webnovel

Si Tangtang, ang Propesyonal na taga-salo ng bintang

Éditeur: LiberReverieGroup

Masayang sinabi ni Ye Wan Wan, "Isa 'tong duyan- magandang duyan na kaya kang iduyan hanggang sa lumipad ka! Halika, subukan natin parehas!"

Nang marinig 'to ng maliit na bata, biglang nagliwanag ang mukha niyang maganda at maselan. Hinila siya ni Ye Wan Wan, at marahan na umupo dito.

Kinabit ni Ye Wan Wan ang safety belt at sinabi kay Heidi at sa iba pa, "Sige, sige, itulak mo na! Itulak mo kami ng mataas!"

Sumusuka si Heidi sa gilid, kaya naman agad na sumang-ayon sina Tang Bin at Song Qiang bilang tugon at lumapit.

Tang Bing: "Opo, Master!"

Song Qiang: "Sige po, Master!"

Si Master ay talagang… mapaglaro...

Inutusan ni Ye Wan Wan si Jiaojiao, "Jiaojiao, 'wag mong kalimutang kuhanan kami ng litrato!"

"Opo, Master! Handa si Jiaojiao!" mabilis na nilabas ni Jiaojiao ang kanyang telepono.

Samantala, alerto namang nakatayo si Old Jiang sa gilid upang mapigilan ang duyan kapag natakot ang bata.

Ngayon lang siya nakakita na may taong ganito mag-alaga sa bata...

"3, 2, 1—go!"

Sabay na hinila ni Tang Bin at Song Qiang ang duyan at mabagsik na pinakawalan ito!

Agad na lumipad ang mag-ina sa langit. Dumaan na parang hangin ang mga puno, ibon at mga bulaklak.

"Ahhhh! Ang saya! Tangtang, natatakot ka ba?"

Niyakap ni Tangtang ang kanyang nanay at umiling. Dilat na dilat ang mga mata niya habang pinapanood ang gubat at ang sapa sa malayo nang maabot nila ang tuktok. May liwanag sa kanyang mukha na hindi pa nakikita noon.

"Gusto mo ba?"

"Gusto ko!"

"Haha! Tulad ng inaasahan, mas alam ng nanay ang kanyang anak! Sabi na magugustuhan mo!"

Kasalukuyang nagiging masukal si Ye Wan Wan kasama ang kanyang anaka. Nang si Si Ye Han, na may inaayos sa loob ng study, ay narinig ang mga masasayang sigaw ni Ye Wan Wan mula sa labas ng bintana, mapaghinala siyang lumapit sa bintana at binuksan ito.

Matapos… nakita niya ang eksena na nagpaasim sa kanyang mukha at hindi siya nakaimik.

Nakaupo si Ye Wan Wan at Tangtang sa malaking duyan at dumuduyan sa hangin...

Walang ideya si Si Ye Han kung anong itsura ang dapat niyang gawin, at natagalan din siya bago mapagtanto kung ano ang nakikita.

Ilang minuto ang lumipas...

Masunuring magkatabi ang mag-ina, nakayuko at nakatago ang mga buntot.

Nakaupo si Si Ye Han sa sofa, kasing dilim ng kanyang mukha ang pwetan ng kaldero. "Magpaliwanag kayo!"

Patuloy na nakayuko si Ye Wan Wan habang patuloy na sinusundot niya ang kanyang mga daliri at tahimik na bumulong, "Mmm, may nakita ako sa TV na ang tourist spot sa tropical rainforest ay may ganitong klaseng duyan at tingin ko magiging masaya iyon at paniguradong magugustuhan iyon ni Tangtang, kaya ginaya ko iyon dito sa bahay… sinubukan ko muna! Sobrang tibay niya; maski si Heidi ay hindi niya ito nasira matapos niya sakyan iyon, at mayroon iyong safety belts… natatakot lang ako na baka mabagot si Tangtang! Nagustuhan talaga iyon ni Tangtang!"

Naramdaman ni Si Ye Han na sumakit ang ulo niya habang hinimas ang kanyang kilay.

Si Tangtang ba ang gustong maglaro no'n o siya ang gustong maglaro no'n?

"Tangtang, nagustuhan mo, 'di ba?" tanong ni Ye Wan Wan habang mabilis niyang sinama ang anak niya dito.

Nakiisa naman si Tangtang at kinuha ang sisi para sa kanyang nanay. " Daddy, si Tangtang po ang may gusto no'n!"

Mabilis na sinabi ni Ye Wan Wan, "Kita mo? Hindi ako nagsisinungaling sa 'yo!"

Nakita ni Si Ye Han kung paano kaawa-awa at miserable ang itsura ng mag-ina at walang ideya kung ano ang sasabihin. "Huwag niyong laruin iyon…"

Agad na nalumbay si Ye Wan Wan na parang nagyelong talong habang si Tangtang naman ay parang maliit na nagyelong talong.

Si Ye Han: "... mag-antay kayo hanggang sa kumuha ako ng propesyonal para gawin para sa inyo."

Napatingala ang dalawang talong at nagliwanag ang kanilang mga mukha. Magkahawig ang aksyon at itsura nila.

Ye Wan Wan: "Ah-Jiu, sabi na ikaw ang pinakamagaling!"

Tangtang: "Salamat, Daddy!"

Si Si Ye Han, ang nagkompromiso at tinulungan ang mga nagkasala sa kanilang kalokohan: "..."