webnovel

Kailangan maging lalong maingat

Éditeur: LiberReverieGroup

Ang baluktot na salita ni Ye Wan Wan… ay ganap na nakakamatay!

Salamat, at nagawa niyang maliin ang kaniyang pag takas, at hindi na inalam pa ni Si Ye Han at tinanggap ang kaniyang pag ganap...

Talagang mapanganib!

Kahit na mababa ang EQ ni Si Ye Han, mataas naman ang kaniyang IQ, kaya siya ay halos malinlang.

Palihim na pinaalala ni Ye Wan Wan sa kaniyiang sarili na maging lalong maingat sa susunod na siya ay magsalita!

Imperial City's Sandalwood Hotel.

Ang Sandalwood Hotel ay isang mamahaling six-star hotel na may lumang istilo ng Chinese na nakalagay sa dulo ng east ng Parkson Street. Ito ay madalas na location para sa salo-salo ng mga bisita mula sa prestihiyoso at mayayaman na mga pamilya, pati na ang mga nakatataas na government official.

Upang hawakan ang pagtanggap ng reception para sa Mu Suifeng, ang mga Si- bilang host- nag ayos ng isang pribado at maliit na salo-salo. 

Ngayong gabi, si Qin Rou Xi ay nakasuot ng isang mahaba, light purple na limited edition couture gown mula sa Grace at nakasuot ang kaniyang buhok ng isang updo. Mukhang kaaya aya at elegante siya ay kasalukuyang magaling at madaling kumausap sa mga bisita sda loob ng salo-salo.

Nakasuot ng cute at kaakit-akit na lace gown si Feng Qin Yu, naglalakad patungo kay Qin Ruo Xi at magiliw na hinawakan ang kamay ni Qin Rou Xi. "Sister Ruo Xi, napaka ganda mo ngayong gabi!"

Bahagyang ngumiti si Qin Ruo Xi. "Hindi ba sinabi mo na hindi ka pupunta ngayong gabi?"

"Hindi talaga ako pupunta dahil sa ayaw kong makita ang mukha ni vixen. Paanong dadalo ang mababang babaeng iyon sa salo salong ito kasama ang kaniyang mga apo kaysa sayo?! Hayaan ang babaeng iyon na dumalo kasama ang apo at tanggapin si Mr. Mu ay masyadong nakakawalang gana hindi ko alam kung anong iniisip ng kaniyang apo!"

"Oh, ikaw…"

"Tama na, tama na, alam kong papagalitan ako sa pag sagot ulit ngunit hindi ko kayang tiisin ang kaniyang ugali! Tanging isang tao na mahinahon tulad mo ang may kayang magtiis sa kaniya hanggang ngayon, Sister Ruo Xi!"

Habang sinasabi iyon ni Feng Qin Yu, ang pagtatalo ay rinig mula sa entrance ng banquet hall habang papasok si Si Ye Han at Ye Wan Wan.

Nakasuot ng isang magandang gown si Ye Wan Wan, ngunit ang kaniyang gown ay hindi nakabawas sa kaniya at walang anuman kundi ang isang prop.

Nang sandali siyang pumasok, ito ay parang kinuha niya ang lahat ng bituin sa langit. Nakatayo sa tabi ni Si Ye Han hindi nakakabawas ang kaniyang talino kahit konti.

Nakabihis ng maselan at maganda si Ye Wan Wan. Nakatayo sa tabi ni Si Ye Han, mukhang cute. Hindi siya lumayo kahit onti kay Si Ye Han; siya ay talagang tahimik.

Sumabog ang mga bulong-bulungan sa banquet hall.

"Oh diyos ko! Talagang nagpakitang apo na may kasamang babae ngayon!"

"At ang babaeng kasama niya ay hindi si Miss Qin… mukhang pabor si Miss Ye dahil gusto siyang isama ni Si Ye Han upoang dumalo sa ganitong kaganapan!"

"Hindi talaga nakakapag-tataka, Ang maamo at marikit na itsurang iyon- walang lalaki ang makakatiis dito! Isang maliit na pillow talk at hindi maikukumpara ni Miss Qin kahit ano man ang gawin niya!"

"Pinatunayan nito na gusto parin ng mga lalake ang mga mahinhin na babae…"

Ilang sandali, dumating na si Mu Sui Feng.

Naglakad si Si Ye Han sa entrance upang salubungin si Mu Sui Feng kasama si Ye Wan Wan. "Mr.Mu."

Mukhang nasa 40-50 taong gulang na si Mu Sui Feng. siya ay nakasuot ng isang tank suit at may matalino at palakaibigang itsura. "Chairman Si. paumanhin, nahuli ako!"

Habang sinasabi iyon Mu Sui Feng, dumaan ang kaniyang tingin sa babaeng nasa tabi ni Ye Wan Wan. "Chairman Si, this is…?"

"Girlfriend ko, Ye Wan Wan," Pinakilala siya ni Si Ye Han.

"Hello, Mr. Mu!" Binati siya ni Ye Wan Wan ng siya ay tumayo sa tabi ni Si Ye Han.

"Hello, Miss Ye. Kayong dalawa ay talagang magandang magkasintahan!" insar sila ni Mu Sui Feng. "Hindi nakakapagtaka na nagmamadaling bumalik si chairman Si nung siya ay nasa Country M!"

"Pakiusap pagpasensyahan mo na kami."

"Haha, para sayo bata, isang araw na magkalayo ay tila parang tatlong taon! Naiintindihan ko, naiintindihan ko!"