipuhan nito nang um-attend ito ng debut party ng dalaga.

Napailing siya sa mga nakuhang impormasyon. The girl was rebellious and had a long list of ex-boyfriends.

Pasalamat itong si Sage at nasa Maynila siya, kung hindi, ay wala siyang makakalap na impormasyon sa natitipuhan nito.