webnovel

Napaka lambot at komportable dito~

Éditeur: LiberReverieGroup

Nakabalot ng white striped at kusut-kusot na kulay asul na kumot ang maliit niyang kama. Hindi kasi komportable sa kanya ang kumot na bigay ng eskwlehan nila kaya pinili na lang niyang bumili ng bago sa maliit na supermarket malapit sa eskwelahan nila. Mas malambot kumpara sa dating kumot pero pansin ang kakaibang disenyo ng bulaklak na nakaimprenta dito.

At ngayon, hinihigaan ni Si Ye Han ang maliit niyang kama kasama ang bagong biling kumot nakapalupot na sa katawan ng binata.

Sa kabila ng matingkad na kulay ng kumot dahil sa disenyo nito, napansin ni Ye Wan Wan na nagmukhang elegante ang hitsure nang higaan ng binata.

"Huy...matutulog ka ba dito?"

"Halika dito," tinanguan lang siya ng binata na hindi man lang sinagot ang tanong niya.

"Oh," napalunok bigla si Ye Wan Wan at saka sumunod.

Hinila siya papunta sa kama at niyakap ng mahigpit habang kapwa nakahiga sa kama."

Ye Wan Wan: "..."

Hindi lang siya matutulog dito pati ba naman ang piliting matulog ako kasama siya---ano bang ginagawa niya?!

Maririnig sa labas ang yabag ng paglakad ng mga tao sa dormitoryo at malalakas na tawanan ng mga babaeng. Lalo pang nakaramdam ng kaba si Ye Wan Wan at saka nagmadaling kumbinsihin ang kasama, "Hoy, napakatigas ng kama ko oh kaya hindi kumportableng matulog dito! Kung inaantok ka na, pwede bang bumalik ka na sa inyo para makapagpahinga ka?"

Pero niyakap pa rin siya ng mahigpit ng binata, "Pero ang lambot at kumportable dito."

Namula ang mukha ni Ye Wan Wan. 'Yung kama ba 'yung tinutukoy niya o ako?

"9th master, sigurado ka bang ayaw mo pang umuwi? Masyadong mangay dito at isa pa, maliit ang kama. Ni hindi nga kasya hita mo dito at saka hindi ka makakatulog nang wala si Dr. Mo. At saka…"

Tulut-tuloy lang sa pagsasalita si Ye Wan Wan pero hindi man lang nagpahiwatig ang binata na aalis na siya.

Tumahimik na lang si Ye Wan Wan nang mainis.

Nang tumigil na siyang magsalita, minulat ng bata ang mga mata niya at malalim na nagsabi, "Salita ka pa."

Hindi naintindihan ni Ye Wan Wan, "Huh?"

Si Ye Han: "Tuloy mo lang pagsasalota."

Ye Wan Wan: "..."

Kailangan pa niyang makinig sa boses ko para lang makatulog...ganito ba siya kahirap talaga maintindihan?

Gusto nang itapon ni Ye Wan Wan ang kumot sa sobrang pagkayamot, pero ganu pa rin, hindi niya kayang gawin. Tumango na lang siya at bumulong, "Oh…"

Pero anong sasabihin ko?

"Sige, magsasabi na lang ako ng numero ng pi, okay lang ba?" tanong ni Ye Wan Wan.

"Hm," pagtango lang niya, senyales ng pagsang-ayon.

Nagsimula nang magbigkas si Ye Wan Wan, "3.1415926535897…"

Ang Pi ay binubuo ng walang katapusang desimal; may mga nagsasabi na may isa na kayang bigkasin ito hanggang sandaang libong numero sa loob ng higit sampung oras na tuluy-tuloy.

Hindi na nabilang pa ni Ye Wan Wan kung ilang numero na ang nabigkas niya pero hangga't hindi siya pinapatigiil ni Si Ye Han, hindi siya pwedeng tumigil at tuluy-tuloy lang sa pagbibigkas ng mga numero.

Litaw na litaw ang kagwapuhan ng natutulog na binata sa tabi niya. Kahit ang langit na kita sa Qing He ay liliwanag dahil sa kanya. Kulay itim na tulad sa maliwanag na gabi ang kanyang buhok, matapang na hubog ng mukha, may makinis na balat, at ang manipis niyang mga labi ay ayon sa kanyang hitsura.

Ang bawat hibla ng buhok ay parang nagpapakita na tunay siyang pinagpala ng Diyos, at higit pa roon, dahil tinanggal niya ang tali sa may collar niya, lumitaw ang bahagi ng balagat niya na lalo pang nagpagwapo sa kanya.

Dahil sa nararamdamang takot, naisip ni Ye Wan Wan na ang makatabi ang isang perpektong lalaki ay isang malaking parusa sa kanya.

Hindi na alam pa ni Ye Wan Wan kung gaano na siya katagal nagbibigkas ng numero. Sa huli, napagod din siya at tuluyan nang nakatulog.

Maya-maya pa'y, bigla siyang nagising sa malakas na katok sa pintuan.

"Dong dong dong," isang malakas na katok ang bumulabog sa tahimik na silid.

Damn! Kung anuman yun, nandito na eh!

Parang takot na ibong nagmadaling bumangon sa kama si Ye Wan Wan.

Tulog na tulog pa naman ang binata sa tabi niya bago ang malakas na katok sa pintuan. Unti-unting nagsalubong ang kilay sa yamot nang marinig ang nakakabulabog na katok.

Nagulat bigla si Ye Wan Wan sa nakita---nakatulog na ulit si Si Ye Han?

Hindi ba nahihirapan siyang makatulog na kailangan pa niya lagi si Dr. Mo para sa hipnotismo, makatulog lang siya?

Gayunpaman, wala na siyang pakialam pa at bahagyang ginising ang lalaki agad-agad, "Gising na! Si Ye Han!"