webnovel

Nakabangga ng tao?

Éditeur: LiberReverieGroup

Dahil sa ilang araw ding nawala si Ye Wan Wan, nagpatong-patong ang trabaho niya sa Dazzling kaya hindi na siya nanatili pa roon.

Sobrang lalim na ng gabi nang umalis siya sa Jin garden.

Hindi nagtagal nakarating na siya sa garahe, pinasadahan ng tingin ni Ye Wan Wan ang buong silid.

Maya-maya pa, sumimangot si Ye Wan Wan - hindi siya sigurado kung bakit pero pakiramdam niya may nagmamasid sa kanya sa dilim.

Pinabayaan na lang ito ni Ye Wan Wan at inisip na baka pagod lang ito mula sa mga nakaraang araw.

Binuksan niya ang pintuan ng kotse at umalis.

Pabalik sa kanyang apartment, binuksan ni Ye Wan Wan ang mga bintana at sinubukan na gisingin ang sarili.

Malalim na ang gabi. Mataas ang sikat ng gasuklay na buwan at sa marahan pang pag-ihip ng hangin, nakaramdam ng kaluwagan at kasiyahan si Ye Wan Wan.

Hindi nagtagal, bumagal ang takbo ng kotse. Napasimangot si Ye Wan Wan nang mabasa ang karatula sa daan, at sumakit ang ulo niya.

May inaayos sa daanan at hindi pwedeng dumaan ang mga kotse doon.

Walang magawa si Ye Wan Wan kung hindi mag-u-turn na lang at magmaneho sa kaliwang gilid ng daanan.

Hindi naman ganoon kasama ang kundisyon ng daanan at walang masyadong mga kotse ang dumaan patungo sa kanya. Nagpatugtog si Ye Wan Wan at tinapakan ang aselerador - nawala siya ng ilang segundo lang.

"Swish!"

Bigla na lang, isang anino ang kumisap sa mga mata ni Ye Wan Wan.

Walang ideya si Ye Wan Wan sa nangyari - nakarinig na lang siya ng malaking bang at nakaramdam ng malakas na salpok.

Agad na tinapakan ni Ye Wan Wan ang preno. Bahagyang natangay ang kotse at nag-iwan ng halos 10 metrong haba ng skid mark.

Sa sandaling ito, naka-upo si Ye Wan Wan na malakas ang kabog ng kanyang puso.

Nakakita siya ng anino ngayon lang… tapos… may bumangga sa kanya...

"Aksi… aksidente?" hindi pa din nagigising sa diwa si Ye Wan Wan.

Hindi siya nagdahan-dahan at sa bilis at salpok ngayon lang, pati ang taong may tansong ulo at bakal na bungo ay mayuyupi panigurado...

10 segundo ang lumipas, mabilis na lumabas si Ye Wan Wan sa kotse.

Kumikisap-kisap pa din ang ilaw sa kotse at nasisinagan ang daanan sa harap, pero hindi pa din makita ni Ye Wan Wan ang taong nabangga niya.

Sa sandaling ito, nakita ni Ye Wan Wan ang yupi sa harap ng kanyang kotse mula sa bangga at nakita niya din kung gaano kalakas ang pagkakabangga niya dito.

"Patay ako…" nataranta si Ye Wan Wan at balisang tumingin sa paligid.

Hinanap ni Ye Wan Wan ang buong paligid, pero wala siyang makitang kakaiba mula rito.

Lumapit si Ye Wan Wan sa harap ng kotse at mabilis na binuksan ang ilaw sa kanyang telepono. Yumuko siya at maingat na tinignan ang ilalim ng kotse.

Walang lakas ng loob si Ye Wan Wan na buksan ang kanyang mga mata. Natatakot siya na may makita siyang bangkay sa ilalim ng kotse niya.

Ngunit, walang naroroon bukod sa maliit na tagas ng gas.

"Huh…" tumayo ng deretso si Ye Wan Wan at balisa.

Baka hindi tao 'yung nabangga ko ngayon lang?

Pero nang isipin niyang muli, nakaramdam si Ye Wan Wan na may mali. Walang tao roon at hindi pwedeng sumalpok ang kotse sa hangin. Gayunpaman, kahit na nakabangga siya ng aso o pusa, hindi magiging malaki ang yupi ng kotse.

At kung makakabangga siya ng aso o pusa, dapat may bangkay dito ngayon...

"Baka leon o tigre 'yung nabangga ko?" pagsuri ni Ye Wan Wan sa paligid.

Kahit nasa labas ng lungsod, wala naman sigurong mga ligaw na hayop ang nakatakas para mabangga niya, 'di ba…?

Tinignan maigi ni Ye Wan Wan ang yupi. At base sa hugis ng yupi, paniguradong tao ang nabangga niya. Tsaka, nakapansin si Ye Wan Wan ng mga puting hibla ng buhok; galing ito sa isang matanda!