webnovel

Paniguradong pinakamaganda

Éditeur: LiberReverieGroup

Lumapit si He Jun Cheng kay Ye Mu Fan, atmalungkot na sinabi sa kanyang mababang boses, "Ay, bakit pinili mo ang daan na ito, eh? Noon, mabait ako para imbitahin ka para magtrabaho para sa amin, pero sayang, hindi mo alam kung ano ang makakabuti sa 'yo…"

Tumigil saglit si He Jun Cheng at puno ng galak ang kanyang mga mata. "Ngayon, kahit na magmakaawa ka pa sa akin, hindi na ganoon kadali 'yon…"

Hindi naman nagmamadali na umalis si Ye Mu Fan, kaya bahagyang umangat ang kanyang mga kilay. "Magmakaawa sa 'yo?"

Naalala ni He Jun Cheng noong tinali siya ni Ye Mu Fan sa sementeryo at nandilim ang kanyang itsura, "Kung luluhod ka at magkowtow ng tatlong beses sa harap ng lahat, baka bigyan pa kita ng isa pang tsansa..."

Magsasalita na sana si Ye Mu Fan nang bigang tumunog ang kanyang telepono. Isang tawag mula kay Ye Wan Wan.

Tinignan ito ni Ye Mu Fan at agad na nakaramdam ng sisi. Wala siya sa mood na makipag-away ngayon, kaya naman pumunta siya sa isang sulok kung saan walang tao at sinagot ang tawag...

Nang makita kung gaano kabalisa si Ye Mu Fan, mabilis na pinagtawanan siya ng lahat. "Kung pinaalis siya ng Assembly of Stars, anong ginagawa niya dito?"

"Tignan mo siya, parang magnanakaw - baka palihim siyang pumasok! Hindi magaling sa kung ano ang great young master at isa pa siyang eksperto sa pagsangkot sa mga pinagbabawal na kalakalan!"

"Nasaan ang security? Ginagawa ba nila ang trabaho nila o hindi?"

Nagpanggap na may mabuting loob si He Jun Cheng at tinapik ang balikat ng isa. "Hayaan mo na, hayaan mo na, naging naging magkatrabaho din tayo noon."

"Head stylist He, paano mo napagtatanggol ang taong katulad niya!"

Nakita ng lahat na sinusubukang pakalmahin ni He Jun Cheng ang tensyon. Sa malapit na pag-umpisa ng seremonya, abala ang lahat sa mga paghahanda at hinayaan na lang ito.

Sayang lang ang oras sa pakikipag-away sa basurang katulad ni Ye Mu Fan...

Sa entablado, masayang nagsalita ang host--

"Magandang gabi po sa mga bisita. Ladies ang gentlemen, salamat po sa inyong pagdalo. Mag-uumpisa na ang 13th annual Grand Fashion Ceremony…"

In accordance with past practices, other than networking with people in the industry, the highlight of the ceremony was having various renowned stylists showcasing the work they were most pleased with to date.

Sa alinsunod sa mga dating gawain, bukod sa pakikisalimuha ng mga tao sa industriya, ang highlight ng seremonya ay ang pagpapakita ng mga kinalulugod na gawa ng iba't ibang kilalang stylist.

Sa may madla, sumulyap si Shen Meng Qi kay He Jun Cheng na nakaupo sa tabi niya. "Nagpakita si Ye Mu Fan ngayon. Naghahanap ba siya ng gulo sa atin, huh?"

Tutal, ginagamit ni He Jun Cheng ang disenyo ni Ye Mu Fan na kanyang ipapakita, palalampasin ba ito ni Ye Mu Fan?

Nang marinig siya ni He Jun Cheng, wala siyang takot at ngumisngis. "SIya? Meng Qi, 'wag mo masyadong pagmataasan ang basurang iyon. 'Wag muna natin siyang pag-usapan; kung ganoon siya kabobo na hatakin ang daan papuntang kamatayan, ito ang magandang okasyon para guluhin niya tayo - sisiguraduhin kong hindi na siya makakapagtrabaho sa industriyang ito!"

Naisip din ni Shen Meng Qi na masyado siyang nag-aalala. Nagkibit-balikat lang siya at hindi na nagsalita pa. "Pupunta ako sa backstage para maghanda."

"Sige baby - paniguradong ikaw ang pinakamaganda ngayong gabi!"

Nag-umpisa nang may tumugtog ang musika at sa entablado, isa isang pinakita ang mag sikat na gawa ng iba't ibang mga stylist na nakaabot sa tuktok ng karera nila; pinapakita ng mga modelo ang kanilang ganda, ipinapakita ang magandang tanawin ng daang-daang mga bulaklak na namumulaklak sa mundo ng fashion.

Sa gitna ng upuan sa unang hilera, nakaupo roon ang chairperson ng Fashion Association. Sa kanan niya ay si direktor Zheng habang bakante naman ang upuan sa kanyang kaliwa.

Sa sandaling ito, Si Mu Wen Qing, na lagpas 50 na taong gulang na at nakasuot ng pormal na suit, ay nakatuon sa pagtingin ng mga gawa ng lahat. Nang makita ang paglabas ni Shen Meng Qi, may pagkamangha ang kanyang mga mata. "Hindi na masama!"

Agad na nagsalita din si direktor Zheng, "Oo nga, hindi na masama! Chairperson Mu, tingin mo ba 'yung istilo ni He Jun Cheng ay may pagkakapareha sa vice-chairperson natin, huh?"