webnovel

Hindi na kailangan pa mag-imbestiga

Éditeur: LiberReverieGroup

Matapos magsalita, tuluyan ng nagalit si Si Ming Li. Kinuha niya ang tasa sa tabi at binato kay Xu Yi.

Isang malakas na "clang" ang umalingawngaw. Nahulog ang tasa sa sahig at nabasag. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng dugo sa noo ni Xu Yi.

Hindi makaimik sina Liu Ying at Eleven habang tulirong tinitignan ang ebidensya.

Kaduda-duda nga ang dalawang paratang sa kanya, pero ang pasikretong pakikipag-usap ni Xu Yi sa miyembro ng Murderous Blood Gang ay hindi maitatangging totoo nga ito.

Xu Yi… paano 'to nangyari...

Sa sandaling ito, malamig at masama na tinignan ng mga matatanda si Xu Yi.

"Xu Yi, sa lahat ng ebidensya dito, bakit mo pa sinusubukang tumakas? Yung 'ispya' na namatay ay halata naman pinatay mo para patahimikin siya!"

"Bakit mo tinraydor ang mga Si at sino ang master mo sa likod ng mga 'to? Ano ang motibo mo?"

"Wala ka talagang utang na loob; kung hindi dahil sa dating master, napatay na ang buong pamilya mo ng mga kalaban at nalibing na kayo sa ilalim ng dagat! Ang kapal ng mukha mo kagatin ang kamay na nagpakain sa 'yo! Mas malala ka pa sa halimaw!"

"Sinuhulan yata ang buong mga Xu!"

...

Tumulo ang dugo sa ulo ni Xu Yi papunta sa kilay niya at sa kanyang mga mata na para bang dugo na mga luha...

Unti-unti niyang inangat ang kanyang mapupulang mga mata at hinarap ang bawat sama ng tingin sa kanya, at siniguradong malinaw ang kanyang pagkakasabi: "Hindi ko tinraydor ang master ko. Totoo ang lahat ng sinabi ko! Kasama ng tatay ko ang dating master sa buong buhay niya, at kasama ko na din ang master simula bata pa lang. Naging tapat ang buong Xu sa master! Ngayon, kung ako, si Xu Yi, ay nagsinungaling, pupunta ako sa impyerno, magiging isang hayop at hindi na magkakatawang-tao muli!"

Nanlibak si Si Ming Li. "Kung mapapatunayang ang pagiging inosente ng isang tao sa mga salita lang, baka wala ng mga kriminal sa mundo."

Matagal din napaisip si Si Ming Rong bago magsalita. "'Wag na nating pag-usapan ang iba pang mga bagay. Matibay nga ang ebidensya na 'to. May pruweba ka ba na itong tao na palihim mong kinausap ay talagang ispya tulad ng sinabi mo?"

Tanging ang ispya lang mismo ang makakapagsabi na inosente ako, pero ngayon na patay na siya, wala na akong magagawa pa.

"Mukhang dito na natatapos ang imbestigasyon natin." lumingon si Si Ming Li sa old madam. "Hipag, malinaw naman na ang lahat, kaya parusahan niyo na ang traydor na 'to!"

Tahimik lang ang old madam, at mukhang malungkot habang ilang beses ng tinitignan si Xu Yi.

Napangisi si Si Ming Li, na nakakangatog buto - ngayon, tiyak na ang kapalaran ni Xu Yi.

Hindi lang si Xu Yi, kundi pati ang buong mga Xu ang masasama dito.

"Old madam!"

Sa sandaling ito, isang matandang lalaki na nakaitim ang pumasok sa kwarto; balisa siyang tumingin sa old madam.

Nang marinig ang pagpasok niya, napatingin ang lahat sa lalaki.

Siya ang tatay ni Xu Yi, si Xu Chang Kun, at tatlumpung taon na nila pinaglalaban ang mga Si. Ngayon, isa din siya sa mga matatanda sa mga Si.

"Ang anak ko, si Xu Yi, ay hindi makakagawa ng ganyang bagay, na sasama sa mga kalaban na parang walang konsensya. Sana po ay manindigan ang old madam sa hustisya!" bahagyang nanginig ang katawan ni Xu Chang Kun. Bilang isa sa mga nakakatanda sa mga Si, alam niya na kapag nahatulang may kasalanan si Xu Yi, walang duda na mamatay ito!"

Kahit na magising agad ang master ng mga Si, na si Si Ye Han, wala pa ding pag-asa dahil walang pruweba na inosente si Xu Yi.

Napapikit si old madam. Malamig ang itsura niya at hindi na nag-abala pang sagutin si Xu Chang Kun - tutal, tatay siya ni Xu Yi, kaya halata namang magsasalita siya para dito.