Kaya pala nagtaka si Ye Wan Wan kung bakit isisiwalat ni Shen Man Zhu ang buong pagkatao niya ng ganoon ka-dali. Ang bastardo pala ang may pakana ng lahat ng ito.
"Slam—" may tao na nagsara ng pintuan.
Mabilis na sumugod si Gong Xu sa loob ng opisina. "Mina-san! Ohaiyo! Ye-ge, nakabalik ka na pala! Hindi kita nakita kahapon kaya buti na lang nakita kita ngayong araw. Dinalhan mo ba ako ng regalo?! Dali, dali, dali, ilabas mo na ang regalo!"
Lumiit ang mga mata ni Ye Wan Wan. "Regalo? Gusto mo ng malakas na sapak?"
Kumurap si Gong Xu. "Huh? Bakit mo ako gustong sapakin? Napaka-masunurin ko at mabait pa noong wala ka dito! Lima, ay tatlong beses lang ako gumawa ng kaguluhan dito…"
Wow, ang galing mo pala eh...
Nakakatakot na ngumiti si Ye Wan Wan. Dahan-dahan siyang sumagot kay Gong Xu, "Narinig ko kasi na sinabi mo na mahilig ako sa babaeng didiretsohin ako at mabagsik ang ugali? Kapag mas mabagsik, mas maganda, tama?"
Nanigas ang ngiti ni Gong Xu at napansin niya na nasa loob rin pala ng opisina si Shen Man Zhu. Nalaman niya sa puntong iyon na pinagtaksilan siya ng babaeng ito kaya bigla siyang nagsisi. Sa sobrang takot niya, bigla siyang umungol kay Ye Wan Wan, "Ye-ge… ma… mali ako…" *umiiyak*
Napagtanto ni Shen Man Zhu na niloko siya ni Gong Xu kaya bigla niya itong hinabol at binugbog bugbog. "Ang galing! Nagsinungaling ka sa akin, Gong Xu! Nasira ako dahil sayo!!!"
"AHHH… 'wag yung mukha ko!" Tinakpan ni Gong Xu ang kanyang mukha at umalis siya na parang isang daga.
"Okay, tama na yan," sabi ni Ye Wan Wan.
Tumigil silang dalawa habang hinihingal sila.
Sa oras na ito, hindi nakalimutan ni Gong Xu na makarinig ng mainit na tsismis nang lumapit siya kay Shen Man Zhu at tinanong niya ito, "Eh, She Man Zhu, sinubukan mo na ba? Anong ginawa mo?"
Gusto siyang sakalin ni Shen Man Zhu hanggang sa mamatay siya. Kinaskas niya ang ngipin niya at tinitigan niyang maigi si Gong Xu nang bumulong siya, "Nag-hubot bubad ako sa harap niya pero walang naging reaksyon Ye-ge - sobrang nakakahiya! At kasalanan mo ang lahat ng ito!"
"Wow… pasabog na balita…" nagulat si Gong Xu.
Uh, hindi man lang siya nagkaroon ng reaksyon noong nag-hubot hubad si Shen Man Zhu sa harap niya… wala na, tapos na...
Noong una, gusto niyang hilahin pabalik si Ye-ge… pero hindi niya naisip na bakla si Ye-ge at hindi pwedeng maging bakla pa siya...
Hindi na pinaniniwalaan ni Shen Man Zhu ang mga salita ni Gong Xu. Tumayo siya sa harap ng desk ni Ye Wan Wan nang talunan at tinanong siya nito, "Ye-ge, anong klaseng mga babae ba ang gusto mo?"
Lumapit si Gong Xu at tinapik niya ang braso ni Ye Wan Wan. "Huwag ka nang magtanong. Wala nang magagawa kahit alam mo na - hindi ito isang bagay na natututunan mo lang…"
Nairita sa kanya si Shen Man Zhu. "Umalis ka nga dito! Paano mo malalaman na hindi ko kayang matutunan iyon?"
Sinuri ni Gong Xu ang kanyang katawan. "Kasi wala ang isang parte ng katawan mo…"
Kailan mo kaya matututunan na maging tunay na lalaki?
Tiningnan ni Ye Wan Wan si Gong Xu at sinenyasan niya ito na manahimik na bago pa siya sumobra. Bigla siyang humarao kay Shen Man Zhy at sinabi, "Sorry, Man Zhu, alam mo naman siguro na may girlfriend na ako."
Bigla siyang sinigawan ni Shen Man Zhu, "Wala akong pakialam."
Seryoso si Ye Wan Wan. "Ako, may pakialam."
Nabigla si Shen Man Zhu at namula ang mukha niya. Normal sa mga tao sa loob ng industriya na makipaglandian sa isa't isa. Sa itsura ni Shen Man Zhu, normal lang na marami siyang manliligaw. Gayunpaman, ayaw pa rin siya ni Ye-ge kahit na naghubad na ito sa harap niya.
Hindi niya inakala na malinis at mabait pala si Ye Bai, habang sumabak siya sa industriya at lalo na sa estado niya.
Tsk, nakakainis, bakit hindi ko nakilala ang kakaibang nilalang na ito nang mas maaga...
"Ye-ge."
Nanggaling sa pintuan ang boses ni Luo Chen.
May mga assistants sa sumusunod kay Luo Chen kahit saan pa siya pumunta. Nakasuot siya ng pormal na suit at halata naman na nanggaling siya sa isang event, kaya nawalan na siya ng oras na makapagpalit ng damit.
Ye Wan Wan : "Luo Chen, abala ka pa rin ba? Hahanapin pa lang sana kita eh…"