webnovel

Paano naman siya mabu-bully

Éditeur: LiberReverieGroup

Binati ni Ye Hong Wei at Tan Yi Lan ang mga bisita at pumunta na sila sa pamilya ni Ye Hong Wei.

"Nandito ka pala." Seryoso pa rin ang itsura ni Ye Hong Wei nang tiningnan niya si Ye Shao Ting, pero hindi siya masyadong masahol, hindi tulad ng dati.

"Papa, Nama!" Binati sila ni Ye Shao Ting at Liang Wan Jun.

Mukhang naiinis si Tan Yi Lan nang tingnan niya si Liang Wan Jun, kumalma lamang siya nang makita niya si Ye Mu Fan. "Huwag kang tumayo lang diyan! Pumunta ka doon at asikasuhin mo ang mga bisita!"

Kinikilala na sila bilang miyembro ng Ye family dahil naaatasan na silang asikasuhin ang kanilang mga bisita.

Dali-daling sumagot si Ye Mu Fan, "Opo Lola, aasikasuhin ko na ang mga bisita!"

Sumang-ayon rin sa kanya si Ye Shao Ting at Liang Wan Jun.

Nakangiti pa rin si Liang Mei Xuan at Ye Shao An kahit na minumura na sila ng mga ito sa loob-loobin nila.

"Ah, Ma, anong sinasabi mo? Marami na masyadong tao ang tumatanggap ng tao! Pwede nang magpahinga si hipag at bayaw, mag-enjoy na lang sila sa party nang wala nang inaalala!" Nakangiti na sinabi ito ni Ye Shao An upang ilayo si Ye Shao An at Liang Wan Jun sa mga mas importanteng mga bagay.

Gayunpaman, minanmanan ni Ye Yiyi si Gu Yue Ze habang nakatingin siya patagilid at napansin niya na ang mga mata nito ay "kaswal" na tinitingnan si Ye Wan Wan simula noong binati niya ito.

Dumilim ang mga mata ni Ye Yiyi 

Ngumiti si Ye Wan Wan. "Sige!"

Humarap siya kay Ye Hong Wei at kay Tan Yi Lan at sinabi, "Lolo, Lola, sasamahan ko lang si Yiyi."

Tumango si Ye Hong Wei. "Sige lang."

Nalugod si Ye Hong Wei at Tan Yi Lan nang makita nila na naging mabuti at maayos ang pakikitungo ni Ye Wan Wan.

Nag-iba ang opinyon ni Ye Hong Wei sa kanyang apo na babae dahil sa patuloy na papuring naririnig niya kay Professoe Li Yan tungkol sa mga grado ni Ye Wan Wan.

Sa malamang, ito ay isang bagay na ayaw makita ng kabilang panig...

Biglang hinila ni Ye Shao Ting at Liang Wan Jun si Ye Mu Fan sa isang gilid pagkaalis ng dalawang matandang makikipag-usap sa ibang mga bisita.

"Mu Fan, tingnan mo ang kapatid mo doon!" Agad na inutusan ni Ye Shao Ting si Ye Mu Fan.

"Eh? Ano naman ang gagawkin ko doon?" Hindi naintindihan ni Ye Mu Fan ang nangyayari kahit na nagtanong na siya. Hindi pa siya kumakain ng tanghalian, kaya nagugutom na siya at kakakuha niya pa lamang ng kapirasong cake.

Sumimangot si Ye Shao Ting. "Pinagtutulungan kasi siya! Bakit hindi mo pa rin siya pinupuntahan?! Bakit puro pagkain na lamang ang nasa isip mo?!"

Bumulong si Ye Mu Fan, "Ah, hindi nila kayang kayanin si Ye Wan Wan, imposibleng mangyari iyon…"

Tiningnan siya ng masama ni Liang Wan Jun. "Malamang, kakaya-kayanin siya! Babae kaya ang kapatid mo. Malungkot nga siya sa okasyon na ito at kinuha pa siya ni Ye Yiyi upang pumili ng mga alahas. Dali na! Mamaya ka na kumain! Tulungan mo ang kapatid mo at nahihirapan na siya!"

Lalong nananaig ang poot at sakit sa damdamin nila Ye Shao Ting at Liang Wan Jun kapag lalo nilang naiisip ang kabaitan at kung gaano ka-matiisin si Ye Wan Wan.

Dahil nagsanib pwersa na ang kanyang magulang, wala nang nagawa si Ye Mu Fan kundi ibaba ang kanyang cake at hanapin si Ye Wan Wan na labag sa kanyang loob.

Malungkot…?

Saan niyo nakita ang kalungkutan kay Ye Wan Wan, huh?

Kanina, kausap niya lang sa phone ang kanyang boyfriend at pinag-uusapan nila kung saan sila pupunta sa kanilang weekend trip...

Sa kwarto ni Ye Yiyi:

Nakaharap sa silangan ang kwarto niya at sobrang luwang nito, napakaganda rin ng lighting. Kwarto talaga ito ni Ye Wan Wan, pero kay Ye Yiyi na ito ngayon, at ang lahat ng ari-arian ni Ye Wan Wan ay nilipat sa kwarto ng mga alalay.

Sa pintuan sa loob ng kwarto, may isang malawak na walk-in closet at kumikinang ito sa sandamakmak na mga damit, mga purse at mga sapatos.