webnovel

Sino siya?

Éditeur: LiberReverieGroup

Gayunpaman, hindi niya alam ang pangyayaring ito. Hindi niya kilala si Si Ye Han sa edad na iyon, kaya bakit sjya nakahiga sa higaan na iyan at pilit na pinasakan ng memorya ng ibang tao pagkatapos mabura ang memorya niya gamit ang malalim na hypnosis?

Naramdaman ni Ye Wan Wan na sasabog ang utak niya na parang malaking lobo. Binalot siya ng pangangamba.

Nahihirapan na nga si Ye Wan Wan sa pagkawala ni Si Ye Han. Ngayon, nadiskubre niya ang isang sikreto tungkol sa pagkatao niya sa loob ng study room ni Si Ye Han at ang mastermind ng lahat ng ito ay walang iba kundi si Si Ye Han...

Kung hindi kalokohan ang video at hindi talaga siya si Ye Wan Wan, eh sino pala siya…?

Makatotohanan ang video na ito, pero ang mga memorya niya ay parang makatotohanan talaga. Ang lahat ng memorya sa kanyang pagkabata hanggang ngayon ay personal niyang napagdaanan. Paano naging pagmamay-ari ng ibang tao ang mga importanteng memorya na ito...

Agad na huminga ng malalim si Ye Wan Wan at pinigilan niya ang kanyang emosyon. Umupo siya sa likod ng desk at ginamit ni Ye Wan Wan ang kanyang kompyuter ni Si Ye Han tungkol sa memory masking.

Gayunpaman, kakaunting impormasyon lamang ang nakuha niya tungkol dito. Sa teknolohiya ngayon, posible na makapagbura ng memorya ng isang tao, ngunit hindi makatotohanan na pwedeng ipasak ang memorya ng isang tao sa ibang tao.

Malaking panganib ang kalakip ng isang perpekto at walang bahid na memory injection, at malamang ay may problema sa mga memoryang ito.

Kapag ang isang tao ay na-injectionan ng pekeng memorya, madaling mapapansin ng taong iyon ang mga butas at clues ng madali lamang, maliban na lang kung sa taong iyon talaga ang mga memoryang ito.

Madaling malaman ng isang tao na na-injectionan ng isang pekeng memorya kung sinimulan nilang magsuspetya ang tungkol dito.

Isang pamamaraan lamang ang kayang makapag-kontrol ng isang tao kung magtaka man sila sa kanilang pagkatao: "Ang Deep Hypnosis."

Kailangan naman Deep Hypnosis ang "sensory memory," at gayundin ang "long term memory," at gayundin ang malakas na automatic na mental cues. Kapag nagkaroon ng pinsala ang ilan sa mga ito, mag malaking posibilidad na masira ang psychological mind ng pasyente. Mahirap magawa ang teknolohiya na ito sa panahon ngayon, ngunit sa theoretical na pananaw, may malaking posibilidad na magiging matagumpay ang deep hypnosis.

Kapag natapos ang proseso ng pambubura ng memorya ng isang tao at pinasakan na siya ng bagong memorya, hindi magsususpetya ang taong ito sa bago nilang memorya dahil sa epekto nito sa kanyang utak ng automatic cues na nakalagay sa kaloob-looban ng kanyang kaisipan.

Naramdaman ni Ye Wan Wan ang pagtulo ng pawis sa buong katawan niya. Kung totoo ito, sa teoretikal na pananaw, posible ito na siya ay gumagamit lamang ng memorya ni Ye Wan Wan at hindi siya mismo si Ye Wan Wan...

Sa isang saglit, sinara ni Ye Wan Wan ang laptop.

Kahit pa deep hypnosis ito, may mga butas pa rin na pwedeng madiskubre ng taong na-hypnotize upang malaman nila ang tunay nilang pagkatao.

Kung hindi talaga siya si Ye Wan Wan at ang mga memorya niya ay pilit na pinasak sa kanyang utak ayon sa kautusan ni Si Ye Han, malamang ay may malaking tsansa na may maling nangyari sa prosesong ito.

Hindi naman alam ng hypnotist at ni Si Ye Han ang bawat detalye tungkol kay Ye Wan Wan. Sa lahat ng pinagdaanan niya sa kanyang buhay, ang pinakamadaling dapuan ng bug o pagkakamali ay ang memorya niya noong bata pa siya. Nandito ang paboritong laruan at lahat ng naging crush ni Ye Wan Wan noong bata siya. Walang iba kung hindi si Ye Wan Wan at ang mga malalapit lang sa kanya mismo ang nakakaalam sa mga ganitong bagay.

Kung hindi talaga siya si Ye Wan Wan, madali niya lang mahahanap ang logical gap!