webnovel

Sana maikama mo siya sa lalong madaling panahon

Éditeur: LiberReverieGroup

"Bbb-boss!" agad na napatayo ang ilan sa kanila nang makita si Ye Wan Wan at namutla ang kanilang mga mukha.

Agad na nagpaliwanag ang matandang lalaki, "Madam, pakiusap, pabayaan mo lang po sila - hindi po nila sinasadya iyon."

Sa sobrang takot ni Little Lolita ay napaiyak siya, "Mommy, ayoko pong maubusan ng dugo. Ayoko po maging manikang tao…"

Nanginig ang mga binti ng lalaking may balbas. "Boss, nagkamali po ako, nagkamali po. Hindi na dapat akong nagdaldal pa!"

Mabilis na nagpaliwanag din lalaking may mahabang buhok. "Opo opo opo, boss. 'Wag ka pong bumaba sa lebel ni Qiang-ge! Boss, baka may mahalaga kang misyon kaya ka nagtatago sa mga Si - alam po namin!"

Naglakad si Ye Wan Wan at tamad na umupo sa sofa. Tinignan niya ang mga nanginginig at natatakot na mga tao. "Hindi, gusto ko lang ikama si Si Ye Han."

Maiging nag-iisip siya ng paliwanag para dito pero maayos na ngayon. Pinadali lang nila ang trabaho niya.

Nahirininan ang limang trabahador: "..."

*Cough cough cough…* Halos mamatay na ang lalaking may mahabang buhok dahil sa nahirininan siya sa sarili niyang laway. Matagal siyang nahirapan bago masabi: "Uh, 'yon… edi sana boss… maikama mo siya… sa lalong madaling panahon…"

Masunuring sabi ng mataba, "Boss, kailangan mo po ba ng tulong dyan? May gamot akong pwede mong gawin ang gusto mong gawin sa kanya. Kahit na gaano pa siya kagwapo, makikinig siya sa 'yo!"

Ye Wan Wan: "... hindi na."

Bumulong ang lalaking may mahabang buhok, "Bobong taba, ano bang alam mo huh? Hindi masaya 'yon. Sa abilidad ni boss, madali na lang iyon sa kanya kung gusto niya itong pilitin."

Agad na tumugon ang mataba, "Tama, tama. Nangingielam lang ako!"

Sa sandaling ito, nagtanong ang matanda, "Madam, gabi na po. May sasabihin ka po ba sa amin?"

Binalaan sila ni Ye Wan Wan, "Mula ngayon, susundin niyo na ako at papalitan ko ang pagkatao niyo. Tsaka, wala sa inyo ang pwedeng ilantad ang pagkatao ko sa sinuman, intindi niyo?"

"Opo!"

"Salamat, boss!"

Sabay-sabay na sigaw ng lima.

Binigyan sila ng mga gawain ni Ye Wan Wan bago bumalik sa apartment.

Sa likod niya, pinanood ng lima na umalis si Ye Wan Wan at nag-umpisang magbulungan.

"Muntik na tayo doon. Kung hindi dahil sa paglitaw ng Rosas ng Kamatayan noon, wala sana tayo ngayon dito!" paghingang malamin ng lalaking may mabahang buhok.

Inisip nila ang mga araw na tumatakbo sila, dumilim ang itsura ng lima nang naalala nila ang mga nawala nilang kapatid.

Sabi ng mataba, "Bago na tayong team. Regaluhan kaya natin ang boss para makuha natin ang pabor niya at pasalamat na din sa paglitas sa atin?!"

"Ano pala ang ibibigay natin? Gusto ko 'yung mga maliliit na fluffy bears! Gaano ka-cute 'yon?!" tanong ni Little Lolita.

"Nag-uusap ang mga matatanda. Tumabi muna ang mga bata!" tinulak papalayo ng mataba si Little Lolita at lumapit sa lalaking may mahabang buhok at lalaking may balbas. "Matagal nang hindi naikakama ni boss ang master ng mga Si, kaya baka medyo uhaw siya - bakit hindi natin siya alukan ng ilang mga gwapong lalaki?"

"Hindi naman masama 'yan…"

"Gagana 'yan!"

Sa lalim ng gabi, nakahiga si Ye Wan Wan sa kanyang kama, hindi makatulog - masyadong madaming nangyari kailan lamang.

Nang maisip ang lalaking may puting buhok na nakilala niya, kinuha ni Ye Wan Wan ang kanyang telepono ang tumingin sa QQ.

Anong sikretong eksperto ang makikipagpalit ng numero sa QQ sa taong nakilala lang nila? Kakaiba talaga.

Habang iniisip ito ni Ye Wan Wan, napagtanto niya na binago ng lalaki ang kanyang alyas isang oras ang nakalipas: "Ano pang mas malumbay bukod sa pagiging masupil kung wala si Little Worriless sa tabi ko [iyak]"

Worriless?

Tinitigan ni Ye Wan Wan ang salitang iyon sa kanyang screen.

Pangalan ba iyon o iba pa?

Parang pamilyar...