webnovel

Masyadong delikado!

Éditeur: LiberReverieGroup

Biglang tumayo ang Spray of Flowers at ang deboto na mukhang mamatay na sa sobrang gutom. Biglang nagising rin dahil sa pera ang taong yelo na nagkukunwaring patay.

"Damn! Salamat, boss! Salamat, boss! Isa kang mabuting tao! Sapat na ang perang ito para ilibing ng sampung beses ang asawa ko!"

"Boss, gusto mo bang basahin ko ang kapalaran mo at alamin natin ang feng shui mo? Pwede akong pumunta sa bahay niyo! Matutuwa ka sa serbisyong ibibigay ko!"

Nakasuot ng itim ang dalawang lalaki na nagbigay sa kanila ng pera.

Isa sa kanila ang nagsalita, "Hindi niyo kami kailangang pasalamatan. Hindi kami ang nagbigay sa inyo ng pera."

"Uh, hindi kayo ang nagbigay? Kanino pala nanggaling ang pera na ito…?" Nagtaka sila Spray of Flowers at ang deboto.

Pumunta sa gilid ang lalaking naksuot ng itim at naglagay sila ng espasyo sa gitna.

Sa isang saglit, biglang lumabas ang isang tao na galing sa likod ng lalaking nakaitim.

Nanigas na parang bato sila Spray of Flowers at deboto nang makita nila ang porselanong manhid na mukha na nasa harapan nila.

"Shhh-sh*t!!!"

Leche! Hindi naman local tyrant ito? Binisita tayo ng hari ng impyerno!

Mabilis na nagtago si Spray of Flowers sa likod ng kabaong ng taong yelo, niyakap ng deboto ang kanyang ulo at siya ay nanliit habang ang taong yelo naman ay hinimatay habang nakasara ang kanyang mga mata.

Kaakit-akit at napakagara ng mukha ng batang ito na nasa edad na apat o limang taong gulang, ngunit parang robot ang ekspresyon sa mukha niya. Mukha siyang manhid at matigas at kakaunting liwanag lamang ang nasa itim niyang nga mata.

Tiningnan ng batang lalaki ang tatlong lalaki at sinabi niya, "Matagal na panahon na noong huli tayong nagkita."

Biglang nanigas at nanginig si Spray of Flowers nang magsalita ang batang lalaki.

Ayaw namin siyang makita! Ayaw naming makita ang little devil!

Spray of Flowers: "Hahaha… oo… oo… matagal na panahon na ang lumipas! Matagal na noong huli ka naming nakita! Little young master, bakit nandito ka na lamang bigla sa China?"

Deboto: "Masaya sa China. Gusto mo bang maging tour guide mo kami?"

Hindi pinansin ng batang lalaki ang dalawa na iniiba ang pinaguusapan, kaya prinangka niya na lamang sila: "Nasaan si tito?"

Yari tayo, hindi natin siya maloloko...

Imposible nga naman siyang maloko!

Umubo ang deboto. "Ah… hindi kami sigurado…"

Sumabad si Spray of Flowers, "Bigla lang lumilitaw si kapitan at bigla rin siyang mawawala - hindi namin alam kung nasaan na siya. Umuwi muna dapat si little young master at kokontakin ka namin kapag nahanap na namin si kapitan! Delikado na nandito ka ng mag-isa mo lamang!"

Tiningnan ng batang lalaki ang dalawa. "Delikado?"

Umiyak si Spray of Flowers at ang deboto at silang dalawa ay ngumangawang nagyakapan. Delikado mo pwet ko!

Tayo pa rin ang delikado kahit na delikado na mag-isa lamang siya!

Deboto: "Huwag ka nang magtanong pa, little young master. Hindi namin pwedeng pagtaksilan ang kapitan namin!"

Spray of Flowers: "Tama! Hindi namin pagtataksilan ang kapitan!"

Batang lalaki: "Bibigyan ko kayo ng tatlong segundo para baguhin ang desisyon niyo."

Ano… tatlong… tatlong segundo???

"Si kapitan ay nasa Dragon Burial Hill sa mag suburbs!!!" Sabay na sumagot ang deboto at si Spray of Flowers.

Tumalikod ang batang lalaki at umalis. " Tara na."

Agad siyang sinundan ng dalawang lalaki na nakaitim. "Opo."

Nakahinga na ng maluwang ang nasa likod nila na sila Spray of Flowers at ang deboto.

Aiya, p*ta, natakot ang buong pagkatao ko...

Pasensya na, kapitan...

Ginawa namin ang lahat at naghirap kami ng tatlong segundo bago ka namin pagtaksilan...