Nang makita niya ang kanyang target, nanlaki ang mata ni Ye Wan Wan sa sobrang takot at tumakbo hawak ang dried meat.
Sa sandaling naglakad siya pababa ng hagdan, ang puting tigre ay nakahiga sa carpet, kumikibot ang tainga at biglang bumukas ang asul niyang mga mata nakatingin sa kanya na may awra ng kamatayan.
Nakakagambala kapag tinitignan ng ganitong mga mata.
Buti na lamang, naranasan niya na ito sa una niyang buhay. Kilala na niya ang puting tigre at kahit pa mabangis ang mga ito, namuhay na ang hayop na ito na parang tao. Nakipag-kaibigan si Si Ye Han kasama ang puting tigre na ito noong gabing iyon, ito ay nagpapahiwatig na isa na din siyang tao at kahit na mabangis ito, hindi siya sasaktan ng tigre.
Sa ilalim ng katakot-takot na tingin ng tigre, umingka-ingka siya palapit sa hayop. Nararamdaman niya lumaki ang agresyon at maingat na tingin ng halimaw habang papalapit siya.
Hindi masyadong nakalapit si Ye Wan Wan; napatigil siya at nang apat hanggang limang hakbang na lang at malapit na dapat siya, binuksan niya ang bag ng dried pork at winagayway sa tigre, "Si Lu Te… gusto mo nito? Sobra sobra ang sarap nitong dried pork slices!"
Nang winagayway niya ang kanyang kamay, mabilis na pinakita ng tigre ang kanyang ngipin at mapanganib na umungol.
"Uh, ayaw mo nito?" Nag-atubiling binuksan ni Ye Wan Wan ang nag-iisang bag ng beef jerky na meron siya, "Gusto mo ng beef jerky? Masarap din ito!"
"ROAR----" Tumayo ang puting tigre sa apat niyang paa at inilapit ang katawan niya para umungol ng napakalakas kay Ye Wan Wan.
Kahit na alam niyang hindi siya malalagay sa pahamak sa tigre, hindi pa din maiiwasan ni Ye Wan Wan na ang human insticts niya ang magbabala na siya'y matakot sa harap ng napakalaking halimaw.
Parang tumigil ang puso ni Ye Wan Wan sa sobrang takot niya. Pero ayaw niya pa ding sumuko, kaya naman nilabas niya ang natitirang lakas ng loob at nagpatuloy sa ginagawa niya.
Isa, dalawa, tatlong hakbang----
Isang hakbang na lang ang layo niya sa tigre nang biglang kagimbal-gimbal na umungol ito, rinig na rinig sa kalangitan sa taas ng Jin Garden.
Nabingi si Ye Wan Wan at nalalag siya sa lapag.
Naramdaman niya na ngayon kung paano yumanig ang mundo sa sobrang lakas at napagalaw din ang mga bundok.
Mabilis na binuksan ang malaking pintuan at madaling pumasok si Xu Yi-- "Anong nangyari??!!!"
May naglalakad din galing sa itaas na palapag--Tumingin si Si Ye Han sa salas at kumunot ang kanyang noo.
Nakita niya lamang si Ye Wan Wan na nakaupo sa harap ng puting tigre na may nakakalat ng makulay na bags sa lapag. Nakita niya din na ang puting tigre ay parang nababalisa at mukhang handa na itong magwala.
"Ye...Ms Ye! Anong nangyayari?" Tiningnan ni Xu Yi ang senaryo na parang nawalan ng ulirat. Gabing gabi na, bakit naman ginagalit ni Si Ye Han si SI Lu Te? Gusto niya bang mamatay?
Umikot si Si Ye Han para tingnan din si Ye Wan Wan.
Naiiyak na lumapit si Ye Wan Wan papalapit kay Si Ye Han, "Muntik na ko sakmalin ni Great White!" *humihikbi*
Xu Yi: Sino naman si Great White?
"..." sandaling nanahimik si Si Ye Han, "Anong ginawa mo?"
"Gusto… Gusto ko lang namang bigyan ng pagkain si Great White! Sobrang cute kasi ni Great White at gusto ko lang makipaglaro sa kanya…" Tumingin ng saglit si Ye Wan Wan sa puting tigre ngunit mas lalo itong umungol ng malakas sa kanya at mas lalo siyang umiyak.
Kaunti na lang at mababaliw na si Xu Yi. Paano naging cute ang halimaw?!
Napa-kunot si Si Ye Han, "Lumayo ka sa kanya."
Tumingin si Ye Wan Wan sa mabalahibong ulo ng tigre at sa matabang katawan nito kaya sobra siyang nanggigil sa sobrang cute ng tigre, "Pwedeng makipag laro sa kanya? Hahaplosin ko lang ang ulo niya… o sa kuko niya… pwede?"
Xu Yi: Gusto mo talagang hawakan siya! Haplusin pa ang ulo at kuko niya?!
Hindi siya makapaniwala at walang masabi sa babae ito..
Totoo palang lalakas ang loob mo kapag ignorante sa panganib!