webnovel

Masusunod, Master

Éditeur: LiberReverieGroup

Galit na nirolyo ni Heidi ang kanyang manggas. "Sino ang malakas ang loob na gumawa ng gulo kay Master?!"

Ngunit sa kasalukuyan, tinatago ni master ang kanyang katauhan, kaya may kahulugan...

"Isipin ko muna kung sino ang ipapadala…" bulong ni Ye Wan Wan habang winawalis ang kanyang tingin sa grupo.

"Master, ako ako ako. Hayaan mo ako, papatayin ko kung sino man ang gustuhin mo! Basta sabihin mo lang!"

Hindi sumagot si Ye Wan Wan ngunit sa dulo ng kanyang mga labi. "Naroon ka lang para ayusin ang mga bagay bagay. Hindi ko sinabing pumatay ka…"

Sa pamamagitan ng tono ni Ye Mu Fan, ang sitwasyon ay tila malala. Ang kanilang mga kalaban ay mga batikang miyembro ng provincial Chinese bocing team, kaya ang magpadala ng isang maaasahan at responsableng tao ay mas maganda.

Ang pinakamagaling na manlalaban ng grupo ay si Jiaojiao, bakit hindi na lang si Jiaojiao?

Kaya naman, inutus ni Ye Wan Wan, "Jiaojiap, pumunta ka doon!"

Kaagad na kinuha ni Jiaojiao ang kanyang skirt at masayang pumunta bago malutong na sumagot, "masusunod, master!"

Nakaramdam ng kaunting pagsisisi si Ye Wan Wan matapos gumawa ng desisyon. Hindi ba masyadong masama si Jiaojiao?

Anuman. Maganda din naman ang pagiging masama.

Sa may filming location.

"Basagin! Basagin ang lahat!"

Isang walang katapusang raket ng mga hiyawan ang pumapalibot sa lugar.

Mukhang balis si Luo Chen. "Si Ye-ge ba yung nasa telepono ngayon? Anong sabi ni Ye-ge?"

Taimtim na sumagot si Ye Mu Fan, "sabi na niya na tatawag siya ng mga tutulong…"

Tanong ni Dong Zai, "humingi ng tulong si Ye-ge? Pero nakapadaming ng mga tao nila. Hindi na banggit na dumating mismo si Zhang Wei. kung dumating lang si Liang Xin Dong, marahil pinaalis na niya tayo."

Hindi umaasa si Ye Mu Fan kay Ye Wan Wan. Babae lang siya, kaya paanong may kilala siya na kaya lumaban?

"Hayaan mo akong tumawag." Huminga ng malalim si Ye Mu Fan.

Mayroon siyang ilang koneksyon sa mga tao sa industriya, ngunit pagkatapos ng pagkawala ng posisyon ng kanyang ama, hindi na niya sila kinontak pa kahit kailan.

Sa kabila ng lahat, gusto padin niyang sumubok...

Ang gang ni Old Three Zhang ay maisasantabi, kaya hindi na tinangkang mag-isip pa ni Ye Mu Fan at kaagad na tumawag.

Sandaling tumunog ang telepono ngunit sa wakas biglang may sumagot ng kanyang tawag.

"Hello, Liang-ge…"

"Hey, kamusta ka?"

Sinusubukang maging magalang ni Ye Mu Fan. "Liang-ge, matagal na panahon na rin. Pasensya sa abala. Ako si Ye Mu Fan at gusto ko sanang humingi ng tulong. Mayroong akong kasalukuyang away kay Zhang Wei at iniisip ko kung pwede ka naming maging tagapamagitan at tulungang ayusin ang mga bagay-bagay…"

Ang lalaki sa telepono ay tila biglang naalala kung sino siya. "Oh, iniisip ko kung sino ka. Ito pala ang aking mabait na pamangkin Ye. ah, hindi sa hindi ko gustong tumulong, pero naghahanda ako para sa global martial arts conference ngayon at nagpapaensayo ako ng mga tao sa pag-iisa. Wala akong panahon ngayon para makialam sa ganitong maliit na problema. Paumanhin na…"

Sa oras na matapos ng magsalita ang isang tao sa telepono, hindi na niya hinintay pa si Ye Mu Fan na sumagot at direktang binaba na parang isang aquatic animal na dumulas sa tubig.

Malinaw na hindi gustong masangkot ng kabilang partido kay Old Three Zhang sa isang bagay na walang halaga at alam din na ang kasalukuyang si Ye Mu Fan ay hindi na kabilang sa mga young master ng mga Ye. Base sa kanyang kasalukuyang sitwasyon, hindi maimpluwensya si Ye Mu Fan para kay Liang Xin Dong para piliting tumulong.

Nginitnit ni Ye Mu Fan ang kanyang mga ipin ngunit hindi makapag-isip ng iba pang solusyon. Dedepende na lang siya kay Ye Wan Wan...

Malaki ang pinagbago ni Wan Wan at di hindi na siya padalos-dalos tulad ng nakasanayan. Siya ay sigurado sa telepono, kaya baka talaga mayroon siyang mahanap...

Habang patuloy na nag-aalala Ye Mu Fan, Nag madaling lumabas si Gong Xu sa likuran niya--

"P**a! Ang isang may apelyidong Zhang, hindi mo ba ginagawa ang lahat ng ito para sa akin?! Ako ang may responsiblidad, Kaya kung naghahanap ka ng gulo sa akin ka dumirekta!"